Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2009

tungkol sa maliwanag na mga hapon

ngayong bakasyon, habang nakaupo at walang ginagawa tinatamad magtrabaho, bumabalik ang isipan ko sa mga pangyayari noong bata pa ako, kung saan walang nakakabagot na hapon at walang panahon para mag-isip kung ano ang kailangan o pwedeng gawin. nakakalungkot, wala na ang gayong mga hapon, at hindi ko alam kung ang mga anak ko at apo ay magkakaroon pa ng gayon. kaya heto, habang nakaupo at walang ginagawa tinatamad magtrabaho, balikan natin ang aking (ka)hapon. ***** lumaki ako ginugol ko ang aking kabataan sa maburol na antipolo, sa malawak at matatarik na mga dalisdis na tumatanaw sa batis sa ibaba. lumakad ako sa mga daang malilim, hindi dahil sa bubong o waiting shed, kundi dahil nasa ilalim ng malalabay na dahon ng mga punungkahoy. mga punungkahoy na naghilera - santol, sampalok, ratiles, mangga - na hindi pinili ng tao kundi itinanim ng kamay ng Diyos. maraming dahilan noon kung bakit ko pinipili ang hapon ( ito o), pero ngayon, tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon na ba...

tungkol sa panahon ng pasko at bagong taon

tama si sir chris. hindi naman kailangan ng espesyal na okasyon para samyuin ang mabangong bulaklak o ipagbunyi ang pagsikat ng bawat araw sa umaga. pero para sa maraming tao, kailangan ang isang takdang panahon para huminto mula sa karaniwang mga gawain at ipagpasalamat ang mga pagpapalang dumating sa buong taon. kaya marahil nasa dulo ng taon ang pasko, at agad na sumusunod ang bagong taon. hanggang ngayon ay tuwang-tuwa pa rin ako sa katotohanang eksaktong isang linggo ang pagitan ng dalawang selebrasyong ito, anupat sa parehong araw sila pumapatak. higit pa sa pagpapasalamat, mas mahalaga ang pag-asam kung kaya naging isang mahalagang bahagi ito ng tradisyong Pilipino. ang pagdaraos ng isang pagdiriwang sa dulo ng taon ay magbibigay ng pag-asa sa marami, na, sa kabila ng mahihirap na panahon at kalagayan, darating ang isang masayang okasyon, bubuti rin ang mga kalagayan, babait din ang mga tao at magiging mapagbigay. pero kung tutuusin, dapat naman na araw-araw ay punuin natin ...

tungkol sa badminton nang gabing-gabi

ang (dati nang) pagiging masakitin at ang (bago pa lang na) pagtaas ng timbang ang siyang nakakumbinsi sa akin na kailangan na talaga ng aking katawan ng ehersisyo at/o iba pang pisikal na aktibidad. hindi ako mahilig sa aksiyon. mas mamabutihin ko pang maghapong humarap sa computer o matulog kung wala namang ginagawa. kaya hindi ako nahilig sa isports o iba pang pisikal na libangan. kung may pinakamalapit sa pisikal na aktibidad na nagugustuhan ko, ito marahil ay paglalakad-lakad, o pagbibisikleta. kaya naman atubili akong sumama sa paglalaro ng badminton na isinaayos ni Faith, kaibigan ni Steph (na ipinakilala sa kanya ni Phoebe). ikinatuwiran ko sa sarili ko na dapat ding makisama ni Steph sa ibang mga kaibigan, pero sa totoo'y tamad (o takot?) lamang ako na pagpawisan. marunong naman ako kahit papaano, pero hindi naman ako magaling. bukod pa rito, marami naman siguro sila, at hindi naman malaking bagay ang hindi ko pagpunta. bandang huli, pumayag na rin ako nang malamang ...

tungkol sa pagtatapos ng klase

pansamantalang magtatapos ang mga klase sa linggong ito. at sa enero pa ito muling babalik. di tulad ng una, ang ikalawang semestre ay nagbibigay ng panahon para makapagpahinga ang mga mag-aaral at mga gurong tulad ko. kung minsan, ang pag-asam ng pahinga ay isang bagay na mas mahalaga kaysa sa pahinga mismo. ang pag-asam sa bakasyon ay makapagpapalakas sa mga estudyante na gawin na ang lahat ng makakaya, ibuhos na lahat, yamang ilang araw na lang ang natitira ay darating na ang maligayang panahon, ang panahon ng pagpapahingalay. bakit naman kailangan ang mahabang pahinga tulad ng bakasyong ito sa kapaskuhan? sa isang mahabang bakasyon, darating ang panahong mauubusan na ng gagawin ang isa, kaya aasamin na niyang muli ang pumasok at muling magsikap. habang hinihintay ang susunod na bakasyon.

