tungkol sa tamang timing at sa iba pang mga bagay na pinanghihinayangan

ewan ko kung may na-violate akong rights dito sa pag-publish ko ng tulang ito dito; basta ang alam ko, ito ay tula KO.

Ang Pag-ibig ay Pagtambay sa UPPA nang Sabado ng Hapon


Pag-ibig? Para ‘yang pagtambay
Sa PA nang Sabado ng hapon
Mag-isa ka, at may hinihintay
Na dumating; at di maglaon

May kaluskos sa sahig at lagitik sa pinto
May kakatok at papasok
At ikaw, matutuwa ka!
Paano’y di ka na nag-iisa


Hindi pala siya ang hinihintay mo
Papasok sya at tatabi sa ‘yo
Mag-uusap kayo ng kung anu-ano
Mababaw ma’t malalim; saan ma’t kanino


At darating na sya
Ang hinihintay mo talaga
Na dahil nakitang ma’y kausap ka pa
Ay aalis muna upang di makaabala…


Walang ibang iniwan kundi gamit sa mesa
Walang ibang sinabi kundi, “Sandali po…”
Wala kang narinig; wala kang napuna
Hanggang lumabas sya at kumalabog ang pinto.


Pag-ibig? Para ‘yang pagtambay ulit
Sa PA nang Sabado ng hapon
At pag-asam-asam sa bawat lagitik
At panghihinayang sa bawat pagkakataon

Mga Komento

Kilalang Mga Post