Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa overnights at pagmamahal (para kay Phoebe)

Na-summarize na ng Eraserheads ang ideya ng usapan namin ni Phoebe nang gabing iyon.

"Wag kang matakot na matulog mag-isa…"

…kapag nag-oovernight sa Instru. O, sa kaso niya, sa big room ng Photonics (na konektado din sa Instru). Bago kami umuwi ni Phoebe ay kung anu-anong mga ghost stories ang pinag-usapan namin tungkol sa aming magkadikit na lab at sa mga nakakatakot na mga karanasan dito ng ibang mga tao. Ang mga umuugang table at naggagalawang mga upuan. Ang mga bagay na lumulutang at mga babaeng nagpapakita.

Dahil sa pagiging semi-haunted ng aming mga lab ay isang achievement talagang maipagmamalaki ang makapag-overnight dito lalo pa kapag nag-iisa. Hindi ko masisisi si Frances. (See first paragraph of her blog entry )

Buti na lang, nang gabing iyon ay sobrang pagod ako kaya nakatulog ako agad.

"Wag kang matakot na umibig at lumuha…"

Nang i-compose ni Ely ang kantang ito, bakit kaya "lumuha" ang kasunod ng "umibig"? Dahil ba katunog ito ng ending ng sinundang line ("mag-isa")? E kung yun lang ang batayan, bakit hindi na lang "tumawa"? O kaya, "lumaya"?

Yun ang mga tanong na sinagot namin ni Phoebe. Doon namin nakita na ang necessary talaga na kasunod ng "umibig" ay "lumuha," hindi lang sa kanta kundi sa totoong buhay. Unti-unti naming pinatunayan ni Phoebe na ang pag-ibig na inaasahan ay hindi laging nagaganap. At ang pag-ibig na nagaganap ay hindi laging nagtatagal.

"Kasama mo naman ako…"

Itong linyang ito sa kanta ay second voice (O back-up. O kung ano man. Basta.). Hindi siya kinanta ng main vocalist. At kung susuriin, ang linyang ito ay kinanta ng maraming boses, maraming tao. Parang may effect pa na galing sa likod ang boses. Astig.

Parang sa buhay. Kung minsan, hindi naman sa iisang tao dapat manggaling ang assurance at suporta.

Sa buhay, kapag ang taong nasa harap mo, na tinitingala at minamahal mo, ay waring nawawalan na (o wala talaga, to start with) ng pagpapahalaga, tumingin ka lang sa likod. Maraming naghihintay doon, nakangiti.

"Makapangyarihan ang pag-ibig na hawak mo sa ‘yong kamay…"

O, gaya nga ng madalas sabihin ni Phoebe:

Walk in LOVE.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...