Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

tungkol sa natatanging ganda ng lunsod

Upang makapagpahinga at makaiwas sa traffic ang buntis kong asawa, ipinasiya naming manuluyan sa isang hotel sa araw ng Lunes, ika-28 ng Disyembre, para hindi na kami bibiyahe mula sa mga kabundukan ng San Mateo pababa sa Bonifacio Global City sa dalawang huling araw ng trabaho. Tumuloy kami mga ilang bloke lang mula sa gusali ng kanilang opisina.  Kaninang umaga, matapos ang almusal, inihatid ko na si Steph sa trabaho. Ang ilang blokeng lakarin ay tumagal rin dahil, habang bitbit ang camera sa isang kamay, humihintu-hinto kami sa pana-panahon para kunan ng larawan ang magagandang eksena sa gitna ng kalunsuran. 

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa galing

Kapag pinag-uusapan ang salitang galing , madalas na ang unang pumapasok sa isip ng isa ay ang mga kaugnay na salitang tulad ng talino, kakayahan, kalakasan, o kakayahan. Ang isang taong magaling  ay maabilidad, may kakayahan at kaunawaan para harapin at solusyunan ang anumang hamon na mapaharap sa kaniya.  Sabihin pa, dahil dito, talagang isang kanais-nais na katangian ang pagiging magaling. Ito ay isang bagay na inaasam-asam ng mga tao mula pa lang sa pasimula ng kanilang kamalayan. Ang bawat hakbang ng isang maliit na bata, literal man o makasagisag, ay hinahangaan ng kanilang mga magulang at ng iba pa, habang sinasabing: “Ang galing galing naman ng baby!” Sa pagdating ng panahon, ang galing ay nasusukat hindi na lamang sa mga papuri ng mga nakamamasid, kundi sa katumbas na halaga nito, materyal man o hindi: isang medalya o ribbon, isang pagkilala o parangal.  Magkagayunman, kung minsan ay nagiging labis ang pagpapahalaga sa galing, anupat nagdudulot ito ...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa mga pagmumuni sa ika-tatlumpung taon ng buhay

10-20-30. Ikasampung buwan. Ikadalawampung araw ng buwan. Ika-tatlumpung taon. ***** Noong ika-20, tumuntong ako sa edad na tatlumpu. Hindi naman kami nagdiriwang ng kaarawan, kaya wala namang espesyal sa araw na iyon. Ang totoo, nakakaasiwa pa ngang malaman na nagpalit na ang unang numero ng iyong edad. Nang gabi ring iyon, tumungo kami sa lamay ng lolo ng isang kaibigan. Nakausap namin ang kaniyang iniwang asawa, na walumpu’t-isang taon niyang nakasama. Malinaw pa sa kaniyang alaala ang lahat ng kanilang magaganda at masasayang karanasan bilang mag-asawa, lumuluha sa pana-panahon habang nagkukuwento. Ang galing, ano: Sa pagtahak ko sa karagdagang hakbang sa buhay, heto’t nakikinig ako sa mga alaala tungkol sa isa na nakatapos na ng kaniyang landasin. *****

tungkol sa pag-akyat ninyo sa bundok

“I will say the only words I know that you’ll understand…” Nagsimula kayong lahat sa istasyon sa paanan ng bundok. Hindi pa kayo magkakakilala noong una. May pailan-ilan na magkakasama, nagkakilala na sa naunang mga hike. May mga pamilyar na mukha; sikat na sila sa pagkubkob sa mas matatayog pang bundok. Ikaw, at ang mga katabi mo, ay nagpalitan lang ng mga ngiti at tango; gaya mo, waring mga nag-iisa lang din sila sa akyat na ito. *****

tungkol sa pag-upo sa Oval at mga pagbabago sa UP

Sa hindi malamang kadahilanan kanina, dinala ako ng aking mga paa palabas ng lab, palabas ng NIP, patungo sa Math at sa CS at tuluy-tuloy hanggang sa FC. Kumanan sa NSRI, binagtas ko ang mga daang patungo sa lumang NIP at Kamia. Maya-maya pa, kumaliwa muli ako sa daan sa pagitan ng AS at PHAN, sumulyap sa nasunog na CASAA. Hindi ko na namalayan na papunta na pala ako sa Main Lib. Doon na ako napag-isip kung ano ang ginagawa ko roon. Bumili na lang ako ng pagkain sa mga tindahan doon at bumalik sa Oval. Naupo ako, nakatalikod sa PHAN, at tinanaw ang malawak na kaberdehan ng Sunken Garden at nakapaligid na mga gusali.

tungkol sa mga bagay na di nagbabago

Naiinip na siya sa paghihintay sa labas ng istasyon. Ang maagang niyebe ng Disyembre ang lalo pang nagpahirap sa pag-aabang. Kakatagpuin niya siya, hindi na sa maliwanag at mainit na Pilipinas kundi sa maulap at malamig na Pransiya.