tungkol sa jackhammer, mga hukay, at mga pusong sugatan
Nagsimula sila sa pamamagitan ng pagbutas sa sementadong bangketa.
Bawat bayo ng jackhammer ay nakikipagtunggali sa musika mula sa speaker ng computer. Buhay na buhay tuloy ang eksena sa "Waiting for the Bus" ni Ely, feel na feel ang tagpo sa kalye.
Oks lang naman sana kung wala akong ginagawa. Kaso nga lang, kasagsagan noon ng pagmamadali para sa thesis deadline, at nasa kalagitnaan pa lang ako ng labanan, wika nga. Kaya sa gitna ng mapanghamong ingay ay nakikipagbaka ang isip ko sa paghalukay sa makabuluhang mga salita, umaasang gagawin ng compilation ng Eraserheads ang trabaho nitong tabunan ang gulo sa labas.
Nakakapagod pala. Nakakabaliw.
Nang mapansing malapit na akong lumampas sa hangganan ng katinuan, ipinasiya kong magpahinga. Pinanhik ang kama at lumatag sa ibabaw nito. Gusto ko sanang marepresko ang isip ko at maalis ang mga alalahanin. Mas maganda sana kung makatulog.
Pero sa unang saglit na iwaksi ko ang thesis deadline sa isip ko ay agad kang pumalit. Hindi ko alam kung nakatira ka na sa kukote ko pero para bang napakadali mong magpakita sa utak ko. Para bang ayaw mo itong ma-blangko.
Buti nga sana kung wala ka nang dala sa paglagi mo sa ulo ko. Kaso, meron e. Marami. Itinatambak mo sa puso ko kaya dahan-dahang bumubigat. Ang hirap tuloy huminga.
Na-realize kong mas okey pang magtrabaho sa thesis sa gitna ng ingay sa labas. Mabuti pa ang jackhammer, masakit sa ulo dahil sa ingay na gawa ng pagbutas sa kalsada. Ikaw kasi, masakit sa puso dahil sa sugat na dala ng pagbutas sa pagkatao ko.
Sa pagbalik sa harap ng PC ay lalo ko pang nilakasan ang sigaw ng CD. Kamangha-mangha, mas nakapagsulat na ako. Maraming salitang bumukal. Iba talaga kapag nagiging in touch ka sa emotional hemisphere ng brain mo. You get a way with words.
*****
Kinabukasan, lupa na ang binabanatan nila.
Wala nang maingay na jackhammer. Pero nagkaroon ng mas maraming trabahador - taga-piko, taga-pala, taga-sinsil. Sa halip na makina ay mga tao na ang maririnig. Masasayang mga tao na waring di alintana ang init ng araw. Sa bawat galaw ng bisig at bibig ay lumalalim ang hukay.
Iniwan ko ang gayong tagpo sa harap ng bahay para pumasok sa eskuwela. Gaya ng inaasahan, marami ring tao sa tambayan. Masasayang mga tao tulad din ng mga trabahador sa aming kalye. Si Rey at ang kanyang si Alen. Si Eio at ang kanyang Glaiza. Si Kuya Ryk at Ruby.
Doon ko lang naisip na ang salitang "depression" ay pwedeng isaling "hukay" o "kalaliman" sa Tagalog. Doon ko lang na-realize na wala akong ipinagkaiba sa kalsada sa harap ng bahay namin. Nade-depress (a.k.a., Hinuhukay) ako dahil sa mga orgmates (a.k.a., workers) na buong-buo at masaya ang lovelife. Di ko maiwasang ihambing ang sarili ko sa kanila.
Hindi naman kasi dapat ganito. Ikaw kasi. Singkapal ako dati ng semento; di tinatablan. Kaso dumating ka, ang pinakamamahal kong jackhammer. Tinuklap mo ang sementong tumatakip sa puso ko, kaya naman vulnerable na ako sa ganitong mga kasentihan.
*****
Nang umuwi ako, sarado ang street namin.
