Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa paghihintay sa tahimik na mga pasilyo

hindi pa nakakaraan ay lipos ng kaguluhan at lito ang sangka-UP-han. nariyang suspindihin ang Lantern Parade dahil sa mga bantang panseguridad. nariyang magningning sa mga butil ng liwanag ng kandila ang Quezon Hall at mga hakbang paakyat ng AS dahil sa vigil ng mga estudyanteng tutol sa pagtaas ng bayarin. nariyan ang naghayu't ditong mga konseho at admin ng iba't ibang kolehiyo na nagsagawa ng sariling bersyon ng parada. at nariyan din ang di-mabilang na mga tao, isang haluang pangkat ng mga estudyante't bisita na nagkasya na lamang sa manaka-nakang pagbili sa mga tindahan sa palibot ng Sunken Garden.

sa gitna ng gayong tagpo ay tinungo ko ang PH3234, naupo sa aking mesa at sabik na naghintay sa mga susunod na kaganapan. tahimik ang malamig na silid, anupat halos marinig ko ang paghugos ng dugo mula sa nagdudumali kong puso.

subalit nang sumunod na araw, isang malaki (at kakatwang) pagkakaiba ang namasid. tapos na ang apoy, at naabo na rin ang baga. sinalubong ako ng mga pasilyo ng unibersidad hindi bilang isang nagngangalit na hukbo kundi bilang isang walang malay na sanggol.




ngunit sa paglalakad ko sa naturang mga pasilyo, naroon pa rin sa akin ang matinding kabog ng dibdib at kaba sa kalooban. muli akong dinala ng mga iyon sa pintuan ng aking faculty room. ang katahimikan ng parehong silid ay gumuguhit ng malinaw na mga larawang may malabong kahulugan. paulit-ulit ako nitong pinaiikot-ikot sa aking upuan, sa pagkainip at pagkabahala.

dalawang matinis na huni ng cellphone ang gumising sa akin pabalik sa realidad.

at habang nagtatatakbo ako palabas ng kuwarto tungo sa direksyong isinasaad ng maikling "liham," nakadama ako ng bugso ng emosyong mas matindi pa sa galit ng sinundang araw, at kapayapaang higit pa sa dala ng ngayon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...