Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa pagyayabang sa fx at mga aral nito

nakakabadtrip kapag ang katabi mo sa fx ay sobrang show off at tumitingin pa sa 'yo from time to time, na para bang nagahahamon.

maglalabas ng mp3 player at maghe-head bang sa tugtog na jologs, na naririnig mo sa sobrang lakas. titingin sa G-Shock na relo (duh???). at higit sa lahat, ilalabas ang cellphone na kung ilang dekada na mula nung sumikat, sasagutin ang isang "tawag" matapos marinig ang message alert tone.

ewan ko ba. noon naman e pasensyoso ako sa mga ganito. ayokong bumaba sa kanilang level. pero kanina, nakakabadtrip lang talaga. isang lalaking kaedad ko siguro ang kasama ng kanyang batang-bata ring asawa at anak na sanggol. at pagkatapos, (read second paragraph). kung wala nga siyang anak at asawang kasama ay iisipin kong holdaper siya na naghahamon para ilabas ko ang mga gamit ko, para magnakaw. pero dahil mukhang hindi naman, at dahil asar na talaga ako...

inilabas ko ang mp4 player ko at nanood ng video ng pamangkin ko. tumingin ako sa Fossil kong relo na nag-iiba ng kulay. at nagtext ako gamit ang cellphone kong may handwriting recognition.

nang gawin ko 'to (obvious namang panis sya, 'no!), nag-iba siya ng strategy. kinarga niya ang anak niya. hinalikan. kinulit. hinalikan din niya sa noo ang asawa niyang nakangiti. tuwang-tuwa siyang nakinig sa pag-"Papa" ng kanyang bunso.

talo ako.

wala man sa kanya ang lahat ng kayamanan sa mundo, taglay niya ang pinakamahahalagang bagay sa buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kalayaan at limitasyon sa pamamahayag

Madalas na itinutumbas ang demokrasya sa kalayaan. Iniisip tuloy ng iba na dahil nasa demokrasya tayo, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Pero hindi ganun. Meron pa ring mga limitasyon. Naaalala ko pa ang pagpapaliwanag dito ng guro ko noon sa UP. Ang mga pamahalaan daw ay mga magulang, at tayo ang mga anak na naglalaro sa bakuran. Ang mga gobyernong mahigpit ay gaya ng mga magulang na hindi pumapayag na maglaro ang kanilang mga anak, anupat pinagbabawalan pa man din silang lumabas ng bahay. Ang demokrasya naman ang katumbas ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak na malawak nilang bakuran.  Pero meron pa ring bakod. Meron pa ring mga limitasyon. Bawal pa ring maglaro sa tabi ng kalsada dahil baka masagasaan. Bawal pa ring maglaro ng apoy o ng matatalim na bagay dahil baka masaktan at makasakit. Ang kalayaan ay may kaakibat na tiwala na magiging responsable pa rin ang pagkilos ng mga binibigyan ng kalayaang iyon.

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.