tungkol sa overnights at pagmamahal (para kay Phoebe)
Na-summarize na ng Eraserheads ang ideya ng usapan namin ni Phoebe nang gabing iyon.
"Wag kang matakot na matulog mag-isa…"
…kapag nag-oovernight sa Instru. O, sa kaso niya, sa big room ng Photonics (na konektado din sa Instru). Bago kami umuwi ni Phoebe ay kung anu-anong mga ghost stories ang pinag-usapan namin tungkol sa aming magkadikit na lab at sa mga nakakatakot na mga karanasan dito ng ibang mga tao. Ang mga umuugang table at naggagalawang mga upuan. Ang mga bagay na lumulutang at mga babaeng nagpapakita.
Dahil sa pagiging semi-haunted ng aming mga lab ay isang achievement talagang maipagmamalaki ang makapag-overnight dito lalo pa kapag nag-iisa. Hindi ko masisisi si Frances. (See first paragraph of her blog entry )
Buti na lang, nang gabing iyon ay sobrang pagod ako kaya nakatulog ako agad.
"Wag kang matakot na umibig at lumuha…"
Nang i-compose ni Ely ang kantang ito, bakit kaya "lumuha" ang kasunod ng "umibig"? Dahil ba katunog ito ng ending ng sinundang line ("mag-isa")? E kung yun lang ang batayan, bakit hindi na lang "tumawa"? O kaya, "lumaya"?
Yun ang mga tanong na sinagot namin ni Phoebe. Doon namin nakita na ang necessary talaga na kasunod ng "umibig" ay "lumuha," hindi lang sa kanta kundi sa totoong buhay. Unti-unti naming pinatunayan ni Phoebe na ang pag-ibig na inaasahan ay hindi laging nagaganap. At ang pag-ibig na nagaganap ay hindi laging nagtatagal.
"Kasama mo naman ako…"
Itong linyang ito sa kanta ay second voice (O back-up. O kung ano man. Basta.). Hindi siya kinanta ng main vocalist. At kung susuriin, ang linyang ito ay kinanta ng maraming boses, maraming tao. Parang may effect pa na galing sa likod ang boses. Astig.
Parang sa buhay. Kung minsan, hindi naman sa iisang tao dapat manggaling ang assurance at suporta.
Sa buhay, kapag ang taong nasa harap mo, na tinitingala at minamahal mo, ay waring nawawalan na (o wala talaga, to start with) ng pagpapahalaga, tumingin ka lang sa likod. Maraming naghihintay doon, nakangiti.
"Makapangyarihan ang pag-ibig na hawak mo sa ‘yong kamay…"
O, gaya nga ng madalas sabihin ni Phoebe:
Walk in LOVE.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento