tungkol sa set results
sanay na akong makita ang di-kataasang grado ko sa set.
kung iniisip ng mga estudyante na sila lang ang may grado, aba, nagkakamali sila. maging mga guro ay may grado ring tinatanggap. ang student evaluation of teacher (set) ay may tatlong bahagi, lahat ay naglalayong sukatin ang kakayahan ng guro sa loob ng klase. ang unang bahagi ay tungkol sa estudyante: kung paano niya nakikita ang sarili niya, at kung anong grado ang sa tingin niya ay matatanggap niya. natural, kapag magaling ang guro, magiging confident ang estudyante sa pagsagot dito. ang ikalawang bahagi ay tungkol sa kurso: kung sinusunod ba ng guro ang nakasaad sa syllabus. ikatlo, at siyang pinakadirektang sisipat sa kung anong uri ng guro ang isa ay ang tungkol sa guro mismo: ang kanyang ugali sa klase, paraan ng pakikitungo at pagtuturo, atbp.
tulad ng sa mga estudyante, 1-5 ang sukatan ng grado.
nakakuha ako ng 1.532 sa ikatlong bahagi. kung sa estudyante pa, nasa 80% ang grado ko. malaking improvement ito mula sa 1.65 na average ko mula sa nakaraang mga set.
hindi naman pala ako ganun kasamang guro. :)

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento