tungkol sa tamang panahon (para kay stephanie at kay phoebe at sa lahat ng nag-aantay)
lahat ng bagay ay may sarili nitong panahon.
hindi ako naniniwala sa tadhana, pero naniniwala akong totoo ang naunang pangungusap na ito. may tamang panahon para sa pagdating ng mga bagay, inaasahan man o hindi.
sa tingin ko, subconsciously ay inihahanda pa natin ang sarili natin kaya hindi pa nagaganap ang ilang mga bagay na inaasahan natin. nag-iipon tayo: ng lakas ng loob, ng panahon, ng pera, o ng kung anu-ano pang mga bagay na dapat ipunin. nag-aantay tayo: ng tamang timing, maganda at madaling pagkakataon. ito ang dahilan kung kaya hindi pa naisasakatuparan ang mga balak natin.
pero darating ang panahon, hindi na natin makakayanan ang pagdadala sa mga inipon natin; mapupuno na tayo. hindi na natin mahihintay ang mas maganda pang panahon; mamadaliin na tayo ng nalalabing oras. pipilitin tayo ng pagkakataon na ilabas ang mga bagay na itinago natin. sa panahong iyon, gagawa na tayo ng hakbang. unti-unti man o biglaan, maisasagawa na natin ang ating mga plano, ang ating mga pangarap.
pero hindi natin dapat makalimutan na hindi lamang tayo ang nagnanais umabot sa isang pangarap. at hindi lang tayo ang nabibigyan ng ating sariling panahon sa pagsasakatuparan ng mga bagay-bagay. lahat ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. at para sa iba, mas madali ang pag-iipon at ang pag-aantay. kaya kung minsan, nauunahan tayo sa pag-abot sa ating nais.
kaya bagamat hindi naman natin dapat madaliin ang mga bagay-bagay, hindi rin naman tayo dapat magmabagal sa buhay.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento