Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa videoke

Busy ka na siguro?

Balita ko ay magtatapos ka na. Tinatapos mo na siguro ang dissertation mo. Talagang hindi iyan madali; nadaanan ko yan (ugh... ayoko nang alalahanin). But then again, sasabihin ng mga tao, "Ikaw naman yan e!"


*****

Iyon kasi ang pagkakakilala sa iyo ng mga tao.

Lagi kang naiiba, nakakaangat. Hindi na natin siguro kailangang isa-isahin pa ang mga achievement mo; kilala ka nga ng lahat e (celebrity!). Correction: alam ng lahat kung ano ang pangalan at nagawa mo, pero hindi ka nila kilala.

*****

Kaunti lang ang mga taong talagang nakakakilala sa iyo.

At proud ako kasi pakiramdam ko, isa ako sa mga iyon. Sa matagal-tagal na rin na panahon na magkasama tayo, nakita na kitang magtrabaho (sabay tayong nagco-collate at check); nakasama na kitang magmeryenda (sa kung saan-saan); na-i-issue na kita sa lahat ng lalakeng kakilala natin (pati nga yata sa akin e!); nakita ko na kung paano ka madisappoint ng sobra (at natakot ako dahil nahirapan kang huminga); at marami pang iba...

*****

Pero siguro sa mga kantahan kita mas naaalala.

Sa bawat banat at birit, dun ko unti-unting nakita kung gaano kalaki ang pagkakatulad natin kahit pa sa paningin ng marami ay nag-iisa ka lang at nasa pedestal. Aba, pareho pa man din ang mga kantang alam natin kahit pa magkalayo ang edad natin! Hindi na tayo madalas mag-videoke ngayon (heck, ni hindi na tayo magkasama ngayon!), pero hindi naman talaga tayo nagkalayo. Looking back, nakita kong nadala naman kita sa puso ko.

*****

At alam kong ganun din ako sa iyo.

Pasensya ka na ha, hindi ko kabisado yung kanta. Hindi ko nilalait yung pagtugtog mo (ni hindi ko nga kayang gawin yun e!). Pero itong ilalagay ko dito may lyrics. Para everytime na papanoorin mo to, makakasabay ka; isipin mo na lang na sabay tayong bumibirit. :)


Mga Komento

  1. When there is a birthday party, town fiesta, baptismal, or any occasion worth celebrating, it is not complete without videoke. Even in holidays or in Sundays, videoke is the way for recreation paired with some little drinks. That's our way in the Philippines.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...