Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa guitar lessons sa bahay

nitong nakaraang mga linggo ay nakagawian ko nang maghanap ng chords ng mga kanta. pagkatapos ay haharap na ako nyan sa PC, suot ang head phones, sinasabayan ang pagtugtog ng mp3 ng mga kantang napili ko ng pagtugtog ko sa gitara. kapag medyo gamay ko na, nakakasabay na rin ako sa pagkanta.

on the average, mga 2-3 hours kong kaulayaw ang gitara ni utol, sa mtinding pagseselos ni utol at ng cellphone ko.

haha. ang cellphone ko. ang aking maaasahang buddy pagdating sa ganitong mga long weekend at summer vacation noon. ngayon, forever nalang syang nakakabit sa USB port sa likod ng PC, at from time to time ay pinupuno ng pictures at mp3.

iba kasi ang sitwasyon noon.

noong sinaunang panahon (SINAUNA; as in MATAGAL na: mga five years na ang nakakaraan), hindi ko mabitiwan ang cellphone ko pagdating ng bakasyon. kapag may suspension dulot ng bagyo, laging nasa bulsa ko ang cellphone ko; kapag nag-ingay na yan, may balita na mula sa mga barkada at kaklase. kapag summer, hindi lumalampas ang mga araw na hindi ako nakakatanggap ng mensahe kung nasaan ang mga tao, anong gala, anong gimik, anong probinsya ang destinasyon.

sa ibang salita, ang cellphone ko noon ang taling nagbubuklod sa akin sa mga kaibigan ko hanggang sa matapos ang pansamantalang paghihiwalay.

iba na ngayon.

hindi na ito suspension o summer vacation. hindi na ito basta isang long weekend (kahit pa loooooong weekend, di ito papasa).

ito ay isang indefinite vacation. binago ng graduation ang takbo ng buhay-buhay. hindi na applicable ang salitang "pansamantala" para i-describe ang paghihiwalay. at higit sa lahat, baka wala nang babalikan.

kaya ang cellphone ay hindi na isang taling bumubuklod. isa na itong latigong humahagupit. bawat tunog ng cellphone ko ngayon ay torture, isang constant reminder na hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

kaya gitara na lang ang binabanatan ko.

sa ngayon, makakabisado ko na ang chord pattern ng isang kanta:


D                     DM7 
Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
Em                     Gm                         D     D9,D,Dsus,D,D9,D,
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
(chords from http://www.ultimate-guitar.com/tabs/e/eraserheads/minsan_crd.htm )

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...