Lumaktaw sa pangunahing content

Paboritong mga akda

ito ang listahan ng pinaka-nagustuhan kong mga sulatin. tuwing nababasa ko ang mga ito, para bang bumabalik ang mga damdaming taglay ko noong isinusulat ko pa lang sila. hindi ko na lalagyan ng petsa; para sa akin, timeless itong mga bungang ito ng mapaglaro kong isip at kamay.

*****
tungkol sa jackhammer, mga hukay, at mga pusong sugatan
Nagsimula sila sa pamamagitan ng pagbutas sa sementadong bangketa.

Bawat bayo ng jackhammer ay nakikipagtunggali sa musika mula sa speaker ng computer. Buhay na buhay tuloy ang eksena sa "Waiting for the Bus" ni Ely, feel na feel ang tagpo sa kalye.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa ako, ikaw, at siya
Tapos na ang klase, pero hindi pa ako umuuwi. Hindi pa kumpleto ang araw ko kapag hindi pa dumarating ang ganitong pagkakataon. After all, ang root word naman ng "maghapon" ay "hapon"; kaya para sa akin, matapos ang malalim na gabi, mahabang umaga at mainit na tanghali, nagsisimula pa lang ang essence ng pagpasok ko sa school.

Ikaw rin. Naroon ka rin sa loob ng silid-aralan tulad ko, kahalubilo ng iba pa nating kamag-aral na kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Ikaw ang aking isla sa gitna ng malawak na dagat ng mga usapan at kulitan. Ikaw ang sumasagip sa akin mula sa pagkakatangay ng iba’t-ibang alon ng personalidad sa maliit na mundo ng klase. May apat na taon din akong na-stranded sa iyong mga baybayin.

Siya? Wala siya. Wala na siya. Gugugulin niya ang hapon sa labas.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa mga kuwentong sunken garden
totoo bang lumulubog daw ang sunken garden ng UP ng ilang sentimetro taun-taon?

kahit pa anim na taon na akong pumapasok sa UP sa pamamagitan ng "backdoor entrance" nito, alalaong baga'y ang kalyeng Katipunan, at sa gayo'y araw-araw na nakamamasid sa higanteng "football field" na ito, hindi ko pa rin tiyak ang tunay na kuwento sa likod nito. ang pinakamalala na yatang bersiyon na narinig ko ay na hinukay raw umano ang bahaging ito ng campus. sabi naman ng isa pang kuwento, ang tunay na direksiyon ng paggalaw ng Garden, di tulad ng pala-palagay, ay paahon at hindi palubog.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa mga bagay na nasasabi kapag wala nang masabi
matagal na pala akong hindi nakakapag-paskil ng anuman dito.

ang lakas ng loob kong awayin si Mikki tungkol sa estado ng Multiply site niya, e ako nga ni walang pagbabago sa itsura man lang ng account. mapanira pa ang huli kong ginawa: nag-delete ng dalawang albums ng Eheads na sabi ni Cats ay hindi ko na-upload nang tama.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa high school batch namin at ang mga bagay na napagtanto
madalang na akong makapagbukas ng yahoo mail dahil ang lahat ng mahahalagang mensahe ay tinatanggap ko na ngayon mula sa gmail. madalang na tuloy akong ma-update sa mga pangyayari sa mga yahoo groups ko, lalong-lalo na ang yahoo group namin ng aming high school class. nagulantang na lamang ako sa tumambad na 125 messages sa folder kong "High School" nang minsang maalala kong bumisita.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa mga kuwentong itinuturo sa iyo ng pagmamahal sa taong hindi ka/mo mahal
pumili ka ng isang random faculty member sa NIP ngayon at tanungin mo tungkol sa lovelife. siguro 90% of the time makakarinig ka ng kuwentong "unrequited love". yung iba nga, kapuwa faculty member pa ang sangkot sa istorya! at marami ang hindi pa tapos - kasalukuyang nasa ganitong estado.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa pagpapadala ng pagbati nang hatinggabi
Kagabi iyon, gabi ng lunes. Armado ng cellphone na kargado ng ETXT load, sinubukan kong mambulabog ng natutulog na mga kaibigan, malayo't malapit. 11:41 pm ang tala ng orasan nang magpalipad ako ng isang simpleng "gnyt :)" sa ere.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa atin
nariyan ka ngayon, nakikipagbuno ng gilas at bilis sa pusod ng magulong lunsod.
bumasa pa >>

*****
tungkol sa hindi paghinto (isang paalala sa sarili)
mas obvious ito sa pamamasyal.

kapag napunta ka sa isang lugar na walang masyadong makitang maganda, boring, maputik o maalikabok, mainit o, sa pangkalahatan, pangit, ano ba ang gagawin mo? siyempre, hindi ka hihinto. maglalakad ka. magta-traysikel. sasakay ng bus, eroplano o bangka para makarating sa lugar na interesante.
bumasa pa >>




Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...