tungkol sa autumn
Lumalamig na ang mga gabi. Ang makapal kong comforter na nakatupi at ginagawa kong unan ay nagagamit nang muli. Nagigising pa nga ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa ginaw.
Hay naku. Tama nga ang supervisor ko. "Disappointing summer." May mga panahon din noong nakaraan na ang bilis magpalit ng panahon. Mabuti nga at hindi ako nagkasakit.
Haay, isa na naman siguro itong weird na fluctuation.
*****
Nagpapalit na ang haba ng araw at gabi. Kung noon ay hindi pa ako makatulog nang alas-otso dahil maliwanag pa, ngayon ay maaga nang lumulubog ang araw. Napapamadali ako tuloy umuwi, para lang malaman na pareho lang ang oras kung ikukumpara sa mga dati kong pagdating.
Ganun naman talaga siguro. Ang totoo, ito pa nga ang "normal" para sa akin, nasanay sa halos pare-parehong oras ng paglubog ng araw sa mga hapon sa tropiko.
Kailangan ko lang isaayos muli ang aking sleep patterns.
*****
Wala nang upuan sa tram. Napilitan akong tumayo. Kapag nakatayo, pumupuwesto ako malapit sa may pinto; ok lang na lumabas kapag may bababa. Mas gusto ko doon dahil natatanaw ko ang paligid. Lalo pa't ang ruta ko pauwi ay dadaan sa harap ng Großer Garten.
Nalalagas ang mga dahon ng isang puno sa sidewalk. Ay hindi, pati pala yung isa pa. At yung sumunod. Teka... hindi kaya...
Paparating na nga pala ang autumn!
Kaya pala, hehehe... :) ●

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento