Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2024

tungkol sa lilim ng mga istrakturang kongkreto

Ang mga lunsod sa karamihan sa mga papaunlad na bansa sa mundo ay patuloy na nagiging sentro ng pag-unlad. Nagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa mga ito, kaya nagiging dahilan naman ito ng pandarayuhan ng mga tao para mapalapit sa mga oportunidad na iyon. Kaya habang ang mga probinsiya at kabukiran ay naiiwanan, nagsisiksikan naman sa mga siyudad ang karamihan.  Gayung-gayon ang matagal nang nangyayari sa Kamaynilaan. Ang napakaliit (kung ihahambing sa iba pang kapitolyo) na isthmus  na ito ay nagiging tahanan para sa tinatayang 13 milyong tao, bukod pa sa mga limang milyon pa (kasama na ako) na naglalakbay papunta rito mula sa kalapit na mga probinsiya para pumasok araw-araw.  Kaya naman sa patuloy na pagdami ng tao, mga ilang dekada nang namamayagpag ang industriya ng pagtatayo ng mga malalaki at matataas na mga gusali, mga condo  at mga mixed-used  na mga establisyamento, maging mga township  pa nga. Ang dating malawak na mga kaparangan at kagubatan...

tungkol sa madilim na mga panahon

Makulimlim na naman ang kalangitan. Wala naman na yatang namataang bagyo; quota na yata tayo sa apat ba namang sunud-sunod nitong kamakailan. Kung tutuusin, namamayani na ang hanging amihan kaya dapat sana ay maaliwalas na ang kalangitan. Pero pagdungaw ko sa labas, heto at madilim, ang unang sikat ng araw nang alas-sais ay nagmistulang dapithapon.  Pagsilip sa cellphone, nakailang busina na pala ang anunsiyo ng gobyerno. Nagkaroon pala ng pagsabog ang bulkang Taal, kaya pinag-iingat ang mga nasa kanugnog na mga barangay at nayon. Maaga palang nangyari iyon (kaya pagkarami-rami nang abisong natanggap ang dalawang SIM ng telepono ko). Tiyak na nakadagdag iyon sa makulimlim na umaga.  Hindi ko alam kung sa maulap ba na panahon o epekto ng pagputok ng bulkan, pero nagising ako ng masikip na dibdib at ubo. Bumangon ako para bumahing; hayun at walong ulit na magkakasunod. Bumaba ako ng hagdan para uminom ng tubig; idinamay ko na rin ang isang tableta ng antihistamine (bagamat sa ti...

tungkol sa mga yamang kalikasan

Ang National Museum of Natural History ang huli sa mga Pambansang Museo na binisita namin.  Na hindi naman namin sinasadya. Nagkataon lang na kinulang kami ng oras matapos naming bisitahin ang dalawa pang mga museo - Anthropology at Fine Arts - noong una kaming nagawi rito.  Na wari namang kakatwa, yamang ang yamang kalikasan ng Pilipinas ay higit na mas marami, mas natatangi, at mas maganda kaysa sa anumang mga bakas at gawa ng tao. Dapat sana ay inuna na naming puntahan ito.  Ang mga display sa loob ay nagpapakita, hindi lang ng pagkasari-sari ng mga halaman, hayop, at iba pang natural na ganda ng Pilipinas, kundi pati na ang mga pagtatangka ng mga tao na kolektahin, suriin, pangalanan, at isalansan ang mga ito. Sa huling nabanggit, kasama na sa mga paliwanag ang mga modernong paraan ng pagkuha, pag-iimbak, at pag-aaral sa mga bagay na ito sa kalikasan. Kung ihahambing sa tradisyunal at historikal na mga pagsisikap, talagang napakalaki ng isinulong sa larangang ito, ka...

tungkol sa pagtatrabaho sa mga kapihan

May panahon mga ilang dekada lang ang nakakaraan kung saan ang kape ay inihahanda lang sa bahay, hindi mahal, at hindi simbolo ng mataas na panlipunang antas.  Oo, inabot ko iyon. Isang popular na brand ng instant na kape ang binibili ng mga magulang ko, ang isa na nakalagay sa espesyal na baso. Pagkaubos ng mga butil ng kape, hinuhugasan ang lalagyan nito para magamit na pang-inom. Wala pa ring three-in-one noon, at bago pa lang na lumalabas sa merkado ang non-dairy creamer. Kaya noon, magtitimpla ka sa mainit na tubig ng isang kutsarang kape, saka mo lalagyan ito ng gatas (na pulbos din) at asukal. Hindi ko makakalimutan kung paano halos masuka ang nanay ko kapag tinitikman niya ang kape ko, na ang tawag niya ay arnibal dahil sa tamis.  Samantala, nang mga panahon ding iyon, isang rebolusyon ang pagdaraanan ng kape at ng buong mundo. Sa Seattle, nagsimula ang komersiyalisasyon ng kape. Ibinandila ito bilang isang panlibangang inumin, na mas magandang inumin kasama ng mga kai...

tungkol sa mga antropolohikal na pamana

Hindi ako mahilig noon sa mga museo. Parang kakatwa o corny  para sa akin ang pamamasyal sa mga ito, na para lamang sa mga nerd  o mga mananalaysay. At sigurado ako na hindi ako nag-iisa; marami sa mga kapanahon ko ang hindi naman na- expose  sa ganitong mga yamang pangkultura.  Dalawampu't pitong taon na ako nang una akong pumasok sa isang museo sa sarili kong pagkukusa. Isa akong postdoc  noon, mag-isang naninirahan sa silangang Alemanya. Nagsawa na ako sa mga mall  (aba, siyempre, bilang Pilipino ay ito ang natural na tambayan ko!) at Ikea, at nakakainip naman sa mga parke. Kaya hayun, matapos ang paglalakad-lakad sa labas ng mga baroque  na gusali ng lunsod, ipinasiya kong pumasok sa loob.  At doon nagsimula ang aking pagpapahalaga, pagkahilig pa nga, sa mga museo. Ang Dresden ay isang mayamang kaharian sa malaking bahagi ng kasaysayan nito, kaya pinuno ng mga duke nito ng kanilang mga koleksiyon ang mga museo ng lunsod. Sa buong dalawang taon...

tungkol sa mga bunga ng durian

Paano malalaman / Kung kailan / Mahihinog ang durian?  Mapapatula ka na lang kung hindi ka mapapatulala sa dalawang durian na nakalaylay ngayon mula sa puno sa harap ng bahay. Mga ilang linggo na, buwan na nga yata, mula nang mapansin namin ang mga ito, at ngayon ay natatakot kaming mahulog na lang sila sa bubong. Kahit subukan man naming pisilin ang mga ito, hindi rin namin malaman kung ano ang nasa ilalim ng makakapal at nakakatusok na mga balat ng mga ito. Ang dalawang bunga ng durian Noong mga huling bahagi ng 2010, ang mga biyenan ko ay nagtanim ng mga buto ng mga prutas na iniregalo sa kanila ng mga kaibigan. Galing pa raw ang mga iyon sa ibang bansa, at talagang nasarapan sila kaya gusto sana nilang itanim ang mga iyon. Nakabuhay sila ng dalawang langka, isang avocado, at isang durian, lahat ay nakatanim sa mga plastik na baso mula sa fast food.  Ang problema: Walang lupang mapagtataniman ng mga punlang iyon sa Las Piñas, lalo pa sa Moonwalk kung saan sila nakatira. Eks...

tungkol sa maulang Maynila

Nagbabadya na naman ang ulan habang minamasdan ko ang lunsod ngayong hapon.  Sadyang nagpapalit na nga ang panahon. Ang nagdaang mga buwan ay talaga namang pinakamaiinit, na pinalubha pa ng El Niño. Pero unti-unti nang nagsisimulang humihip ang habagat. Nabasa ko pa ang isang post na may namumuong sama ng panahon sa silangan (hindi naman ito fake news , mula ito sa kakilala kong meteorologo). Talagang dapat nang asahan ang maulang Maynila sa mga susunod na mga buwan.  At ang maulang Maynila ay isang mahirap-lakbaying Maynila. Nitong nakaraang mga araw, mararamdaman mo ang singaw at halumigmig, kahit pa nga umulan nang sandali. Siguradong sa susunod na mga linggo, kapag bumuhos na nang todo ang ulan, babalik ang dating mga problema sa kalsada, gaya ng pagbaha at ang dulot nitong buhul-buhol na trapiko at mga sakit na dala ng paglusong sa maruming tubig. Napansin ko rin na kahit papaulan na, napakarami pa ring hindi natapos na mga trabaho ng pagbakbak sa mga kalsada; tiyak kong ...

tungkol sa Venice Grand Canal Mall

Ang opisina namin ay nasa gitna ng Venice Grand Canal Mall sa Taguig.  Sabihin pa, kakaibang ginhawa ang dulot nito. Nasa paligid lang ang lahat ng mga bagay na pwede mong kailanganin. Computer gadget? Mga ilang metro lang, sa itaas. Kape? Meron sa opisina, pero pwede ka ring pumili mula sa iba’t-ibang timpla sa mga tindahan sa ibaba. Aba, katapat pa nga ng lobby ang food court ng mall, na may kasama pang grocery. At, para bang alam na kami ay paaralan, isang National Bookstore; hindi ko alam bakit ito napadpad sa tabi ng pizzeria at grocery sa gitna ng mga kainan, pero pabor sa amin kapag kailangan ng tape, stapler, o marker.  Pero higit pa sa kaalwanan na dala nito, ang Venice Grand Canal Mall ay nagpapaalala sa akin ng tunay na Venezia, na binisita ko na noon nang maraming ulit .  Ang sabi ng mga kaopisina ko, nagmumukha raw tayong kakatwa bilang mga Pilipino dahil sa paggaya, hindi lang sa mga produkto, kundi maging sa mga lugar mula sa ibang bansa. Ang sabi ko nama...

tungkol sa pinutol na avocado at bayabas

Kamakailan, may mga aktibidad sa loob ng subdivision.  Ang homeowners association ay biglang naging aktibo sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga kabahayan. Sabihin pa, kinailangan nila ng opisina para maging sentro ng gawain. Nagkataon namang hindi pa natitirhan ang mga bahay na naitayo sa tapat namin. Instant office! At para maging maalwan ang kanilang parking, hinawan nila ang espasyo sa aming pagitan. Ang casualty ? Ang mga puno ng avocado at bayabas, hitik pa naman sa bulaklak ngayong magtatag-araw.  Mga labindalawang taon na ang mga punong iyon, itinanim ni Papa sa noo’y mga putikan sa harap ng bahay. Nakailang siklo na rin ito ng pamumulaklak at pamumunga. Paborito ni Stacie ang matamis na hinog na bayabas, na ipinakikipag-agawan ng Lolo niya sa mga ibon na busug na busog din sa mga ito. Paborito naman ni Steph ang mga avocado, na bagamat nananatiling berde kahit hinog ay malinamnam pa rin at matamis ang laman.  Pero noong nakaraang linggo? Pinutol ang mga iyon, wa...

tungkol sa mga tanawin mula sa opisina

 Tuwing Biyernes, maaga akong pumapasok sa opisina.  Ayoko kasing naiipit sa trapiko. Lalo pa nga ngayon, na akinse ng buwan. Aba, kahit nga alas-kuwatro y media ako umalis, naipit pa rin ako sa C5 (may nasirang dalawang truck, na animo'y nakikisabay pa sa pagkaabala ng kalsada).  Kaya kapag dumarating ako, hindi pa sumisikat ang araw. Gaya ngayon.  Maliwanag na, pero wala pang gintong mga sinag sa paligid; alam mong maaga pa.  Pero sa lokasyon ng opisina namin, kung saan napakaraming mga nagtatrabaho na nakabatay sa oras sa ibang bansa, para bang nawawalan na ng pagkakaiba ang maaga at ang huli na, ang mismong umaga at gabi. Habang sumisilip sa ibaba, nakikita ko ang maraming mga masisipag na mga trabahador; ang iba ay papauwi, kararating lang ng iba, at ang iba naman ay nasa kanilang coffee break . Hindi natutulog ang mga kalsada at establisyamento ng lunsod, habang mabilis na humuhugos ang mga tao.  Napaupo ako ngayon sa isang walang-lamang opisina, gisi...