Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa second law of thermodynamics at mga hiwalayan

consequence daw yun ng Second Law (of Thermodynamics). na lahat ng bagay matitigil, mamatay, mawawala pagdating ng panahon. kahit nga daw ang universe makakaranas ng heat death sa bandang huli.

kaya naman hindi na nakakapagtaka kapag may naghiwalayan, nag-break,nagtapos. ang nakakapagtaka ay kapag mistulang napakabilis ng mga pangyayari. o kaya naman, kapag ang dapat sana'y tinapos na ay natapos lang sa salita.






natapos ang ilang buwang relationship ng kaibigan ko kamakailan. hindi ko alam at hindi ko na inalam ang dahilan.

ganun naman yata yun. malalaman mo naman kung hindi na dapat magpatuloy ang isang bagay. hindi na kailangang alamin ang dahilan dahil kadalasan nang hindi ito ang mga tipo ng bagay na masasabi sa isang salita, at kahit pa nga isang pangungusap.

pero, ang nakakapagtaka, gaya nga ng sinabi ko kanina, para bang nag-break lang sila sa salita. wala naman halos nangyaring pagbabago sa kanila.

kung sabagay; sabi nga ng Second Law, ang increase in entropy naman daw ay nakukuha sa dalawang paraan: pwedeng bumaba ang temperature (i.e., mawala ang init), o pwede rin na lahat ng energy that can do work ay na-convert na lahat sa heat (i.e., hindi na magagamit ang energy into useful work).

baka yung sa kaibigan ko, ang nagyari ay yung second case...nandun pa rin yung init, pero baka hindi na healthy, hindi na wholesome... :(

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.