tungkol sa mga dekada at musika

isinaayos ko ang mga awitin sa aking cellphone ayon sa dekada. siyempre pa, ang 60's ang paborito ko. ito ang dekada ng beatles. sa paulit-ulit na pakikinig sa mga album nila, nasusurpresa ako na meron at meron pa rin talagang "bago" sa pakinig, isang kakaibang kanta na kagigiliwan ko sa mga susunod na araw. ilang libong minuto na kaya ang nagamit ko sa pakikinig sa mga kanta nila? kamakailan, sa gateway mall, nang mapadaan kami ni steph sa tabi ng booksale, nakita ko ang maliit na poster na nagbabalita tungkol sa re-packaged na compilation nila. 13,000 piso lang naman ang 16 na album. kaya hihintayin ko na lang na i-regalo sa akin ito ni Grace pag-uwi niya mula sa UK. at magsasawa muna ako sa koleksiyon kong kinumpleto pa ng mga na-download ni Ekkay. sa 70's, wala akong masyadong kanta. mga indibiduwal na kanta ng mga ex-beatle lang ang meron ako, pinaghahambing ang estilong rebolusyonista at aktibista ni john sa romantikong mga himig ni paul. ang 80's an...

tungkol sa pag-download ng mga kanta ni Barney

Iba talaga ang mga bata. Hindi ko maintindihan kung bakit ang pamangkin kong dalawa't kalahating taon ay nahuhumaling kay Barney. Gaya rin ng iba pang bata. Purple na dinosaur, na babading-bading kumilos - ganyan ko nakikita si Barney. Sa pananaw ng isang matanda, napaka- silly ng ideya na magsasayaw-sayaw sa park o sa tree house. Hindi ito mangyayari sa totoong buhay. Kung mangyari man, alam na kung ano ang kalagayan ng isip ng gagawa nito - kung hindi man maluwag ang turnilyo ay papansin. Pero sa mga bata, iba ang pagtingin sa mundo ni Barney, at kay Barney mismo. Hindi lang si Kyla ni ate at Neo ni Sir Chris ang sasang-ayon ( well , hindi mo sila matatanong, pero ang kanilang pagpadyak at pag-indak sa saliw ng musika ni Barney ang magpapatotoo nito) na may dalang kasiyahan - hindi, GALAK - ang pag-indayog ng malaking purple na dinosaur habang niyayakap ang mga kalaro niyang bata sa isang makulay na farm. Simple lang: si Barney ay isang kalaro, isang mabait na kalaro, na...

tungkol sa pagpapadala ng pagbati nang hatinggabi

Kagabi iyon, gabi ng lunes. Armado ng cellphone na kargado ng ETXT load, sinubukan kong mambulabog ng natutulog na mga kaibigan, malayo't malapit. 11:41 pm ang tala ng orasan nang magpalipad ako ng isang simpleng "gnyt :)" sa ere. Biglaan iyon at walang paalam. Napa-"wow" tuloy si Glai, na siyang unang nagbalik ng pagbati. Makalawang ulit nagtext si Steph; ano't gising pa ako't nagte-text pa, magpapalit na ng araw. Muli akong nagpahatid ng "gnyt :-*" sa di-nakikitang mga "kawad" ng Globe. Isa, dalawa, makaitlong nagparamdam ang telepono. Ang una'y pahatid na paubos na ang kanyang baterya. Ikalawa'y ang tunog na kaakibat ng pagsaksak ng charger. Ang huli, isang alarm na di-kawastuang nai-set. Ang mga segundo ay naging mga minuto; tumakbo ang mga oras na walang balik-mensahe akong natatanggap. Hanggang sa ako'y makatulog. Paggising ko kinaumagahan, siyempre pa't naroon ang mga text ni Steph na hindi pumapalyang m...

tungkol sa dapat mong gawin pagkatapos ng graduation

ang inyong pagtatapos ay hindi siyang katapusan kundi isang panimula. cliche. sa tulad kong limang beses nang nagtapos (prep, elementary, high school, BS, at MS), makailang libong ulit ko nang narinig ang mga salitang ito, hindi lamang mula sa mga magulang, graduation guest speakers at mga guro kundi maging sa mga kaklase at ka-batch ko mismo. maraming dahilan kung bakit sinasabi ito ng maraming tao sa maraming iba't-ibang paraan ganitong mga pagkakataon. ito ang ilan sa mga ito. una, kadalasan na, hindi pa naman talaga tapos ang "paglalakbay" ng isang tao tungo sa akademikong tagumpay sa panahon ng graduation. nang sabihin ito ng teacher ko sa Child Development School, alam niyang papasok pa ako ng Grade 1 sa Marikina Elementary School, at bagamat hindi niya alam kung saan, alam niyang magtatapos pa akong muli sa haiskul (sa dating Marikina Institute of Science and Technology) at kolehiyo (sa UP). baka pinangarap din niyang makita akong magtapos sa MS (na natupad n...

tungkol sa mga kuwentong itinuturo sa iyo ng pagmamahal sa taong hindi ka/mo mahal

pumili ka ng isang random faculty member sa NIP ngayon at tanungin mo tungkol sa lovelife. siguro 90% of the time makakarinig ka ng kuwentong "unrequited love". yung iba nga, kapuwa faculty member pa ang sangkot sa istorya! at marami ang hindi pa tapos - kasalukuyang nasa ganitong estado. kasama ako sa 90%. kapuwa faculty member din ang sangkot (alam na niya kung sino siya). pero i'm proud to say na sa kaso ko ay tapos na ang (malungkot na) kabanatang iyon ng aking buhay, at kapuwa na kaming maligaya sa aming kani-kaniyang pag-ibig. dahil sa huling nabanggit, sa palagay ko ay may karapatan at kakayahan na ako na magpayo sa mga taong nasa ganitong kalagayan. sa katunayan, napayuhan ko na ang isang tao (kilala na rin niya kung sino siya). ito ang ilan sa mga puntong gusto kong ilahad may kinalaman sa pagmamahal sa isang taong hindi ka mahal: ang sabi nga sa Bible, ang puso ay mandaraya. marami sa atin, kapag na-inlab, ang nag-iisip na "Siya na!" at binubuod ...

tungkol sa UPPAg-ibig at pag-awit sa kasal

O pag-ibig na labis ang kapangyarihan Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw! Kapag ikaw ay nasok sa puso ninuman Hahamakin ang lahat masunod ka lamang mula iyan sa Florante at Laura ni Balagtas. kung tama ang pagkakaalala ko, iyon ang parte kung saan inilalahad ni Adonis ang kanyang kuwento kay Laura: kung paanong ang kanyang malupit na amang Moro ay umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. pero sa NIP, ang unang dalawang salita ay pinagsasama tuwing Pebrero para sa isa sa pinakamasayang event na isinasagawa ng UP Physics Association (UPPA), and org na pinanggalingan ko. ang UPPAg-ibig ay isinasagawa taun-taon. dito sa aktibidad na ito, isang pares na lalaki at babae (well, so far puro pa naman sila lalaki at babae) ang kunwang ikinakasal ng isang kunwang pari. kumpleto ang seremonya at reception; may wedding singer pa nga at reception. sa UPPAg-ibig naikasal sina phoebe at christian alis; sina alnon at jan; at nitong nakaraang taon, si felix at si mikki. siyempre pa, lagin...

tungkol sa pakikipag-usap sa mga kaibigan

nagkaroon ako muli ng pagkakataong makausap nang sarilinan ang mga pinakamalalapit na tao sa akin sa NIP. may kung anong pumasok sa utak ni ekkay. kung boredom man o depression ay hindi ko alam. basta ang alam ko, nitong weekend ay namili siya ng pagkarami-raming aklat ("hindi basta-basta na mga books," ayon sa kaniya) at sandamakmak na dvd. makailang ulit na niya akong pinipilit na manood ng slumdog millionaire (kahit pa sinabi ko nang binasa ko na ang synopsis sa wikipedia). nawala ang antok ko sa mga kalahating oras naming daldalan tungkol sa nasabing pelikula at sa mga aklat ni malcolm gladwell. ako? wala namang kakaiba sa buhay ko ngayon. sa kawalan ng maikukuwento ay napagdiskitahan na lang namin ang mga estudyante ko sa recit, hayun at nagmamadali sa pagsagot sa mga problems galing sa university physics. saka namin naisip: napakahirap nga naman ang maging estudyante sa kolehiyo. hindi na namin mawari kung paano namin nilagpasan ang 18 units ng math, physics...

tungkol sa kulitan at kapihan tuwing lunes

isa lang ako sa mga regular cast; napapalitan linggo-linggo ang mga kasama, lalo na ang mga bata. pero pagkatapos ng seminar, tiyak na ang eksena: paglabas ng instru ay maghihintayan na iyan sa pool side at sabay-sabay lalakad ang grupo ni sir chris para magkape sa cordillera coffee sa vargas museum. sumuweldo na kaming lahat, nabili na at na-reimburse ang lahat ng kailangan, pero hindi pa nauubos hanggang ngayon ang pera mula sa research project ni sir chris. kahit pa may isang papel na itong nailabas (at dalawa pa ang nakahanay at nirereview ngayon), hindi pa rin tapos ang proyekto kapag hindi pa nauubos ang pera. kaya hayun, bilang bonus para sa masisipag na mga mananaliksik (kami yun!), may libreng kape ang buong grupo pagkatapos ng seminar kapag lunes. iniipon ni irene ang mga resibo; magpapatuloy ang grasya hanggat hindi pa umaabot ng limampung libong piso (spelled out para mas ma-emphasize!) ang bayarin namin sa vargas. sa pangunguna ng "alpha male", si sir chris m...