tungkol sa mga paraan ng pagpapalaganap ng edukasyon
Naantig ako sa mga balita nitong nakaraan.
Ang isa ay ang ulat tungkol sa isang batang Pilipino na nagwagi ng isang prestihiyosong parangal dahil sa adbokasiya niya sa pagtuturo sa mga batang lansangan. Labintatlong taong gulang pa lang ang batang ito, at siya mismo ang naging biktima ng mga bagay na pinipilit niya ngayong labanan. Kung tutuusin, mas madali sana na sumuko; kung tutuusin, wala siya sa kalagayan, at yaong mga nasa kalagayan ay waring hindi naman interesado na gawin iyon. Pero kabaligtaran ang ginawa niya; mas naging mapuwersa pa ang kaniyang mensahe dahil siya mismo ang nagsabuhay niyaon.
Ang isa naman ay tungkol sa isang pangkaraniwang tao na nagtayo ng isang di-pangkaraniwang aklatan. Ang sabi nga ng ulat, sa halip na maubos ang kaniyang aklat dahil sa polisiya niyang ipamigay ang mga ito para mabasa, dumami pa ang kaniyang koleksiyon dahil sa tulong ng mga taong nagmamalasakit. Mahal ang mga aklat sa Pilipinas (at may kakaiba pa tayong batas na kumukuha ng mataas na buwis sa mga inaangkat na aklat), pero hindi ito nakahadlang sa pagsusulong niya ng pagbabasa.
*****
May mga kakaibang mga proyektong pang-edukasyon na naabutan ko noon bilang isang elementary pupil sa isang pampublikong paaralan.
Ang isa ay ang proyekto ng Ateneo para sa mga high school students nila. Ang mga graduating na Atenista ay kailangang makilahok sa isang outreach program para sa mga estudyante sa public school. Ito ang Tulong Dunong (TD) Program, kung saan ang Marikina Elementary School ay kasapi. Ang bawat estudyante ay may mga "Kuya" na dumarating bawat linggo (o buwan yata?) para magturo ng mga advanced na technique sa matematika, agham, at pagbabasa. Hindi ko na maalala ang pangalan ng Kuya ko, pero sigurado akong ang karanasang iyon ay nakatulong hindi lang sa akin kundi sa kaniya.
Noong din, sa bawat buwan ay may dumarating na isang pulis para magturo ng mga impormasyon laban sa ipinagbabawal na droga sa proyektong DARE (nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng acronym). Noong una, naka-uniporme pa talaga si Sir (hindi ko na rin maalala ang pangalan niya), kaya takot kami. Pero bandang huli, ang mga klase ay naging mas maluwag, anupat naka-T shirt na lang si Sir at naging mas malawak ang partisipasyon naming mga estudyante. Muli, isang kakaibang klase ito na sa palagay ko ay may idinulot din namang magagandang resulta.
*****
Noong high school, sumama kami ni Paul at Karlvin sa ChemCamp, muli ay sa Ateneo. Incoming fourth year na kami noon pero dahil science section kami, may Chemistry II pa kami. At talaga namang inihanda kami nito sa Chemistry! Ang modernong mga pasilidad ng Ateneo ay nakakalula para sa isang batang nagmula sa isang mahirap na paaralan na ang Science building ang siyang pinakamatandang building sa campus. Hanggang ngayon ay nasa akin pa ang logbook ko mula sa klaseng ito, at sa ilang mga pagkakataon ay nagamit ko na ang mga "recipe" na natutunan ko rito.
Sa larangan naman ng Journalism, napasabak kami ni Jordan sa isang camp ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Alam ko, isa itong organisasyon ng mga tibak, at hindi ko naman itinuturing ang sarili ko na tibak. Pero marami akong natutunan sa komperensiyang iyon. Bukod sa mga technique sa pagsusulat, nakinabang ako nang husto sa photojournalism (pero hindi na ngayon applicable ang mga itinuro sa amin tungkol sa film). Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang isang aklat nila tungkol sa journalism.
Sa UP naman noong kolehiyo hanggang PhD, taun-taon ay may Alternative Classroom Learning Experience o ACLE. Ipinapatigil ang mga klase para bigyang-daan ang mga "alternative classes" na inihanda ng iba't-ibang mga organisasyong pang-estudyante. Bagamat sa ngayon ay parang kontrolado na ito ng market forces (anupat ang mga paksa at pamagat ay nagiging mapangahas at nakakausyoso) dahil mas maraming estudyante ang hindi na interesado, marami pa rin namang mga de-kalidad na paksa na kapupulutan ng aral.
*****
Hindi naman sa winawalang-halaga ko ang pormal na edukasyon; ang totoo, dito naman natin nakukuha ang mga batayang kaalaman. Pero ang edukasyon ay higit pa sa basta pagbasa at pagsulat; paglabas ng classroom, maraming bagay ang pwede pang matutunan. Gaya ng abilidad na makibagay at pagkamalikhain.
Ito siguro ang nasa isip nila nang sabihin nilang ang edukasyon daw ay hindi dapat na nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan. ●

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento