tungkol sa pagsusulat muli
dumating na naman ang panahon kung kailan wala na namang ginagawa at maraming panahon para sa pagsusulat.
at lalo pang espesyal ang panahong ito para sa paghahabi ng mga salita. punung-puno ang imbakan ng karanasan na siyang pagkukunan ng mga istorya't katha.
sa isang dako, ang mabubuting balita. ang pagkabunot ng tinik sa pagpapasa ng grado at ang pagkaalam na wala akong tuturuan ngayong tag-init. sumunod ang hitik sa sayang bakasyon sa makasaysayang ilocos kamakailan. at ang pagtatapos sa ika-27.
sa kabilang banda, ang di-mabuting mga kalagayan. tulad ng lumulubhang kalagayan ng aking bayaw, at ang pag-alis nila pabalik sa denmark sa lunes. ang pagkawala ng trabaho ni ate. pati na rin ang kahungkagang dala ng pagkawalay sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho sa loob ng dalawang buwan.
nariyan din ang mga interesanteng kuwento tungkol sa buhay-buhay ng iba, na hindi ko naman talaga hilig na isama sa mga sulatin pero kung tutuusin ay mas kapanapanabik para sa mambabasa. si boylet1 na naguguluhan tungkol sa nararamdaman kay girla1. na dating chinochorva ni boylet2. na friend ni girla2. na na-link dati kay boylet1.
kung noon pa nangyari ito, tiyak nang bumukal ang marahil ay milyon-milyong salita at tinakpan ang ilang daan pilyego ng papel. sadyang napuno na sana ang isang buong cd o baka nga isang buong hard disk ng elektronikong mga akda. ang mga itinuturing kong pinakamahuhusay kong akda ay yaong mga pawang isinulat sa panahon ng bakasyon at kawalang-ginagawa. bawat putak ng kapitbahay at kahit pa mga hukay para sa mga posteng itatayo ay pinapatulan ko, pati big brother at maalaala mo kaya sa telebisyon ay nailalahok ko sa mga tudling at talata. pero iba na ang panahon ngayon. sadyang hindi mauubos ang mga paraan at dahilan para magkuwento nang magkuwento, pero wala pa talaga akong gana. at wala pang katiyakan kung kailan ito babalik (o kung babalik pa nga ba).
sa ngayon, ang pagsusulat sa blog ay naging isang ehersisyo na lamang ng disiplina sa sarili para sa akin. sa pagnanais na makapagsulat araw-araw para sa isang bagong elektronikong kuwaderno ay tinatapik-tapik ang utak, hinihila-hila kamay at kinakaladkad ang memorya.
sabi nila ganun daw talaga. hindi mo makukuha ang kagalingan sa lahat ng bagay. hiwalay ang kaliwa at kanang bahagi ng utak, magkaiba ang aspektong saklaw nila, at, ang masakit, kadalasan nang dominado ng isa ang kabila. sa pitong taon ko sa pag-aaral at pananaliksik sa agham, tiyak na umaariba ang kaliwang hemispero dito sa loob ng kukote ko. pero hahabol din ang kanan. hindi pa nga talaga ngayon, pero hahabol din ang kanan.
wala namang nagsabing may karera.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento