tungkol sa mga bahay at sa tahanan
hindi ako nakatira sa batac, pag-uulit ko kay manong a.k.a. sarhento noong sabado. nagkataon lang siguro, sagot ko nang itanong nya ang tungkol sa aking apelyido. pero tiyak, pagdiriin niya, tiyak na ang aking pinagmulan ay sa batac, ilocos norte.
"sabi mo galing ka dun. wala ka bang naramdaman? ganun yun, may lukso ng dugo."
kaya naman pala ipinagpilitan ni manong na taga-batac ako ay dahil bilib na bilib siya kay marcos. na taga-batac. nang sabihin ko na batac ang apelyido ko ay halos sambahin na ako. ganun na lang kung tawagin akong sir. at alalang-alala sa aircon at sa seatbelt, at kulang na lang ay kumutan ako nang di masinagan ng araw.
at ang pinakamaganda pa diyan, hindi nanghingi ng sobrang pasahe. hanggang sa kahuli-hulihang beinte-singko. :)
*****
napataxi ako kasi may usapan kaming magkita-kita nina phoebe at steph. naghahanap sila ng bahay. ang mga kahilingan para sa mapalad na lilipatan: dapat na maging isang sakay mula sa ortigas, maganda, at siyempre, mura.
nilakad namin ang buong kahabaan ng dr. pilapil st. sa san miguel, pasig. ala-una hanggang alas-tres ng hapon. sa ilalim ng matinding init ng araw ay naghahanap kami ng masisilungan - kapuwa literal at makasagisag. pero wala na yatang bahay na makakaabot sa lahat ng hinahanap nila. ang magandang bahay ay mahal, ang murang bahay ay pangit at masikip. makahanap man ng maganda't mura, malayo naman sa ortigas.
pinag-iisipan pa nila kung papayag sila sa isang P6000 na kuwarto, bagong-bago, may kusina, kuwarto at banyo, sulit sana pero dalawa lang sila. o ang P4000 na apartment na dalawang palapag. o ang P5000 na dalawang palapag, pero parang ayaw namang pa-rentahan.
ang hirap palang humanap ng bahay ngayon.
pagdating namin sa galleria sa pagtatapos ng araw, ubos na ang tubig sa katawan ko, at ang aking pasensya. para makapagpahinga, naglaro muna kami ni steph ng bowling, at hayun, sunod namang naubos ang aking pera.
nang gabing iyon, ipinangako ko sa sarili ko na sa hinaharap, bahay ang una kong ipupundar.
*****
matapos ang higit isang taon ng paninirahan sa pilipinas, nagpasiya na si diche at ang asawa niya na bumalik sa denmark.
biglaan ang desisyon, at namalayan na lamang namin ang mga sarili na nag-iimpake para sa paglipad nila ngayong lunes, 14 abril. nasa ospital pa si kuya at nagpapahinga para sa anxiety attacks, at ang nakatambak nilang mga gamit sa bahay ay unti-unting isinisilid sa mga bag sa pamamagitan ng instruksiyon ni diche mula sa telepono.
ang mga naiwan sa pilipinas: ang kanilang bahay sa olongapo na pauupahan yata; ang microwave oven, ang aming ikalawang coffee maker, dose-dosenang fresh milk na nagtambak sa ref, pagkarami-raming spaghetti, hot and cold dispenser, at mga gamit sa kusina na iiwan sa bahay; ang kama at sofa, mga gamit sa kusina na namana ni ate; ups, printer at scanner, mga stack ng blank dvd-r, mga software at games, pelikula, at ang sosyal na mesang pang-opisina na iniwan sa akin;
at kami.
punung-puno man ang bahay ng magagandang gamit, mas lumuwag naman ang tahanan sa pagkaalam na isang miyembro ng pamilya ay naroon sa kabilang panig ng mundo, maririnig at makikita pero hindi makakasama at maaalagaan sa gipit na panahon.
ingat kayo diche. chat2 na lang...

iesalamat po sa pag-sama sa paghahanap.. kakamis nga pag may umaalis sa pamilya.. aaaw.. haaay
TumugonBurahin