tungkol sa swimming sa bukal

kilala ang antipolo bilang bayan ng mga bukal. nasa paanan kasi ito ng sierra madre sa bukana ng maynila. alam na alam ng lahat ang awitin na humihikayat: "tayo na sa antipolo/at doon maligo tayo..."

kahapon ay tinamasa namin ang lamig ng tubig ng mga bukal ng antipolo kasama ang pamilya at ka-kongregasyon. isang kakilala ang sumahod sa malakas na balong mula sa bundok sa isang maliit na pool, at doon namin pinalipas ang init ng lunes. sa halip na mga gusali ay lilim ng mayayabong na kawayan ang sumalubong sa amin. ang lamig ng tubig ay humalo sa masarap na inihaw at malalakas na tawanan.

yan ang tunay na pahinga. :)

Mga Komento

  1. I missed your writings, dude. As usual, bumabaluktot na naman ang aking dila. But I'm getting the hang of it. ;)

    TumugonBurahin
  2. Sige, tuloy natin ang swimming. :) I'm just bummin around and yet it doesn't feel like it. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post