tungkol sa mga kuwentong itinuturo sa iyo ng pagmamahal sa taong hindi ka/mo mahal
pumili ka ng isang random faculty member sa NIP ngayon at tanungin mo tungkol sa lovelife. siguro 90% of the time makakarinig ka ng kuwentong "unrequited love". yung iba nga, kapuwa faculty member pa ang sangkot sa istorya! at marami ang hindi pa tapos - kasalukuyang nasa ganitong estado.
kasama ako sa 90%. kapuwa faculty member din ang sangkot (alam na niya kung sino siya). pero i'm proud to say na sa kaso ko ay tapos na ang (malungkot na) kabanatang iyon ng aking buhay, at kapuwa na kaming maligaya sa aming kani-kaniyang pag-ibig. dahil sa huling nabanggit, sa palagay ko ay may karapatan at kakayahan na ako na magpayo sa mga taong nasa ganitong kalagayan. sa katunayan, napayuhan ko na ang isang tao (kilala na rin niya kung sino siya). ito ang ilan sa mga puntong gusto kong ilahad may kinalaman sa pagmamahal sa isang taong hindi ka mahal:
on a personal note, sobrang thankful ako na sa kaso ko, ang hinahabol-habol ko (opo, ako po ang naghahabol, kahit pa mas madaling paniwalaan na ako yung hinahabol :P) ay level-headed, at sa loob ng maraming taon ay nakayanan niyang batahin ang lahat ng kawalang-kakuwentahang pagpapapansin ko. eventually bumalik naman ako sa katinuan, nang matagpuan ko rin ang tunay na mahal ko.
iyan, iyan ang pinakamasayang bagay na darating sa atin, kahit pa ngayon ay bihag tayo ng isang pag-ibig na di maibalik sa atin (o di natin maibalik). darating ang panahon, kapag dumating na ang taong mahal mo, at mahal ka, doon mo marerealize kung bakit hindi nag-work out yung sa inyo dati (parang sa text lang a!). and it would all make sense.
for now, kailangan mo munang pagdaanan ang ganitong parte - ang hindi masuklian ng pagmamahal. i tell you, mas matamis, mas matibay, mas pahahalagahan mo ang pag-ibig kapag dumaan ka muna sa ganitong estado.
kasama ako sa 90%. kapuwa faculty member din ang sangkot (alam na niya kung sino siya). pero i'm proud to say na sa kaso ko ay tapos na ang (malungkot na) kabanatang iyon ng aking buhay, at kapuwa na kaming maligaya sa aming kani-kaniyang pag-ibig. dahil sa huling nabanggit, sa palagay ko ay may karapatan at kakayahan na ako na magpayo sa mga taong nasa ganitong kalagayan. sa katunayan, napayuhan ko na ang isang tao (kilala na rin niya kung sino siya). ito ang ilan sa mga puntong gusto kong ilahad may kinalaman sa pagmamahal sa isang taong hindi ka mahal:
- ang sabi nga sa Bible, ang puso ay mandaraya. marami sa atin, kapag na-inlab, ang nag-iisip na "Siya na!" at binubuod na natin ang ating buhay na kasama ang taong iyon sa hinaharap - binibilang na natin at binibigyang-pangalan ang ating magiging mga anak (hindi naman ako dumaan sa stage na ito, pero may kakilala ako :P), iniisip na ang magaganap sa isang tipikal na maulang araw at walang pasok habang nagkakape sa veranda. oo, dinadala tayo ng puso natin sa pag-iisip ng ganitong mga bagay, kahit pa hindi pa naman talaga dapat. ang payo ko: magpakatotoo. ang lahat ng pansamantalang kaligayahan na natatamasa natin sa pag-iimagine na gayong mga bagay ay agad maglalahong parang bula at mapapalitan ng pait ng katotohanang hindi ito - ni sa hinagap man - mangyayari.
- ang isa pang posibilidad ng pandaraya ng puso ay ang pagpapangyari na maniwala tayo sa mga "sign", mga maliliit na hints (na wish natin e galing sa langit!) na "nagpapatunay" na "gusto rin tayo" ng taong ating gusto (kung minsan, kahit pa alam na natin na hindi).
"sinamahan niya akong kumain sa CASAA; shiyet, gusto rin niya ako!" "nagtext siya nung nagkasakit ako, hinahanap ako. concerned siya." "pumayag siya na maging magka-course group kami. this is it!"
sa mga taong may ganitong pag-iisip, aba, dapat nang gumising. kung babae ka, at samahan ka ng isa pang babae sa CASAA, magbibigay ka ba ng gayon ding pakahulugan? concerned naman ang mga tao sa isa't-isa, at mag-aalala naman talaga ang lahat kung may magkasakit. baka naman ang iniisip mong "pagtingin" ay isa lamang propesyunal na ugnayan - walang labis, walang kulang.
- para naman sa mga nasa kabilang banda, ang mga minamahal na hindi naman kayang magmahal pabalik, laging isaisip na ang tendensiya ng tao ay pumanig sa mga "nasasaktan" at "nadedehado", kaya kahit pa wala kang ginagawa, the mere fact na ang ganda mo, ate o ang guwapo mo, kuya ay sapat na para ituring kang kriminal, maysala, kung hindi man lagi, ay madalas. masusumpungan mo ang sarili mo na pumipili ng "lesser evil" sa lahat ng desisyon pero hindi makapili dahil parehong may masasabi ang mga tao, may gawin ka man o wala. halimbawa, sa isyu na lang kung paano mo pakikitunguhan ang taong iyon na patay na patay sa iyo. siyempre hindi ka kumportable. kung umiwas ka, eto ang masasabi sa iyo: "you're depriving me of your friendship...yun na nga lang..." kung hindi ka naman umiwas, nagpapaasa naman ang dating mo. kung umiwas ka muna, tapos maging ok ka na kapag feeling mo "safe" na, sasabihin sa iyo na naghahabol ka. kung ginawa mo naman ang kabaligtaran, nananakit ka naman. ang advice ko lang, masanay ka na. kung sinasabi nila na "you can't please everybody", sa kasong ito posibleng umabot ka pa sa punto na "you can NOT PLEASE everybody". pero wala kang magagawa...
- actually yun nga ang dapat mong gawin: wala kang dapat gawin. kung patulan mo, sasabihin ng iba na ang kapal mo, ikaw na nga ang nakakasakit ikaw pa ang galit. kung hindi mo patulan, may masasabi pa rin sila; pero ang advantage kapag hindi mo pinatulan, lahat ng sasabihin nila ay batay sa haka-haka, walang matibay na dahilan, won't satnd in court. of course, nakakabaliw yun sa kabilang party (yung patay na patay sa iyo), ang tantiyahin at basahin ang bawat kilos mo; pero, wala e, dapat mo rin naman protektahan ang sarili mo.
- kung may mahal ka na hindi ka mahal, huwag mo nang sayangin ang oras mo sa pag-iisip na maapektuhan mo ang isang tao, mapagseselos. kung hahanap ka ng bago, humanap ka dahil gusto mo, dahil liligaya ka, hindi para sa layuning saktan yung isa, yung dati, kasi 90% of the time hindi naman siya masasaktan. (of course, pwede kang kumapit dun sa natitirang 10%, pero hindi advisable. pramis.)
- kung mahal ka ng isang taong hindi mo magawang mahalin in return, huwag mo ring pigilan ang sarili mo. magmahal ka rin. hindi mo dapat limitahan ang sarili mo dahil lang may masasaktan kapag ginawa mo iyon. kakatuwa, makikita mo pa minsan na ikaw naman ang nasa kalagayan ng isang naghahabol. patas na tuloy kayo.
on a personal note, sobrang thankful ako na sa kaso ko, ang hinahabol-habol ko (opo, ako po ang naghahabol, kahit pa mas madaling paniwalaan na ako yung hinahabol :P) ay level-headed, at sa loob ng maraming taon ay nakayanan niyang batahin ang lahat ng kawalang-kakuwentahang pagpapapansin ko. eventually bumalik naman ako sa katinuan, nang matagpuan ko rin ang tunay na mahal ko.
iyan, iyan ang pinakamasayang bagay na darating sa atin, kahit pa ngayon ay bihag tayo ng isang pag-ibig na di maibalik sa atin (o di natin maibalik). darating ang panahon, kapag dumating na ang taong mahal mo, at mahal ka, doon mo marerealize kung bakit hindi nag-work out yung sa inyo dati (parang sa text lang a!). and it would all make sense.
for now, kailangan mo munang pagdaanan ang ganitong parte - ang hindi masuklian ng pagmamahal. i tell you, mas matamis, mas matibay, mas pahahalagahan mo ang pag-ibig kapag dumaan ka muna sa ganitong estado.
for that GUARD YOUR HEART! hehe
TumugonBurahinhangga't hindi pa "I DO" ang maririnig sa isa't isa dapat locked, sealed and guarded ang ating heart :)
basta ako..I know how to love but of course, it takes grace pa rin to preserve your heart to GPC (God's perfect choice). :)
hmmm. sa ibang tao iba ang kahulugan ng GPC. GPC- as in General Physics Committee!! Hahaha! Gusto nila ka-GPC makatuluyan nila! hahaha!
TumugonBurahinbasta sa akin, natural lang yan, halos lagi ka dapat dumaan sa ganyang case. mas hindi kumpleto ang luvlyf mo kapag wala kang ganitong stage. :P
well, i disagree...
TumugonBurahinwe can always spare our hearts from pains...hindi necessary ang heartaches to say na kumpleto ang iyong love life :)
First and foremost, when you are secure kay God...you are already complete :) When you fully experience His love, you can easily say to everyone that you've found the love NO MAN can give..so you don't need anyone to complete you.
Pero xiempre, kung hindi ka called for single blessedness like me ( i mean i'm bound to marry soon), always remember that GOD's WILL is GOOD, PLEASING and PERFECT..just entrust Him of your love life.
and there is a time for everything..a season for every activity..
so as of now..just cherish kung sang season ka man :)
having to feel every emotion makes your (love) life more interesting. :p
TumugonBurahinhindi lang puro saya. hindi lang puro lungkot. meron ding kagagahan. katangahan. hehe
teka ne, sino ba 'tong faculty member? intriguing. dahil hindi ka magsusulat ng walang basis. hehe.
asus, obvious kaya kung sino ang tinutukoy ko! hahaha! :P
TumugonBurahin"hindi lang puro saya. hindi lang puro lungkot. meron ding kagagahan. katangahan. hehe" ahem, loren, from experience ba ito? :P
TumugonBurahinpero tama, hindi mo naman ma-eexpect na puro saya. walang learning kapag ganun, at kapag nagkaproblema na ang hirap na ayusin kasi hindi mo alam kung paano. kaya dapat talaga dumaan sa ganito. moreover, the mere fact na maraming instances ng ganito (hindi lang sa NIP) means na in a sense, "normal" siya.
aminin mo na reneboi, minsan naging alipin ka rin ng pag-ibig. :p
TumugonBurahini agree with Rene sa lahat. :) I had to read everything twice though kasi slow ako sa tagalog. At first I thought about settling iyong issue. Hehe.
TumugonBurahinBullet 1: Tama na dapat hindi nagpapadala sa emotions. Hehe. Medyo fluctuating eh. At dapat hindi rin nag-iinvest masyado emotionally, dahil hindi lang ikaw iyong kasama sa picture na pinipinta mo. So the outcome is risky sa part mo.
Bullet 2: Hay nako! Signs... Signs... Signs... LOL
Bullet 3: Strongly agree ako dito. :) Galing talaga ni Rene hehehe
Bullet 4: Strongly agree.
Bullet 5: Totoo. Kaya wag ka nang magpaselos kung wala namang maaapektuhan, nagsasayang ka lang ng oras. And, sa mga pinaseselos, kung hindi ka talaga apektado eh di wag kang paapekto. Ang pagkakaroon ng po-ot sa admirer dahil pinaseselos ka (directly or inderectly) ay isang sinyales na apektado ka. Wah. Do I make sense? Hehe.
Bullet 6: Yes, bad ang pity, nagbibigay ka lang ng maling sinyales.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinaccording to rye: "...hindi necessary ang heartaches to say na kumpleto ang iyong love life :) "
TumugonBurahinIn my opinion, necessary siya para ma-appreciate mo iyong beauty ng masasayang sandali. :) Dapat laging may gradient. Later on, super boring na pag walang heartaches. Mauumay ka rin. hehe.
But, I do get your point, Rye. Nagpipilosopo lang ako.
BTW, ako pa la iyong eftl sa taas, hindi ko ma-figure out at first how to comment using my own blogspot account eh.
Why do we always have to associate God with being in love? And how would we exactly know "God's perfect choice"? Baka kelangan muna nating ma-in love in order to put things in the right perspective.
TumugonBurahin