Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa age of empires sa figaro

loser ako, age of empires ang paborito kong laruin. ancient cities ang labanan, kasing ancient na rin ng laro. sa panahong ito ng mabilis na daloy ng pagbabago sa teknolohiya, pinili kong huminto sa pagpapatangay at kumapit sa age of empires.

ilang taon ko na rin itong nilalaro pero hindi ko pa rin pinag-aaralan ang cheats. loser.

pirata pa yung kopya ko ng software. tsk... such a loser talaga.






matagal ring naimbak sa desktop ko sa bahay ang daan-daang saved games ko, mga feel-good na laro kung saan isang palaso na lang ang tatapos sa hari ng kalaban. mas nagagamit ko ang c++ at latex nitong nakaraan. pero ngayong bakasyon, at wala pa namang pinagagawa si sir chris, nabalikan ko sila isa-isa, dinuduro pa ang computer sa bawat panalo.





at nang magkita kami ni steph sa emerald noong martes, tumambay ako sa figaro at nagsimula na naman ng isang laro. hardest. turks ang tao ko, at briton ang computer. nagsimula sa pinakamababang sibilisasyon.

nakasaksak sa mga butas ng tainga ko ang earphones kaya hindi ko namamalayan ang ingay sa paligid. pawang "efendem!" at "mardenji!" lang ang naririnig ko, mula sa mga tauhan ko sa laro.

hindi ko naririnig kung gaano kalakas ang panghihinayang ko sa tuwing mauubos ang isang batalyon ng mga tauhan ko sa isang enkuwentro. hindi ko naririnig ang mabilis na lagitik ng mouse sa pagtatayong-muli ng napakarami kong farms. hindi ko naririnig ang tikada ng keyboard sa mga shortcuts ko sa paggawa ng stone wall at house.

hindi ko na nalalasahan ang iced capuccino sa pagnanais na malasap ang matamis na tagumpay.

at hindi ko namalayan na nasa likod ko na ang mga empleyado ng kapihan, nanonood, nakikigulo, nagbibigay ng opinyon, at natutuwa sa bawat malagpasan kong labanan.

hehe...






mas masaya sana ang mundo kung nagkalat lang sa paligid ang mga ginto at resources, dadamputin mo na lang with minimum effort. at ang tirahan mo ay isang napakagandang kastilyo na umusbong na lamang sa sarili niya at hindi itinayo. parang sa age of empires.

but then again, mas malungkot naman ang mundo kung ang paggawa ng tao ay iiwan na lang sa pangangasiwa ng isang bahay, mala-factory na town center, na sa isang iglap ay naglalabas na lang ng adultong lalaki o babae. hehehe... marami sigurong magrereklamo.






mas masaya sana kung ang gagawin mo na lang sa buhay ay umupo maghapon at maglaro ng age of empires maghapon habang sumisipsip ng kape...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...