Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa CS recognition program

mas kalmado na ako, at hindi na halos nananabik. sa gitna ng ingay at init ng mga katawang nakabarong o puting saya na nagsiksikan sa lobby ng film institute, naroon ako, noong una'y nasa harap pa ng pila, inip na inip sa tagal ng pagsisimula ng recognition program ng college of science. biniro ko pa ang nakasalubong kong si atchong: "first time mo?"

kasi hindi ko na first time. ikatlong sunod na taon ko nang dumadalo sa graduation, at ikalawa na ako ang aakyat sa entablado. naabutan ko pa ang huling graduation ni dr. rhodora azanza bilang dekano, at ang una naman ni dr. caesar saloma. marami mang nagbago ay higit namang marami ang nanatili; pangunahin na ang mga titik na nakalagay sa entablado: "PAGKILALA'T PARANGAL SA MAGSISIPAGTAPOS NA MAG-AARAL," na makailang libong ulit na yatang ginamit at pinapalitan lang ng taon.

malulubos na sana ang aking inip kung hindi pa umeksena si tons at nagpakuha ng mga larawan. sinabayan ng ulan sa labas ang ulan ng flash mula sa mga camera.

at pumasok na kami sa bulwagan.






pero iba pala, iba ang nararamdaman kung dumalo ka sa graduation hindi lang bilang estudyante, kundi bilang isang guro.

makailang ulit ding nabanggit ang mga pangalan ng mga estudyante na minsan sa kanilang buhay UP ay naturuan ko. cum laude pala si migs barnes. may honors din yata si k9 at si dino, ang groupmates sa electromag laboratory ko na parehong bio majors. at graduate na rin pala si krissy sarmiento.

mas masarap pala na kasabay mong magtatapos ang mga naging estudyante mo. naiimagine ko na lang kung anong satisfaction ang nadarama ng mga adviser yamang sila, higit sa lahat, ang nagpatapos sa mga estudyanteng ito. hindi naman sa inaalis ko ang karangalan mula sa mga magulang -- sila pa rin ang dapat bigyang-pugay sa LAHAT n naging achievement ng kanilang mga anak -- subalit ngayon ko lalong nabigyan ng higit na pagpapahalaga ang papel ng mga adviser sa buhay estudyante.







nang tawagin ang pangalan ko pagkatapos ni rayda, si sir chris ang nasa tabi ko.

siya ang nagkaroon ng karangalan ng pagsasabit ng medalya sa aking pagtatapos.











para kay sir chris, sir johnrob, sir earl, sir saloma, at sa lahat ng aking naging mga guro at tagapayo sa buong pitong taon ng pananatili ko sa UP:

maraming salamat po.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...