Bawal pumasok ang kahit anong sasakyan, kahit pa bisikleta. Pati nga tao ay halos umikot pa sa ibang kalye para lang makatawid. May crane, trak ng semento at iba pang heavy equipment. Kung di pa ako lumapit, di ko pa malalaman kung bakit.
May itatayo palang poste sa hukay. Poste yata ng Meralco; malabong poste iyon ng telepono, masyado kasing mataas. Sa wakas. Magkakaroon na siguro kami ng sariling fuse. Di na kasi kinakaya ng dati naming fuse (na ilang kilometro ang layo) ang load ng komunidad. Ayos. Mas malakas na ang daloy ng kuryente sa bahay.
This time, hindi lang mga trabahador ang nag-contribute sa ingay; pati ang mga miron at uzi naming kapitbahay na excited at parang nanonood ng shooting. Gusto ko na ngang labasin ang isang nagmamagaling at ipinapaliwanag umano ang daloy ng kuryente. Pakiramdam ko sa bawat maling paliwanag niya ay naiiskandalo ang pagka-physics major ko.
Ilang oras din ang itinagal ng trabaho. Alas-onse na yata nang maitayo ang mismong poste sa tulong ng crane. Nagpalakpakan pa ang mga tao (parang shooting talaga). Gusto ko rin sanang lumabas at magmasid, kaso, gaya pa rin ng sinundang araw, thesis pa rin ang inaatupag ko. Katuwiran ko naman, lalabas din ako at masisilayan din iyon kinabukasan.
And, true enough, nakakamangha nga ang itinayong posteng waring kumakalabit sa langit. Ni hindi ko matanaw ang tuktok nito dahil parang tinuhog nito ang araw. Nakakasilaw. Siguro, kung nilabas ko nga at nilampaso ang mamang nagmamagaling kagabi at naabutan ang pagkakatirik ng posteng ito, baka hindi ko rin napigilang pumalakpak. Sino nga naman ang mag-aakala na ang isang hukay, na sanhi ng sakit sa ulo at abala ay magiging pundasyon pala ng isang matayog na posteng magbibigay-kapakinabangan sa komunidad.
*****
Ang galing. Ngayon alam ko na.
Kung minsan talaga sa buhay, dumarating tayo sa mga panahong depressed tayo. Tulad ng kalye namin, pwedeng durugin at hukayin tayo ng malulungkot na karanasan, lalo na sa pag-ibig. Pero, hindi naman doon nagtatapos ang eksena.
Depende na sa atin kung saan natin dadalhin ang ating mga sarili. Kung wala tayong gagawin at maglulumunoy sa ating kalungkutan, mananatili tayong isang hukay - perfect na tambakan ng basura, mala-compost pit.
Pero, matapos ang construction na iyon ng Meralco sa harap ng bahay namin, napagpasiyahan kong isagawa ang isang mas mahusay na paraan ng pag-handle sa depression. Ipinasiya kong gamitin ang "hukay" na ito upang maging pundasyon ng isang kahangahangang poste, isang matayog na tore na titingalain ng sinuman. Kung minsan talaga, kinakailangan mong bakbakin ang semento at maging vulnerable. Kailangan mong bigyang-daan ang "hukay." Pagkatapos naman nito, tatayo ka’t malulula sa iyong bagong estado.
*****
Hahaha.
Hindi, hindi pa ako isang matayog na poste. Baka nga isa pa rin akong hukay e. Di ganun kasimple yun. Pero sa tulong ng mala-crane kong mga kaibigan, malamang ay maitayo ko rin ang aking bantayog.
Kaya sinisimulan ko na sa thesis. Ang aking undergraduate thesis. Ang bawat session ng pakikipagharap sa computer na sinasaliwan ng mp3 ay isang bagong simula, isang dahan-dahang pagbangon.
Unti-unti, tatabunan ko na ang hukay ng kaluluwa ko. Muli kong sesementuhin ang puso kong binasag mo.
Til next time, pinakamamahal kong jackhammer.

iba ka kuya rene...
TumugonBurahinLuffy..
Galing naman kuya.. :)
TumugonBurahin