Mga ilang buwan na ang nakakaraan, sa isang biglaang walking tour sa Maynila, ipinasiya naming dumaan sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Ang dapat sana ay isang pag-iikot at pagtikim-tikim sa Binondo ay naging isang mahabang paglalakad tungo sa Escolta, patawid ng bagong tulay ng Binondo-Intramuros, pagkatapos ay sa loob ng Muralla, Luneta, hanggang sa gusali ng aklatan. Sa unang pagbisita namin, inalok kami ng guwardiya kung gusto naming kumuha ng ID. Dahil inaasahan na namin na makakabalik kami, nagrehistro na kami, nagpakuha ng larawan, at hinintay ang pag-print ng ID sa PVC card. Tila yata ito ang unang ID ng anak ko na galing sa gobyerno, at nalungkot pa siya na hindi siya nakapirma (ipinasulat lang sa kanya ang apelyido). Pagkatapos, tumungo kami sa seksiyong pambata sa ikaapat na palapag. Doon, habang natutulog si Mommy (at humihilik) at naglilibot si Stacie, binasa ko ang isang pinaikling bersiyon ng Odyssey na pambata. ***** Kahapon, muli kaming b...