Naka-sabbatical leave ako ngayon, pero nakatanggap ako ng paulit-ulit na email mula sa isang opisina ng Unibersidad. Tungkol ito sa isang pagsasanay para sa mga guro ng iba't-ibang departamento. ***** Kapag kailangan kong pumasok sa trabaho, nangangailangan ito ng isang malaking patiunang paghahanda — ng katawan, ng kaisipan, ng damdamin — bago sumabak sa malayong paglalakbay at sa isang araw na punung-puno ng “makukulay” na mga karanasan na humahasa sa isipan at tumatatak sa damdamin. Gabi pa lang, inihahanda ko na ang gamit ko, kasama ng lahat ng pwedeng kailanganin sa mga sitwasyong pinaghandaan ko sa isipan ko. At matutulog ako nang maaga para magkaroon ng magandang kondisyon. Pagkatapos, gigising din ako ng maaga, mga ikatlo pa lang ng umaga. Maghahanda, muling nirerepaso sa isipan ang mga tagpong posible kong kaharapin. Pagkatapos kumain, maligo, at magbihis, magpapatakbo na ako ng sasakyan, ine-enjoy ang madilim at maluwag na mga daan habang nakikinig sa musika ...
Marami akong teaching load ngayon, pero dahil sa hybrid na setup ng unibersidad, nagkaroon ako ng mga pagkakataon para manatili lang sa bahay ng ilang araw bawat linggo. Lalo pa ngayon at nagsisimula pa lang ang mga klase. Sa nakaraang dalawang linggo, ginugugol ko ang Lunes at Martes na nakaupo sa harap ng computer para magdaos ng klase, sunud-sunod pasimula ng alas-siyete ng umaga. Ang tig-isa't-kalahating oras na mga klase ay may pagitan lang na labinlimang minuto, sapat lang para sa toilet breaks at maikling pagkain. Matapos ang lahat ng mga sesyon, gugugol pa ako ng panahon para mai- upload ang mga video at iba pang materyal para sa mga klaseng iyon. Matatapos ako nang mga alas-kuwatro ng hapon. Kapag bumaba na ako mula sa opisina, naghihintay na ang mag-ina ko; sila rin ay nag-klase (ang anak namin ay homeschooled ng kaniyang ina). Pagbukas ng pinto, bubungad sa amin ang gintong araw ng hapon, tamang-tama lang bago ...