tungkol sa mga larawan na pumupuno ngayon sa aking desktop: mga larawan ng masasayang lumipas, mga ikinuwadrong pagkakataon at kahapon, mga mukha ng n
dahan-dahang sumikat ang pebo sa silangan.
ang mainit na simoy ng hanging abril ang nagpadilat sa aking mga mata. tirik na ang araw. nagsasabog ito ng gintong liwanag na pumupuno ngayon sa maliit na sala.
alas-otso na pala. ilang oras din akong nakatulog sa sofa. sa pagbalikwas ko ay saka naman dumapo ang isang maya sa nakabukas na bintana, itinagilid ang kanyang ulo sa isang anyong nagtataka. hindi ko siya masisisi. maging sino man marahil ay maguguluhan sa aking anyo - pagod, puyat, at para bang napakaraming ginagawa sa panahong lahat na yata ng estudyante’y nagpapahingalay.
lalo pa kung iisipin na ako’y nakatakdang magtapos sa susunod na ilang mga araw.
nakakapagtaka. nakakatawa pa nga kung iisipin. subalit sa kabila nito’y heto pa rin ako, pinipindot ang buton upang buksan ang computer, muling gagawa, muling magtatrabaho.
pero para mapaiba naman, ipinasiya ko munang magmasid sa mga larawan na pumupuno ngayon sa aking desktop. mga larawan ng masasayang lumipas. mga ikinuwadrong pagkakataon at kahapon. mga mukha ng nagdaang nalimot.
at naroon ka. ang iyong mukha (na sabi ni george ay "hindi kagandahan" at sabi ng isa ko pang kaibigan ay "simple") na matagal ko ring di namalas. ang iyong pormang kakaiba. ang ngiti mong sa loob ng ilang panahon ay nagpapaningning sa aking bawat umaga, nauuna sa tawa mong lumulunod sa aking kaluluwa. haay. isang di kalayuang kahapon.
hindi mo siguro alam ang naging epekto mo sa aking buhay. hindi, hindi mo alam. hindi mo alam na sa ating pagwawalay ay nabawasan ang hininga ko. hindi mo mawawari na di miminsan kong pinangarap na ibahagi sa iyo ang aking mundo; isang mundong kapag wala ka’y napupuno ng pasakit. hindi. hindi mo maaaring mapuna.
paano’y ako mismo ay kailan lang nakapansin sa mga bagay na ito. kakatwa. gayong ilang panahon na tayong nagkakawalay.
hinanap ko sa friendster ang iyong mukha. inalam ko kung ano na ang nagaganap sa iyo sa kasalukuyan. tinangka kong hagilapin kung may bahagi pa ba ako sa mga pagbabago sa iyo.
binalikan ko ang mga sulat mong elektroniko. mga proyekto, mga litrato, mga kung anu-ano. binilang ko ang naging pagbanggit mo sa pangalan ko. inihahabi ko sa isip ko habang kunwari’y binibigkas mo ito. matamis. at mapait.
maaari man lamang ba kitang masilayan?
sa kalye at tindahan ay nag-aabang. maging sa sunken at sa paradahan. baka naroon ka. baka makita pa.
subalit ako’y bigo.
sa ngayo’y nagmamartsa na ako patungo sa pagtatapos. magmamartsa na ako sa bulwagang quezon sa susunod na linggo. magpapatuloy ang martsa ng buhay mo at buhay ko.
subalit tinitiyak kong saan man ako dalhin ng panahon at pagkakataon, magbibigay-daan ako sa paghinto at pagbabalik-tanaw. tiyak na ika’y di mababaon sa limot.
at habang sinisimulan ko na ang paglinis sa aking desktop, mula sa mga larawan ng masasayang lumipas, mga ikinuwadrong pagkakataon at kahapon, mga mukha ng nagdaang nalimot, tinitiyak kong hindi madamay ang larawan mo.
muling umihip ang tuyong hanging abril.
pinupuno pa rin ng gintong sinag ni pebo ang sala.
pinalalabo ng namuong luha ang imahe ng nilinis kong desktop.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento