tungkol sa mga di mapakawalan: mga ngiti, mga ideya, at mga nakaraan
ilang mga kakilala ang nasalubong ko kanina. nakakagulat, dahil sabado at inaasahan kong walang tao.
isang labmate, isang dating kaklase sa isang subject, isang ka-org. lahat sila ay kinawayan ko, subalit iisa ang naging reaksiyon nila. silang lahat ay nagtataka sa pagkakunot ng noo ko. ni hindi man lang daw ako ngumiti.
sa dami ng dapat pang asikasuhin sa nalalapit na thesis defense at, ultimately, sa graduation, hindi ko na mapigilang mag multi-tasking. lahat ng bagay ay naka-queue na sa utak ko for processing, at sa dami ay para bang wala nang rest period na nagaganap. kahit pa naglalakad ako, kumakain, kahit nga yata pati sa pagtulog at pananaginip ay nagpoproseso ako ng impormasyon, nagpaplano ng susunod na hakbang. kaya sa sobrang ka-busy-han ay lagi na akong mukhang seryoso, nakasimangot, kung minsan pa nga ay parang papatay ng tao.
pero sa totoo, may tuwa na natatago sa kaloob-looban ng pagkatao ko. tuwang nagmumula sa katotohanan na makakapagpahinga na ako matapos ang limang taon ng pagsusumikap (well…ang tanong ay hindi lang kung makakapagpahinga ako kundi kung nagsumikap ba talaga ako… anyway…). tuwang nakukuha ng isang tao sa pagkakamit ng mga bagay na pinakamimithi niya (wala bang mas maikling translation para sa ’satisfaction’?). tuwang higit pa sa naibibigay ng tawa at halakhak.
kaso nga lang, hindi ko kayang i-radiate ang tuwang ito. hindi ko kayang magpahulagpos ng kahit isang piraso nito para naman maibahagi ito sa iba. ni ngiti ay hindi ko mapakawalan. siguro ganun iyon. siguro darating din ang panahon na aapaw ang tuwang ito tungo sa puntong hindi ko na ito maitatago at mapipigilan.
malay natin, sa graduation, di ba?
*****
kinausap ako ng isang miyembro ng panel ko para sa thesis. ilang araw pa ang nakakaraan ay kinausap na rin ako ng isa pa sa kanila. at nagtataka ako. kasi sa panahong kaharap ko sila, hindi ko masagot ang tanong nila. pero sa unang saglit matapos ang aming diskusyon, naiisip ko ang tamang sagot at saka ko nare-realize na kayang-kaya ko palang sagutin ang tanong nila. weird. asar.
pero ganun nga talaga siguro iyon. may tamang panahon para pakawalan ang mga ideya.
malay natin, sa mismong araw ng defense ang tamang panahon na iyon, di ba?
*****
habang nagpapahinga sa Instru ay nakita ko ang larawan mo. amazingly, naiwan pa pala ito sa wallet ko. umusbong ang sari-saring emosyon. ng lungkot. panghihinyang. pati na rin galit. at paninisi.
pero, amazingly (part 2), pumapasok pa rin ang iba’t-ibang ‘what ifs’ sa isip ko. naiimagine ko pa rin ang iba’t-ibang scenario patungkol sa ating dalawa. hindi pa rin nagsi-sink in ang mga nangyari. nang inakala kong pinalayas na kita sa pagkatao ko, i was wrong. binuksan ko lang pala ang pinto at hinintay kang lumabas nang kusa. na, hanggang ngayon pala, hindi mo pa ginagawa.
kailan nga ba kita pakakawalan?
haay…
malay natin, malapit na, di ba?

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento