Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa mga bagay na di nagbabago

Naiinip na siya sa paghihintay sa labas ng istasyon. Ang maagang niyebe ng Disyembre ang lalo pang nagpahirap sa pag-aabang. Kakatagpuin niya siya, hindi na sa maliwanag at mainit na Pilipinas kundi sa maulap at malamig na Pransiya.

tungkol sa ilaw sa dagat

Lahat sila'y nalulungkot para sa kaniya.

tungkol sa napabayaang blog

Lampas isang taon na pala mula nang huli akong magpaskil dito. Abala kasi. Pero kung tutuusin, lagi naman talaga ako - o kahit sino - na abala. Ano't may isang taong pahinga (at muntik ko pang malagpasan ang 2014)? Siguro ang nagbago lang ay ang mga pinagkakaabalahan. Hindi na lang kasi para sa sarili ang buhay at oras ko ngayon. Ok lang yan. Di naman mahalaga kung nawala. Ang mahalaga ay na bumalik.

tungkol sa mga tagpo sa tangway

Manghang-mangha siya sa mga lansangan ng Venice. Nakakita na siya ng makikitid at pasikut-sikot na mga eskinita sa Maynila, pero lahat ng iyon ay walang mga pangalan at pananda na magtuturo ng daan tungo sa mga importanteng destinasyon. Hindi katulad ng mga makikipot na daan ng Venice.  Mga daan na punung-puno ngayon ng mga taong patungo sa magkabilang direksiyon. Na hindi niya inaasahan; malamig ang panahon, kaya dapat sana ay mas kaunti ang mga turista ngayon.  Abala sa pag-iisip at pag-iwas sa nakakasalubong, hindi na niya namamalayan ang mga ikinukuwento ng kasama. Mga kuwentong ilang ulit na niyang narinig pero hindi siya pagsasawaang pakinggan.  Bandang huli, ang makikipot na daan ay umakay tungo sa malalawak na piazza. "Malapit na tayo," pakli niya, nakahinga nang maluwag (literal at simbolikal) dahil hindi na siksikan. "Sandali," wika ng kasama, "ang ganda ng araw."  Papansinin pa lamang sana niya ang halina ng pagdungaw n...

tungkol sa nag-iisang windmill

Matutulog siya sa bus. Kahit pa nagdala siya ng aklat para sana basahin. Kahit pa sandali lang, kung tutuusin, ang dalawa't kalahating oras ng biyahe mula Dresden hanggang Berlin. Kagyat siyang pumikit matapos maupo at magkabit ng sinturong pangkaligtasan. Hindi na niya namalayan ang isa pang paghinto para magsakay ng pasahero sa Neustadt sa kabilang ibayo ng ilog Elbe. Nahihimbing na siya nang lumabas ang bus sa sentro ng siyudad, nananaginip habang bumabagtas sa expressway pahilagang kaluran tungo sa kabiserang lungsod-estado ng Alemanya. Paano'y napagod siya matapos mapawi ang epekto ng bugso ng adrenalin. Ang pagbisitang ito sa kaibigan sa Berlin ay talaga namang biglaan, na "pinlano" mga ilang oras lang ang kaagahan. "Kumusta, kailan tayo ulit magkikita?" "Ano kaya kung mamaya?" Nagkataon pang may diskuwento sa tiket ng bus. Kaya matapos ang isang mabilisang pag-book ng tiket sa Internet, at ang simbilis na pag-iimpake ng mga gamit at ...

tungkol sa pera, kaligayahan, correlation, at causation

Ang pera ay isang mahalagang imbensiyon ng lipunan. Ang papel ng salapi sa ekonomiya ay katumbas ng papel ng mga unit at physical quantities sa physics. Sa pamamagitan ng napagkasunduang mga unit para sa iba't-ibang physical phenomena, nagiging quantity  ang mga quality : nabibigyan ng panukat ang mga bagay na bago noo'y nailalarawan lamang. Ang dating malayo o malapit ay nagiging 10 kilometro; ang dating mabigat o magaan ay nagiging 50 kilogramo; ang dating matagal o mabilis ay nagiging 30 minuto. At sa physics, mas madaling pag-usapan at ilarawan ang mga bagay-bagay kapag ang mga ito'y de-numero na.