Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa NIP graduation ceremony

paulit-ulit kong ibinubulong sa sarili: "the worst is yet to come. you aint seen nothing yet."

alas-diyes na ng umaga nang dumating ang text ni ekkay. magdala daw ako ng barbeque. iyon daw ang nakatakda para sa akin na dalhin mamayang ala-una ng hapon.

doon ko naalala: graduation ceremony pala ng NIP ngayon.




ang pagpapakain ng mga magtatapos sa graduation ng NIP ay isang tradisyon na matatawag na "paggigisa sa sariling mantika." sa pagkakaintindi ko, dumarating ang mga tao upang ipagpugay ang maluwalhating pagtatapos ng isang tao. pero ang nangyayari sa NIP graduation, ang mga magtatapos ang nagkakandakumahog sa pag-aasikaso at paghahanda upang ang mga darating ay magkaroon ng isang komportableng pananatili. para bang baliktad.

sa kaso ko, ang paghahanda ng #?! barbeque ay nagpangyaring bumalikwas ako mula sa kama at agad na maligo at magbihis. tinungo ko ang suki ni sir chris sa hardin ng bougainvilla para magpahanda ng 50 pirasong barbeque. 550 pesos ang damage, at wala pa noon si issa na dapat sana'y kahati ko. dahil dumating ako ng alas-onse, at sinabi nilang may sapat pang panahon para kunin ko ang order sa bandang ala-una.

walang kain-kain, tinungo ko naman ang shopping center para bumili ng mga kakailanganin para ayusin ang sarili. hello, graduation kaya ang pupuntahan ko kaya dapat na maayos man lang ang itsura. bumili ako ng panlinis sa mukha at pabango para magmukhang presentable para sa dumarating na seremonya. nang mapadaan sa maroons ay bumili ng payong, "mahirap na," ang sabi pa sa sarili.




pagsakay ko sa ikot nagsimula ang kalbaryo.


nagsungit ang panahon. galit na galit pa nga. inulan nang todo-todo ang bubong ng ikot, at nang hindi na niya ito kayanin, ay tumulo ang maputik na patak -- saan pa -- sa pantalon ko.

nananalangin akong matigil na sana ang delubyo, subalit may ibang plano ang langit at lalo pang bumuhos ang luha nito. pagbaba sa hardin ng bougainvilla ay gamit na gamit ang bagong payong, agad na nasubok ang katatagan sa gitna ng dumadaluyong na bagyo.

matapos maghintay ng mga limang minuto, umaasa akong may daraan man lang na jeep o kahit traysikel. mas madalang kasi ang taxi. ayaw ko naman (sana) na maglakad sa gitna ng ulan. pero wala ni anuman. nakailang ikot na ang bumubusina sa akin, para bang pinipilit akong pabayaan na lang ang order ko. pero hindi. kailangan itong maihatid. ala-una...

nilakad ko ang buong kahabaan ng daan papasok sa hardin. nakailang talsik mula sa mga kotse ang aking pantalon. at nakailang tapak sa lawa-lawaan ang aking sapatos. ubos ang epekto ng facial wash sa pagpapawis ng mukha, at nawalan ng bisa ang pabango dahil sa pawis sa katawan.

sa tapat ng pinto ng row houses, humina ang ulan, para bang kuntento na sa pambabasa at pagpapadumi sa akin.

at may dumaang jeep na papasok.






"the worst is yet to come."

pagbungad ko sa pinto ng aking pagkukunan, ni hindi pa nadadarang sa init ang barbeque ko!

itinutusok pa nga ang ilan. katwiran ng tagapagluto, nagdeliver daw muna siya. kaya naman daw -- 15 minuto -- at hindi naman daw ako dapat magmadali. ala-una singko na noon.

pero dahil sa 550 pisong ipinuhunan ko para dito, hinintay ko na ang "15 minutes." ang "15 minutes" ay naging 20... 30...





akala ko naman ay sinagot na ang panalangin ko.

dalawang taxi ang naghatid ng pasahero sa loob ng housing. inabangan ko na ang isa, yamang nakuha na ang isa (ni ma'am sher). pero sa pagbuwelta niya ay dali-dali siyang kumaripas, animo'y walang nakikita.

"tsk," sabi ng tagapagluto. "sayang. kakain siguro."






kaya naglakad na lang ako papunta sa new building. lakad sa harap ng balay chanselor. tawid. lakad sa maputik na daan sa tapat ng math building.

pagdating sa gate ng math building, iniisip ko nang pumasok, pero maputik ang daanan doon dahil may ginagawang bagong building, kaya ipinasiya kong sa labas pa rin maglakad sa gilid ng c.p. garcia, sa harap ng math at asti. siguro'y bukas naman ang gate sa gilid. SANA.











tama ang hula mo. hindi.

kaya nilakad ko pa paikot patungo sa main gate para makapasok sa NIP.




pagdating ko ay nagdarasal pa lang. simula pa lang ng programa! inilapag ko ang barbeque sa isa sa mga upuan sa atrium at yumuko para sa panalangin. para magpasalamat na hindi pa nawawala ang pasensya ko. para humiling na matapos na ang lahat ng mga masasamang bagay na nagkataon namang dumating nang sunud-sunod sa araw na ako'y pararangalan bilang isa sa mga nagtapos sa NIP.

ayun. muntik pa akong matuluan ng katas ng barbeque.












congratulations to all graduates of NIP from summer of 2007 to the second semester of 2008.

the worst is yet to come. you aint seen nothing yet.

Mga Komento

  1. Wah! Crazy day. I'm so sorry about that. :( You forgot pa la. haha. :)
    malas talaga.

    TumugonBurahin
  2. totoo nga pala.. a very bad day ung friday.. sorry.. at least, tapos na :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...