tungkol sa romantikong pag-ibig
Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.
Ito ay isang bagay na kusa at biglaang dumarating. Malayo sa, halimbawa, pag-ibig na pampamilya, na matagal na nalilinang mula pa sa unang mga alaala ng ating pagkasanggol.
Ito rin ay isang bagay na hindi nababatay sa anumang pamantayan. Malayo sa, halimbawa, pag-ibig na pangkaibigan, na nakabatay sa pagkakatulad at mga bagay na pinagkakasunduan.
Kaya kapag sinubukan nating bigyang-saysay ang bagay na ito, kadalasan nang naililihis tayo nito tungo sa maling mga konklusyon. Halimbawa, nariyan ang unang tanong: Bakit ako? Mayroon namang mas maganda/gwapo, mas magaling, kaysa sa akin. Malayo naman ang agwat namin sa buhay. Ang konklusyon: May iba pa na mas angkop para sa kaniya.
Pero ang totoo, mas alam mong may tama sa iyo ang isang tao kapag mas malaki ang pagkakaiba ninyo. Ang romantikong pag-ibig na kusang umusbong nang walang pag-iisip tungkol sa mga kuwalipikasyon ang siyang mas nagmumula sa puso kaysa sa isip.
Dahil ang gayong uri ng pag-ibig ay hindi dahil sa kung ano ang taglay niya/mo.
Bakit ka niya gusto? Kadalasan na, ang sagot ay: Dahil ikaw ikaw.
And he/she wouldn't want it any other way.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento