tungkol sa ilocos trip

naghalo ang araw sa itaas, kabundukan sa tabi, dagat sa baba, at buhangin sa ilalim para pasarapin ang putahe.

pero hindi sila ang pangunahing sangkap. pampalasa lang, ika nga. kami ang sangkap sa putaheng ito: si tons, erika, grace, cats, george, nikki, frances, steph at ako. kami ang "niluto" sa biyaheng ilocos na iyon noong 4-7 abril, 2008 (literal pa ngang nasunog si george). naging napakasarap ng paglalakbay hindi lang dahil sa tamang kumbinasyon ng init ng araw at lamig ng alon; o ng sukal ng kagubatan at linaw ng dagat; o ng modernisasyon ng laoag at kultura ng vigan. higit sa lahat, ang nagpasarap at saya sa lakbayin ay ang kuwento, tawa at kulit ng tropa. patunay ang libu-libong (oo, literal na LIBU-LIBONG) larawan sa katotohanang ito.

salamat mga kaibigan. sa uulitin. :)

Mga Komento

Kilalang Mga Post