Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa isa pang Panget

room mates sila, kaya kailangan pa nilang tiyakin kung sino ang tinutukoy ko kapag sumisigaw ako ng "Panget!" kapag napapadaan. pero iba siya. iba pala siya.

kung pagmamasdan ay hindi siya naiiba sa ibang babae. isang tipikal na kolehiyala na masaya, makulit at ma-gimik. hindi miminsan na kaming ginulat ng vavavoom niyang kagandahan, kapag nagtotodo siya ng pagporma, kapag "trip" niya lang.

pero maiiba ang persepsiyon mo sa kababaihan kapag nakilala mo siya. binabasag niya ang steryotipikal na pagtingin sa female gender bilang delicate at alagain. hindi mo maiisip na she can get down and dirty kapag kailangan, at na ikaw pa ang ipagtatanggol at aalagaan sa panahon ng panganib. sa totoo lang, kapag lahat ng babae ay naging katulad niya, mawawala ang machismo at ang patriyarkal na lipunan sa alaala.

hindi, hindi siya nagwawala. matapang siyang sumusugod gamit ang talas ng isip subalit ang pananggalang niya ay puso. hindi ka maniniwala na ang isang katulad niya ay isang beterano na sa labanang tinatawag na pag-ibig. matagal na siyang nakipagbaka (at nakikipagbaka) para sa damdamin niya. kahit hindi pa siya (ever) naging taken. at kahit pa hindi karapat-dapat kung tutuusin ang kanyang pseudo boyfriend.

don't get me wrong. hindi pa siya naigugupo.

oo, napakarami talagang kontradiksiyon sa taong ito, sa taong ito na ipinagmamalaki kong minsan kong nakabangga at nakasama sa pagtahak sa buhay. btw, hindi nga pala siya panget, kundi napakaganda. at tiyak na lalong gumanda ang mundo dahil narito siya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.