Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa experiment design ng mga estudyante ko sa Physics 71.1 at ang mahirap na buhay

malinaw na malinaw ang instruction: "In the handout, the objectives and materials are given but NOT the procedure." kaya naman naubos ang dalawang oras ng klase sa pag-iisip ng gagawin para sa finals nila sa mechanics laboratory class.

nahihirapan sila.






ideya namin ni Gendith ang experimental design part ng finals.

siya ang nagsabi na dapat palitan ang practicals dahil nahihirapan ang mga estudyante at halos wala namang pumapasa. sira na kasi ang mga setup pagdating ng biyernes, kaya biased sa mga unang gagamit ang outcome. bukod pa sa hassle sa aming mga instructor ang pag-setup, pilot test, at maintain ng mga test stations.

ako naman ang nag-suggest na new experiments galing kina Ate Lani at Elise ang ipa-"design" para ma-test talaga kung feasible at kung pwedeng ilagay sa bagong lab manual.

in a way, para din kaming nag-design ng isang eksperimento, kaming mga instructors. unang beses kasi itong ginawa. nandyan na ang mga materials (setups from Ate Lani and Elise), objectives (palitan ang practicals at siyempre, matuto ang mga estudyante), pero walang malinaw na procedure (natapos na ang written exam ay nagpaplano pa kami sa mga detalye). at higit sa lahat, wala pa ring malinaw na outcome.

kaya nahihirapan din kami, sort of.






but then again, the analogy may be extended further, to describe life in general. hindi mo masasabi ang result. hindi mo alam kung mave-verify mo ang theory. actually, mas trying pa nga minsan na experiment ang buhay e. buti nga sa Physics 71.1, may materials. sa buhay minsan, mahirap hanapin yan, maliban na lang siguro kung lumalangoy ka sa materyal na yaman. sa Physics 71.1, given ang objectives, pero sa buhay, kailangan mo pa itong hanapin. buti pa sa Physics 71.1, may room for error, at pwede kang mag-multiple trials; ang buhay kasi one shot. at buti pa sa Physics 71.1 kasi nakikita mo ang outcome ng isang experiment na tumatagal lamang ng 2 o 4 na meetings. kasi ang buhay, tumatagal ng mga taon at dekada, at natatapos lang sa huli mong hininga, sa panahong wala ka nang hinagap. tuluy-tuloy at real-time ang data acquisition at analysis, at pagkatapos ng "experiment" ay hindi mo naman mapapakinabangan ang results.

haay...mahirap talaga ang mabuhay...

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...