tungkol sa Eraserheads
Nasa elementarya ako nang unang pumutok ang phenomenon na siyang Eraserheads.
Tandang-tanda ko pa nang mabalita noon na ang album nilang Ultraelectromagneticpop ay ipa-recall; ang lahat ng tapes nila ay inalis sa mga tindahan dahil pinapalitan ng sensura ang liriko nilang may mura ng, well, mas "magaan" na mura.
*****
Lumaki ako sa isang bahay na malas para sa de-kulay na telebisyon. Grade 1 ako nang basta na lang masira ang tube ng aming unang colored TV. Sinubukan namin itong ipaayos pero mas napagastos lang kami. Nagdesisyon si Papa na huwag nang kumuha ng bagong telebisyon.
Dahil diyan, si Ate at Diche ay nahilig sa radyo (naaalala ko pang ang malalaking mga radyo noon ay talagang stereo: iba ang tunog ng kaliwang speaker sa kanan). Gamit na gamit ang radyo namin; ang mga kapatid ko ay laging nakikinig sa noo'y Campus Radio 97.1 WLS FM. Lalo na sa programa ni Triggerman sa tanghali: ang Top 20 at 12.
Doon ko unang narinig ang Ligaya, Toyang, at Pare Ko, ang kantang binanggit ko sa pasimula.
Bata pa ako noon, pero alam ko nang iba ang tunog ng bandang ito.
*****
Bandang huli, pati ako ay nakiki-kinig na rin kasabay ng mga ate ko. Naaalala ko pa nga ang isang pagkakataon (bakasyon yata iyon) nang nagbubunot ako sa noo'y semento naming sahig. Nakikinig ako habang kumukuha ng boto si Triggerman: nagtabla kasi ang dami ng request para sa With a Smile ng Eraserheads at I'll Never Go ng Nexxus. Napapahinto ako sa pagbubunot kapag may bumoboto para sa Nexxus! Ganun din ang reaksiyon ko nang makalaban naman ng kanta ang 214 ng Rivermaya. Pero bandang huli, mas madalas na nananalo siyempre ang With a Smile. Mahilig ako sa musika, at medyo marami-rami na akong kantang alam noon, pero alam ko: ang With a Smile ang pinakapaborito ko sa lahat.
*****
Minsan na namang nasangkot ang grupo sa pambansang isyu nang ipagbawal ni Tito Sotto ang kantang Alapaap dahil umano sa kampanya niya laban sa droga. Nasa liriko daw ng kanta ang isang pagtukoy sa paggamit ng droga.
Naging kabaligtaran ang resulta ng pagbabawal sa popularidad ng grupo. Dahil binawasan na ang pagpapatugtog nito sa radyo, bumili ang mga tao ng tapes ng Circus.
Si Ate ay may kaklaseng napabili rin noon, at hiniram niya ito. Gamit ang aming maaasahang radyo at isang lumang blank tape, nagkaroon kami ng kopya ng isang maituturing na obra-maestra ng grupo. Napasama ako sa grupo ng mga batang 90's na napahanga sa grupo.
*****
Pero hindi pa ang Circus and rurok ng kanilang pagkamalikhain at orihinalidad. Sa palagay ko, ang Cuttepillow ang pinakamaganda nilang album.
Muling nakahiram si Ate ng tape. Buong araw na umuulit-ulit sa bahay ang mga bagong tunog na pinapatugtog rin sa lahat ng radyo at maririnig saanman: Torpedo, Wag Mo Nang Itanong, Overdrive, at siyempre pa, ang naging themesong ng henerasyon, Ang Huling El Bimbo.
Mas lumalim naman ang pagpapahalaga ko kahit sa mga kantang hindi na-release na galing sa album. Back to Me. Waiting for the Bus. Fine Time. Kama Supra. Slo Mo. Paru-parong Ningning. Walang Nagbago. Kahit pa ang mga filler na Fill Her, Yoko, at Cutterpillow. In short, gusto ko lahat.
*****
Mas naging "tunay" na fan na si Ate, at siyempre damay na rin ako, "nakiki-fan". Bumili siya ng magazine ng Eheads, ang Pillbox (may mahahanap ka yata niyan mula sa net), isang bagay na talagang ipinagmamalaki niya (at kahit pa malaki ang magiging halaga ay hindi raw niya ibebenta). Ang alam ko, may koleksiyon din siya ng mga sumunod na album ng grupo.
Saka na lang din ako naging "tunay" na fan. Nitong huli, nang magsimula nang maging accessible ang Internet, nakahanap ako ng mga kanta ng grupo sa mga peer-to-peer networks, at bandang huli ay nabuo ko ang kanilang discography.
Nakakilala rin ako ng mga taong paborito rin sila. Ginawa ko namang converts ang mga kaibigan kong taga-probinsiya at hindi masyadong naapektuhan ng Eheads mania ng Manila.
*****
Kaya naman laking pagtataka nila nang biglang hindi ako pumunta sa reunion concert. At nung bandang huli, sa Final Set. Pakli nila, kung naroon daw ako, makakasabay ako sa lahat ng mga kanta, at masasabi ko pa daw sa kanila kung pang-ilang track ito sa kung anong album.
Pero, ewan ko. Nang matapos ang istorya ng banda noong 2002, naiwan sila sa pedestal sa aking alaala. Galit na galit nga ako nang ilabas ang Ultraelctromagneticjam, nang pagparte-partehan ng kung sinu-sino na lang na banda ang kanilang mga kanta, para umano dakilain ang kanilang alaala. Sa totoo lang, mas sinira at dinungisan pa nila ito.
Para sa akin, wala nang ibang bandang Pinoy ang makakapantay sa kanila.
Kahit pa ang nagsama-samang sina Buddy, Raymund, Marcus, at Ely noong 2009.
*****
Ngayong 2012, may reunion concert na naman muli sa apat na lugar sa Estados Unidos. Siyempre pa, hindi pa rin ako pupunta (at lalo na ngayong nasa Europa ako). Pero na-curious lang ako dahil hindi siya napick-up sa mainstream media, at sa Facebook ko pa siya nalaman.
Sa paghahanap ko sa Internet ng mga balita tungkol dito, napadako ako sa isang channel sa Youtube na nagpapakita ng mga videong kuha noong Final Set.
Hmm... Sige nga. Mapanood nga. ●
Unang album. Larawan mula rito. |

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento