Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa balak naming gawing awitin ni ekkay

(ang sumusunod na akda ay binabalak kong i-rewrite in verse form para lapatan ng himig ni Ekkay. napansin ko kasi na medyo may rhyme. at matagal na rin naming plano na mag-compose ng awitin. inspired ng "Hawak Kamay" ni Yeng at ang istoryang ito.)

(pang first stanza:)
so... i guess this is it; panahon na ng paghihiwalay. simulan na ang mga pormalidad ng shake hands at beso-beso. magpalitan na ng kaswal na mga: "Sige, mauna na ako."

(pang first refrain:)
hindi naman ito bangin o dead end na kalsada. malayo pa ang lakarin; hindi nga natin matanaw ang dulo ng lakbayin. pero dito at ngayon, tinatapos mo na ang biyahe. sa pagsama ko sa iyo ay nagpapasalamat ka na. pinayayaon mo na ako sa mga salitang: "Ingat ka..."

(pang second stanza:)
actually hindi pa ako pagod sa pagliliwaliw natin. makakalakad pa ako ng marami pang kilometro. pero pagod ka na, hindi sa layo, kundi sa kasama mo.

(pang second refrain:)
hindi maikakaila ang mga pagsisikap ko. na sa iyo'y makasabay din; masakyan ka sa sa iyong bagal o tulin. pero dito at ngayon, tinatapos mo na ang biyahe. sa pagsama ko sa iyo ay nagpapasalamat ka na. pinayayaon mo na ako sa mga salitang: "Ingat ka..."

(pang third stanza:)
tinatanong kita, at may sarili kang dahilan. mga cliché na: "It's not about you, it's about me." "Somewhere down the road, if we meet and still free, then it's meant to be."

(pang third refrain:)
ikaw, may gustong puntahan. pero pano naman ako? di ko alam kung san ako tutungo. pero dito at ngayon, tinatapos mo na ang biyahe. sa pagsama ko sa iyo ay nagpapasalamat ka na. pinayayaon mo na ako sa mga salitang: "Ingat ka..."

(pang bridge:)
sa paglalakbay mo para hanapin ang mga nawawalang piraso ng iyong pagkatao, sana nama'y huminto ka sandali, alalahanin ang mga sandali nang sabay tayong bumabaybay. sana masumpungan mo di lamang ang sarili kundi ang isa na handang sumunod sa iyo nang walang pasubali saanman at habangbuhay. at ako? wala na akong hahanapin sapagkat alam ko na na wala na akong pipiliin upang lumigaya kundi ang habulin at sundan ka mapa-saan pa.

(pantapos:)
so... i guess this is it. pinayayaon mo na ako sa mga salitang: "Ingat ka..."

(syempre pa, kelangan pang i-polish ang sukat nito para magkaroon ng pattern at para mas madaling lagyan ng musika. dapat iayos ko pa rin ang rhyme pattern. pero ang message, sa tingin ko ok na.)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.