hindi pa nakakaraan ay lipos ng kaguluhan at lito ang sangka-UP-han. nariyang suspindihin ang Lantern Parade dahil sa mga bantang panseguridad. nariyang magningning sa mga butil ng liwanag ng kandila ang Quezon Hall at mga hakbang paakyat ng AS dahil sa vigil ng mga estudyanteng tutol sa pagtaas ng bayarin. nariyan ang naghayu't ditong mga konseho at admin ng iba't ibang kolehiyo na nagsagawa ng sariling bersyon ng parada. at nariyan din ang di-mabilang na mga tao, isang haluang pangkat ng mga estudyante't bisita na nagkasya na lamang sa manaka-nakang pagbili sa mga tindahan sa palibot ng Sunken Garden. sa gitna ng gayong tagpo ay tinungo ko ang PH3234, naupo sa aking mesa at sabik na naghintay sa mga susunod na kaganapan. tahimik ang malamig na silid, anupat halos marinig ko ang paghugos ng dugo mula sa nagdudumali kong puso. subalit nang sumunod na araw, isang malaki (at kakatwang) pagkakaiba ang namasid. tapos na ang apoy, at naabo na rin ang baga. sinalubong ako ng ...