Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa panahon ng thesis

tuwing sasapit ang katapusan ng semestre, may kakaibang hangin na pumapailanlang sa mga pasilyo ng mundo ng NIP. lalo pang damang-dama ito sa panahong ito, sa pagitan ng mga buwan ng Enero hanggang Marso. ang malamig na simoy ng hangin ay humuhudyat na patapos na, hindi lang ang semestre, kundi ang buhay estudyante para sa marami sa NIP. siyempre pa, hudyat din ito ng pagsisimula ng matarik na biyahe tungo sa pagtatapos: ang biyahe ng paggawa ng thesis. tatlong beses na akong gumawa ng thesis. ang thesis time ay isang panahon ng pambihirang pagkamalikhain; sa katunayan, ang blog na ito ay sinimulan ko mga limang taon na ang nakakaraan bunsod ng thesis time. wari bang sadyang bumubukal ang mga salita at ideya, na para bang ang lahat ng bahagi ng utak ko ay nagboboluntaryo, nagpapagamit. para bang ang seksiyon ng utak ko na ginagamit sa pag-awit ay nakikitulong na rin sa pagsusulat ng manuskrito ng thesis. ang departamento na namamahala sa motor skills ay nakipagtulungan sa departame...

tungkol sa pagpapagawa ng bahay

darating at darating ang panahon sa buhay ng isang tao kung kailan gugustuhin niyang magkabahay. maaga-aga lang sigurong dumating ang panahong iyon sa akin. kung ang ibang mga kabataang propesyonal na kaedad ko ay nag-iipon para sa kotse, magagarang damit at iba pang pag-aari, ipinasiya kong gamitin ang naipon kong salapi para kumuha ng pag-aari sa San Mateo, malapit sa bahay ng kapatid ko. hindi, hindi malaki ang naipon ko. isa akong empleyado ng gobyerno, at alam naman natin na dito sa Pilipinas, ang pagiging empleyado ng gobyerno ay isang pampublikong paglilingkod na kadalasan na'y hindi gaanong napapasalamatan sa salita at sa pera. kinailangang humiram, makiusap, magpatulong upang masimulan ang konstruksiyon, at nagpapasalamat ako sa pagkanaririto ng magulang, kamag-anak at kaibigan para tumulong. kung sabagay, nakakaengganyo naman talaga ang tumulong sa isang mahusay na layunin; nakahahawa ang apoy sa mata ng isang taong nagpupursigi. sulit ang pagsisikap habang unt...

tungkol sa pagpasok nang maaga araw-araw

mahusay talaga ang mga alarm ng cellphone . pwede mo itong i-adjust sa "Daily", para kusa itong mambulahaw kahit nakalimutan mo itong i-set. tulad ko, kagabi. ganito yata talaga ang buhay guro; kahit gabi ay hindi nauubusan ng trabaho. makakarating ako sa bahay nang gabing-gabi, magtatrabaho hanggang madaling araw, para lamang ulitin muli ang siklo sa pagpasok muli nang napakaaga. kakatwa mang isipin, nagsisimula at nagtatapos ang araw ko nang wala pang araw. kakatwa rin na isipin na para bang isang paulit-ulit at walang kabuluhang siklo ang buhay, sa pangkalahatan. kapag pinag-isipan, ano ba ang dahilan kung bakit nagtatrabaho sa araw-araw ang lahat ng tao? para dumating sa punto na hindi mo na kailangang magtrabaho. isang malaking kabalintunaan! sa tuwing napapagod ako sa pagkabitag sa infinite loop na ito ng buhay, lumiliwanag mula sa likuran ang mas malaking layunin ng trabaho ko. mapalad akong maituturing, dahil higit sa basta pagkita ng pera, ang trabaho kong ito ...

tungkol sa mga kasalan ngayong Disyembre

di ba Hunyo? ang buwan ng mga kasalan? hindi ko alam kung may kinalaman ba sa pangalan ng buwan ito, pero nakagawian nang ituring na wedding month ang buwang ipinangalan kay Juno, ang diyosa ng mga kababaihan sa mitolohiyang Romano. tuwing Hunyo ay naglalabasan ang mga bagay na may kinalaman sa mga kasal: mula sa mga display sa mga mall hanggang sa mga features sa mga magasin. kaya marami ang pumipili sa Hunyo bilang buwan ng kanilang pag-iisang dibdib. ***** pero ngayong Disyembre, nagkasunud-sunod ang mga kasalan na nababalitaan ko sa maliit na mundo ng mga kaibigan at kakilala ko. may kinalaman kaya rito ang lamig ng mga gabi ng Disyembre? nariyan si Ate Ianne, na nitong Lunes ay ikinasal kay Anthony. nahilingan pa nila ako (kasama si Ate Bhazel) na maging emcee sa piging ng kasalan. ang isang pares sa mga ninong at ninang ay hindi nakarating: sina Sir Chris at Ma'am Sher. ang dahilan? kinabukasan ay dadalo sila sa isang (nahulaan nyo na siguro) kasalan, sa pagkakataong ...

tungkol sa kaiklian ng buhay

matagal din siyang naratay, nalimitahan dahil sa stroke. sa loob ng ilang mga buwan ay nagtulung-tulong ang pamilya niya sa pag-akay at pagbabantay sa kaniya. pero nitong nakaraang linggo, bumigay rin ang kalusugan niya. tuluyan nang nagpaalam ang ama ng isang kaibigan namin ni Steph. mga ilang linggo pa ang nakalipas, nabalita naman sa UP ang pagkamatay ng dalawa sa mga propesor sa Department of Biology. ang isa ay dahil sa natural na mga kadahilanan; ang isa, mas masaklap ang kinahantungan dahil sa pagkamatay sa mga bala ng militar. sa pana-panahon, ginugulat tayo ng mga balita ng mga buhay na nawala. kakambal na ng buhay ang kamatayan, at tayo mismo ay hindi nakatitiyak sa kung kailan at kung paano tayo mamamatay. isang bagay ang tiyak: ang kamatayan ay isang masaklap, malungkot na pangyayari, isang bagay na iniiwasan ng lahat. mula sa http://tanlucypez.blogspot.com/2009/01/yep-its-officially-cold-outside.html pero may itinuturo sa atin ang kamatayan. ang kamatayan ang ka...

tungkol sa pag-alarm ng cellphone sa umaga

sa modernong mundo, napalitan na ang pagtilaok ng manok ng pag-iingay ng mga naimbentong kagamitan bilang panggising sa umaga. nagsimula iyan sa mga mekanikal na alarm clock na bandang huli'y naging elektroniko na rin. at siyempre, nitong huli, ang alarm clock ay isa nang feature sa halos lahat ng cellphone. ***** nagsisimula ang bawat kong umaga sa pag-iingay ng cellphone. isa, makalawa, makaitlong mag-aalburoto pa ito bago ako mapapayag na bumalikwas mula sa kama. hindi nakakatulong ang malamig na mga gabi ng Nobyembre para pabilisin ang pagkilos ko. kung minsan, dala na rin siguro ng sobrang pagod, wari bang naiinis na ako sa paulit-ulit na pag-ring ng alarm ng cellphone, na para bang ang cellphone ay isang tao na titigil sa pangungulit kung kainisan. ang buong proseso ng gisingan ay umaabot kung minsan ng mga kalahating oras, kung minsa'y gumigising sa lahat ng tao sa bahay maliban sa akin. ***** sa paggising, muli akong hahango tungo sa modernong mundo. mabil...

tungkol sa mga walang-lamang mga burador

noo't noon pa man, ang blog na ito na ang sumalo sa lahat ng mga buhos ng damdamin. nasasaling ko lang ito kapag may kurot sa puso o tadyak sa pagkatao; nang bandang huli, naging saksi rin ito sa mga pag-igpaw sa kagalakan. nang maglaon ay bumuo ako ng iba pang blog para iulat ang mga kaganapan sa iba pang aspekto ng aking buhay, at kung dalas o dalang lang din naman ang usapan ay matagal nang tinalo ng mga nahuli itong blog na ito na nauna. gaya ng isang tunay na panganay, nasapawan na ang blog na ito sa atensiyon ng mga bunso. sa ngayon, sa pagtungo ko sa Dashboard ng Blogger para magsulat pang muli - hindi rito, kundi sa blog ko sa pagtuturo - napansin kong kaunti na lamang ang agwat ng huli sa una. kaya sa halip na magpaskil ng isang paalala sa mga estudyante, ipinasiya kong hawiin ang mga landas pabalik sa blog na ito. hinawan ko ang matataas na "damo" para muling hanapin ang mga iniwan kong bakas sa mga naunang paglalakbay. at ang una sa gayong mga bakas na sa...