Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa kilig

Ang salitang Filipino na "kilig" ay sinasabing walang katumbas sa ibang wika, pangunahin na sa Ingles. Siguro ang pinakamalapit nang paglalarawan dito ay "the giddy, happy feeling in your heart when you interact with someone you are pining for." Ang haba! Pero kulang pa rin sa kahulugan at mahikang dala ng "kilig" gaya ng alam ng mga Pilipino na syang nag-imbento ng salitang ito. Oo, parang makatuwiran naman ang obserbasyon ng isang kaibigan nang mabanggit ko sa kanya ang paksang ito noon: "Malalandi lang talaga tayong mga Pinoy." 😂

tungkol sa kaliwa at kanang bahagi ng utak

Una kong nalaman ang tungkol sa pagkakaiba ng kaliwa at kanang bahagi ng utak noong hayskul. Gumawa ako noon ng isang lathalain para sa seksiyong pang-agham ng aming pahayagang pang-mag-aaral. Naaalala kong ako mismo ay namangha kung paanong pinaghihiwalay ng utak ang pagpoproseso na wari bang batay sa kategorya.  Para sa mga kananeteng katulad ko, ang mga bagay na lohikal ay hinahawakan ng kaliwang bahagi ng utak. Ang kaliwang bahagi ng utak ang may kontrol sa kanang kamay, kaya ito ang ginagamit ko sa pagsulat. Ang alam ko, pati ang mga matematikal at teknikal na kaalaman ay napapaloob sa kontrol nito, anupat gumagabay sa isang tao upang maging mahusay at mapamaraan.  Sa kabilang banda, nariyan naman ang kanang bahagi ng utak na kumokontrol sa emosyon. Narito ang mga damdamin ng saya at lungkot, pagkakontento at pananabik. Ang bahaging ito ng utak ang siya namang humuhubog sa isa upang maging malikhain at madamdamin.  *****  Matagal-tagal na rin pa...

tungkol sa pagpulot

Kahapon, sa labas ng Kamia, pumulot ang estudyante ko ng mga nahulog na bulaklak. Nakihingi na rin ako bago bumalik sa opisina.  Nahulog na ang mga bulaklak na iyon; sa paanuman, hindi na sila kailangan at susuportahan ng halamang kanilang pinanggalingan. Ang totoo, ang halaman ay patuloy na mabubuhay; matagal na itong naroroon bago pa umusbong ang mga bulaklak na iyon. Pero ang mga bulaklak na napulot namin ay unti-unti masisira, dahan-dahang matutuyo, kung hindi man agad-agad na wawalisin at itatapon.  Hindi ito nangangahulugang hindi sila maganda. Ang totoo, ang bagong-lagas na mga bulaklak na iyon ay talagang kahali-halina sa paningin, kahit pa wala silang amoy. Bihira akong makakita ng gayong kulay. Aba, may bituin pa nga sa gitna kapag sinilip mo ito sa loob! Mga kakaibang hugis at disenyo, mula sa isang bagay na, kung hindi pa kami napadaan doon, ay nakataan lang sa pagkatapon at kabulukan.  Kaya naman pagbalik ko sa opisina, agad akong kumuha ng isang...

tungkol sa mga bagay na itinuturo sa iyo ng pakikipaghiwalay sa isang tao

Ang pakikipaghiwalay ay bahagi na ng buhay. May katapusan ang lahat ng bagay, at sa pana-panahon ay kinakailangan nating magpaalam sa isang tao, bagay, o maging sa isang ideya na iningatan natin sa puso at isip. Dahil walang paghihiwalay na masaya, gaano man kaganda ang mga kalagayan, napakaraming madadramang mga bagay ang naisulat na at pwede pang maisulat tungkol sa paksang ito. Pero sa paskil na ito, nais kong magpokus sa mga positibong bagay na pwedeng lumitaw mula sa isang paghihiwalay. Gusto ko ring maging espisipiko: ang paksa nito ay may kinalaman sa pakikipaghiwalay sa isang taong nakaugnay sa isa sa romantikong paraan. Ang mga sumusunod na punto ay ilan lamang sa mga bagay na pwedeng paghugutan ng pag-asa at pagtitiwala sa masakit na yugtong ito ng pakikipaghiwalay. Ipinapaalala nito ang isang naunang mas matibay mong kalagayan . Ilang taon ka ba nang una mong ibigin ang taong iyon? Wala naman sigurong nagmahal na ng iba mula sa pagkasanggol, hindi ba? Ang totoo, bag...

tungkol sa natatanging ganda ng lunsod

Upang makapagpahinga at makaiwas sa traffic ang buntis kong asawa, ipinasiya naming manuluyan sa isang hotel sa araw ng Lunes, ika-28 ng Disyembre, para hindi na kami bibiyahe mula sa mga kabundukan ng San Mateo pababa sa Bonifacio Global City sa dalawang huling araw ng trabaho. Tumuloy kami mga ilang bloke lang mula sa gusali ng kanilang opisina.  Kaninang umaga, matapos ang almusal, inihatid ko na si Steph sa trabaho. Ang ilang blokeng lakarin ay tumagal rin dahil, habang bitbit ang camera sa isang kamay, humihintu-hinto kami sa pana-panahon para kunan ng larawan ang magagandang eksena sa gitna ng kalunsuran. 

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa galing

Kapag pinag-uusapan ang salitang galing , madalas na ang unang pumapasok sa isip ng isa ay ang mga kaugnay na salitang tulad ng talino, kakayahan, kalakasan, o kakayahan. Ang isang taong magaling  ay maabilidad, may kakayahan at kaunawaan para harapin at solusyunan ang anumang hamon na mapaharap sa kaniya.  Sabihin pa, dahil dito, talagang isang kanais-nais na katangian ang pagiging magaling. Ito ay isang bagay na inaasam-asam ng mga tao mula pa lang sa pasimula ng kanilang kamalayan. Ang bawat hakbang ng isang maliit na bata, literal man o makasagisag, ay hinahangaan ng kanilang mga magulang at ng iba pa, habang sinasabing: “Ang galing galing naman ng baby!” Sa pagdating ng panahon, ang galing ay nasusukat hindi na lamang sa mga papuri ng mga nakamamasid, kundi sa katumbas na halaga nito, materyal man o hindi: isang medalya o ribbon, isang pagkilala o parangal.  Magkagayunman, kung minsan ay nagiging labis ang pagpapahalaga sa galing, anupat nagdudulot ito ...