Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa pagbuo ng mga bagay-bagay

 Mag-lolo nga talaga sila.  Sa loob ng bahay, abalang-abala ang apo sa paggawa ng palaruan para sa kaniyang mga laruan. Ito ang ideya niya ng slide , gamit ang magnetic tiles na binili ng Mommy niya.  Samantala, sa labas, ang lolo niya ay abalang-abala sa pagliliha sa kabinet na ilalagay namin sa kusina. Tumitigil siya kapag madilim na sa labas, saka winawalisan ang sahig sa labas at pinupunasan ang mga tabla.  May kakaibang saya talaga kapag nakakabuo ka ng mga bagay-bagay. Noong bata pa ako, naaalala kong bumibili si Mama ng mga tiles na katulad ng ginagamit ni Stacie ngayon (pero hindi nga lang  magnetic  kundi may pangkabit na mga plastik na edges ) mula sa Tupperware. Bumubuo kami ni Yeye ng mga laruan, at madalas akong gumagawa ng mga de-gulong na trak. Dahil nabanggit ang trak -- mahilig din akong bumuo ng mga landscape art (sa pananaw ko bilang bata), mga binuo mula sa mga bato at putik at madalas na may nakatanim ding mga halaman.  Pero noo...

tungkol sa pagmamaneho para bumili ng pagkain nang gabing-gabi

  Paisa-isa nang nagsasara ang mga pamilihan at restawran. Makikita mo ang mga huling empleyado na ikinakandado ang panlabas na halang. Ang iba ay hinihintay ng kanilang sundo, ng kanilang asawa, na nakaparada ang motorsiklo sa gilid ng kalsada.  Pero hindi pa naman talaga malalim ang gabi. Kung tutuusin, ang mga establisamiyentong ito ay bukas hanggang madaling-araw, ang iba'y hanggang magdamag pa nga. Kaya ano ang alas-diyes kung ihahambing sa dating oras ng pagsasara na iyon? Kung ang pagbabatayan ay ang mga kalagayan noon, tila ba maaga pa ang alas-diyes o alas-onse pa nga.  Pero hindi na parehas ang mga kalagayan noon at ngayon. Ngayon, ang banta ng epidemyang mabilis na kumalat ay nagpabago, nagtiwarik, wika nga, sa tibok ng pulso ng matandang Maynila. Ang dating di natutulog na lunsod ay napilitang huminto, magpahinga, at magtago. Ang di magkamayaw na buhos ng mga tao, sasakyan, at serbisyo, gaya ng mga selula ng dugo na noon ay mabilis na pumapaikot, ay bumag...

tungkol sa mga tagpo mula sa kabundukan

Ngayon ko lang napagtanto na halos buong buhay ko pala ay nakatira ako sa kabundukan. Lumaki ako sa mabundok na Antipolo, na kilalang puntahan ng mga turista para sa “overlooking”, ang magandang tanawin ng mga gusali ng Metro Manila (medyo malayo kami at mas mababa ang lokasyon sa dakong ito, pero nasa kabundukan pa rin kami at may gayong mga tanawin pa rin sa ilang bahagi ng paglalakbay patungo sa lugar namin). Pumapasok ako noon sa mga paaralan sa Marikina, ang lambak na nasa katabing bayan, kaya naging pangkaraniwan na ang paakyat na mga kalsada at bangin pauwi sakay ng jeep. At hindi na naging kamangha-mangha sa paningin ang matatayog na gusali, na mailaw sa gabi.  Ang mga gusali ng Maynila mula sa kabundukan ng Antipolo. Noong pansamantala akong tumira sa Dresden, saka ko hinanap ang mga magagandang tanawin mula sa itaas ng mga kabundukan. Hindi miminsang nilalakbay ko ang mga kabundukan ng Elbe Sandstone Mountains patungo sa Bastei, isang sinaunang bastion  sa itaas ng m...

tungkol sa di pa naitutuloy na konstruksiyon

Para maiba naman, sinubukan naming lumabas ng bahay patungo sa mga itinatayong bloke ng mga bahay sa tapat namin. Hindi naman kasi gayon ka istrikto, basta nasa loob lang ng subdibisyon namin. Ang totoo, mga parang at damuhan ang nasa harapan namin kung saan itinatayo ang mga bagong bahay, at wala naman talaga kaming makakahalubilong mga tao.  Lalo pa’t mahigit isang buwan na mula ngayon nang tumigil ang mga nagtatrabaho sa konstruksiyon. Kitang-kita ang mga bakas na iniwan nila ang kawalang-kasiguraduhan ng kanilang pag-alis. Nariyan ang mga scaffolding  na hindi man lamang naisalansan. Mga hinukay na pundasyon, na unti-unti nang muling natatabunan ng nagdaang mga pag-ulan. May naiwan pa ngang bareta at martilyong walang hawakan, maliban pa sa nagkalat na mga alambre at pinutol na mga bakal.  ***** Gaya ng marami, ang mga trabahador na ito ay hindi rin naging handa sa biglaang pagdedeklara ng quarantine  sa buong pulo. Marami sa mga nagtrabaho rito ...

tungkol sa katahimikang dala ng kuwarantenas

Lalo pang naging kakila-kilabot ang madilim na mga kalyeng paliku-liko sa mga kakahuyan na bumabagtas sa mga kabundukang pauwi sa amin. Nakadagdag sa lagim ang nakabibinging katahimikan. Ni walang kaluskos ng tsinelas o arangkada ng makina na pumapailanlang; aba, kahit ang mga balang at kuliglig ay walang huni! Gaya ng mga eksena sa mga thriller  na pelikula, wari bang anumang sandali ay may hahablot sa iyo patungo sa kapahamakan. Naihatid ko na ang ilang pangangailangan ng kapatid ko. Walang checkpoint  ng militar o barangay sa mga kalsada sa pagitan ng mga bahay namin, kaya malaya akong nakalabas kahit tapos na ang curfew . Naka-kuwaratenas ngayon ang lahat, pinuwersa ng pamahalaan na manatili sa mga bahay para hindi mahawa at makahawa ng sakit na Covid-19. Kaya naman anumang bakas ng mga tao at transaksiyon ay matagal nang napawi; hayun, ako at ang kotse ko ang tanging naiwan sa kanto. Siyempre pa, hindi naman talaga mapapawi ang ingay at gulo; kadikit na yata ito n...

tungkol sa pagbibiyahe sa Maynila

Ang Maynila ang pinakamatandang lungsod sa kabisera. Kaya napakaliit na ng pagkakataon para paluwagin ang mga lansangan o baguhin ang mga bloke nito. Dumating na ito sa punto na hindi na nito masasabayan kailanman ang paglago ng bilang ng mga sasakyan sa pagdaan ng panahon. At ito rin ang nasa pinaka-kanluran. Na pinakamalayo sa isang taong tulad ko na nakatira sa silangan (kakatuwa, ang mismong pangalan ng aming barangay ay: Silangan). Ano, at saan? Lakad? Pribadong sasakyan? Tren? Motor o van?  Ang totoo, walang iisang solusyon sa napakasalimuot na problema ng transportasyon sa Maynila. Kadalasan nang nasusumpungan ng mga namamahala ang kanilang sarili na pinaghuhugpung-hugpong ang maliliit na mga pamamaraan, umaasang magdudulot ng pangmalakihang kaginhawahan. Pero madalas na hindi rin naman nagtatagal ang mga bunga nito, kung mayroon man. Kaya gayon din ang istorya ng pagbibiyahe ko patungong Maynila araw-araw. Nariyang pagsama-samahin ang magkakaibang mga pamamar...

tungkol sa mga panaginip ng anak ko

Tumagi-tagilid siya at tumiwarik. Pero hindi pa siya dumidilat. Ayaw pa niyang gumising.  Madaling-araw na rin kasi bago matulog itong bulinggit ko. Madalas na dahil sa paghihintay sa akin, kaya silang dalawa ng Mommy niya ay nagsasakripisyong manatiling gising kahit alas-onse na ng gabi. Pero sa bata, hindi naman talaga ito sakripisyo; kapag mas late  matulog, mas matagal pa siyang maglalaro! Aabutan ko na lang siya na “pinapakain” at “pinapatulog” ang kaniyang mga manika.  Pero kapag malikot na siya sa umaga, alam mo na. Nag-aagaw na ang diwa niyang gusto nang bumangon at ang katawan niyang ayaw pa. Diyan siya pinakamalikot.  Pero ngayon, hindi lang ang katawan niya ang malikot. Pati pala ang isipan. Nakapikit pa siya nang bumulalas: “Nasira siya!” At dahil halos gising na rin ang diwa ko noon, tinanong ko siya. “Ano yung nasira?” “Si Spiderman,” tugon niya, ngayon ay nanlalaki na ang mga mata sa pagkasabik. “Nasira si Spider...