Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2008

tungkol sa NIP reunion

walang masyadong pumunta. ni hindi napuno ang mga upuang inihanda. tama lang ang pagkain. pero hindi naman talaga isang kabiguan ang naganap na NIP alumni homecoming kanina. kung tutuusin, hindi pa naman talaga established ang alumni base ng NIP. siguro hanggang noong unang bahagi ng 1990's, paisa-isa pa lang naman talaga ang nagtatapos na mga BS Physics at BS Applied Physics. 2000 na nang magsimulang dumami ang mga nagtatapos. sa pagtaya ngayon ng NIP, ito'y nasa 30 bawat taon - bukod pa sa 11 MS at mangilan-ngilan ding PhD. siyempre, dahil bulto ng mga NIP alumni ay mga bata pa, hindi pa maaasahan na makapagbigay ito ng tulong sa institute. karamihan sa mga ito, kapag hindi nagtuloy sa graduate school ng NIP, mga nasa labas at nagtatrabaho. bilang IT specialist, bilang product o testing engineer, bilang taga-index ng mga scientific paper. hindi pa naman maaasahan na nakaakyat na sa corporate ladder nang gayon kaaga ang mga ito. kaya hindi rin maaasahan na makakapunta s...

tungkol sa pagpapalaki sa pamangkin

nag-iisa (pa lang) ang pamangkin ko. si mikyla deanne besenio ay tumuntong ng dalawang taon noong ika-5 ng nobyembre. sa loob ng mahigit na dalawang taon ng pagsubaybay ko (namin) sa paglaki ni kyla (lumaki talaga siya; di nagmana sa side namin), maraming bagay sa buhay ang naituro namin sa kanya, at niya sa amin. halimbawa, gaya rin ng iba pang bata, lumaki si kyla na jollibee ang bukambibig. makita lang ang mukha ni jollibee (kahit sa tissue) ay tumatalon na siya sa kaligayahan. ang "bee" na naging "abee" at ngayon ay "jabee" ang request niya tuwing manggagaling kami sa pagdalo sa aming pulong tuwing linggo; natatanaw kasi mula sa kotse ang jollibee bago kami pumasok sa aming kalsada. at bilang mabait at mapagmahal na uncle, ako ang laging taya kapag humirit na ng "jabee" si bunso. ang masakit, kapag nanlibre si uncle ay damay si mommy, daddy, auntie, lolo at lola. mas mahal pa ang kinakain ng mga lampas ng 2 taon ("bu...

tungkol sa panalo ng ginebra

ang naabutan kong ginebra (gordon's pa yata sila noon) ay ang champion team na binubuo nina bal david, marlou aquino, noli locsin, atbp. coach pa noon si living legend sonny jaworski. medyo boxing-ball (sa halip na basketball) pa rin ang labanan, pero hindi na masyadong matindi gaya noong kasikatan ni jawo. ilang ulit din kaming binabadtrip ni papa sa mga do-or-die games. kapag lamang ang kalaban at ilang segundo na lang, pinapatay namin ang tv, para marinig, matapos ang ilang segundo, ang sigawan ng mga kapitbahay. hayun, slow-mo na lang ng mga half-court shots na pumasok mula kay the flash ang naabutan namin. muli akong naakit sa koponan nang taglayin nila ang pangalang "barangay", at iparada nila ang mga bagong mukha na sina eric menk, jayjay helterbrand, at mark caguioa. napamahal din sa akin si coach siot tangquincen na nagpa-back-to-back champions sa kanila. pero agad itong naputol; kasagsagan noon ng kolehiyo; at mahina ang signal ng channel 13. eto ngayon, a...

tungkol sa dorm

matagal na akong kinukumbinsi ng halos lahat ng mga kaibigan ko na tumuloy na lang sa dormitoryo o boarding house sa loob ng kampus. iniisa-isa nila ang mga benepisyo, at sa wari ay makatuwiran naman talaga ang pasiyang iyon, bukod pa sa praktikal. sabi pa ni grace noong isang gabi, kapag isinuma ko raw ang lahat ng ibinabayad ko sa pasahe, mas malaki pa ito kaysa sa bayad sa dorm. maluwag, malinis at kumportable naman ang mga kuwarto, iyan ang argumento ni ekkay. tipid sa oras sabi ni tons at sir chris, kaya marami akong magagawang makabuluhang bagay. wala din naman daw pakialamanan ang mga magkakasama sa kuwarto, na tulad ko ring mga faculty at nais magkaroon ng panahon ng katahimikan. wala naman talaga akong tutol sa mga bentahang ito; sa katunayan, kumbinsido ako na totoo ang mga ito. ako, ang walong taon nang nagbibiyahe paroo't-parito sa UP, ang higit na nakaaalam kung gaano kalaking panahon, lakas at salapi ang nagugugol sa araw-araw na paglalakbay. siyempre pa, napakalaki...

tungkol sa araw ng kalayaan

ngayon talaga ang opisyal na petsa ng kalayaan ng Pilipinas. ang tatay ng kasalukuyang pangulo ang lumagda sa batas na nagtatakda sa ika-12 ng hunyo bilang araw ng kalayaan. ang petsang ipinagdiriwang noon, ika-4 ng hulyo (na kasabay ng sa amerika) ay itinalaga na lamang bilang filipino-american friendship day. ngayon din (yata) ang unang araw ng pasukan ng ateneo de manila. at paano ko nalaman? sapagkat kaninang tanghali, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa katipunan. napilitan akong maglakad mula sa kanto ng aurora hanggang sa aking patutunguhan, ang bagong gusali ng nip, sa kanto ng c.p. garcia. kaya naman ngayon, sa unang pagkakataon ng pagharap ko bilang guro, ay hindi na ako mukhang tao sa harap ng mga estudyante, naliligo sa pawis at hinahabol ang paghinga. grrr...

tungkol sa pasukan at mga phase shift

ang yugto ng kaba na karaniwan nang dumarating sa pagsisimula ng pasukan ay napalitan ngayon ng pagod at pagwawalang-bahala. bago pa man kasi ang pasukan ay sinaid na ng napakaraming mga responsibilidad ang anumang natitira ko pang lakas at pagkasabik. kung noong undergrad ay pinapangarap at pinapanalangin ko ang pagdating ng pasukan para iahon ako mula sa malalim na hukay ng kawalang ginagawa (at kawalang load at kawalang pera), ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng taginting ng pag-asa ang pagsapit ng unang linggo ng hunyo... ...dahil sa pagsapit nito, muli na naman akong maihahanay sa daan-daang libo na nabubuhay bawat saglit ng kanilang buhay para gumawa, magtrabaho, at higit sa lahat ay mabuhay. ang ligaya ng pagtulong sa ibang tao (at lalo pa sa mga bata) na matuto, ang kagalakan ng pagtuklas ay nilulunod ng realidad ng pang-araw-araw na buhay kung saan wala nang libre at wala nang madali. masakit mang isipin, kung minsan ay nangingibabaw na lamang ang layuning kumita ng pera...

tungkol sa bowling kanina

kahit ako pa ang pinakamababa ang puntos sa mga laro namin, hindi naman matatawaran ang sayang dulot sa puso ng paglalarong muli kasama sina steph, alen at bryan, eio at glai, ivan, hasmin at abet, at bei; at kahit di naglaro, humabol din si rye. para akong ibinalik ng mga kalahating dekada sa panahunan. mas masaya pa nga sana kung naroon si ralph, cats, pb, praning, eka, lau, george, alis at mga lumang tao sa PA. sa uulitin! :)

tungkol sa high school batch namin at ang mga bagay na napagtanto

madalang na akong makapagbukas ng yahoo mail dahil ang lahat ng mahahalagang mensahe ay tinatanggap ko na ngayon mula sa gmail. madalang na tuloy akong ma-update sa mga pangyayari sa mga yahoo groups ko, lalong-lalo na ang yahoo group namin ng aming high school class. nagulantang na lamang ako sa tumambad na 125 messages sa folder kong "High School" nang minsang maalala kong bumisita. si john rey bautista ang kaklaseng naging pinakamalapit sa akin sa literal na paraan; halos sa buong apat na taon ng mataas na paaralan ay magkasunod na tinatawag ang "batac" at "bautista" kaya sa tuwing pauupuin kami sa alpabetikong pagkakahanay ay sadyang magkakatabi kami ni janrei (sumunod lang siguro siya kay leo sa dami ng pagkakataon na naging katabi ko sa buong buhay high school). si janrei ang robert akizuki, a.k.a. masked rider black ng klase. ang janrei na ito ang siya ko pang naging kapares sa paggwa ng "investigative project" para sa chemistry class sa...

tungkol sa applications para sa instructor positions sa nip

ngayon ang teaching demo at interview ng mga mag-aapply sa nip. mabibilang sa tatlong grupo ang mga nag-aapply para magturo sa nip ngayong dumarating na academic year. ang unang grupo ay ang pinakamarami at masasabing perennial na grupo; sila ang mga nip graduate ng bs na nais magturo sa nip para tustusan ang ms studies. ang ikalawa ay mga ms physics graduates ng nip, na maaaring nakapagturo na rin sa ibang paaralan o maaring hindi pinayagan ng kanilang adviser na magturo noong estudyante pa lamang sila ng ms. lahat ng iba pang hindi pasok sa kategoryang ito ang bubuo sa ikatlong grupo. noon, ang pagpasok sa nip bilang guro ay halos awtomatiko na para sa lahat ng gustong mag-ms. kaunti lamang kasi ang bilang nila noon. pero habang unti-unting nagiging mas-viable na option ang pagpasok muna sa ms bago lumabas tungo sa industriya, humigpit ang kompetisyon at tumindi ang requirements na dapat maabot bago makapasok sa nip. nagkataon lang talaga na noong panahon nang pagaapply ko ay hin...

tungkol sa mga naiisip kapag tinatrangkaso

nakalugmok ako ngayon sa aking office chair sa bahay, nakaharap sa laptop, umiikot ang paningin habang sinusubukang maging produktibo. sa pagkaubos ng load at sa hassle ng pagtngo sa tindahan para magpaload, ang maliit na modem ng smart bro ang nagsisilbing siyang tanging paraan ng pakikipag-usap ko sa mundo sa labas. hindi ko iniinda ang sakit ng katawan at init ng lagnat dahil sa kakaibang pakiramdam na idinudulot ng pagkakataon. matagal-tagal na rin mula nang huli kong maranasan ang ganitong uri ng kalagayan. ito ang buhay na itinuturing kong simple, malayo sa komplikasyon na dala ng modernong mundo. naaalala ko, gaya ito noong bata pa ako. nakakahingal ang umaga, sa pagmamadali para makahabol sa paaralan. bigla naman itong magbabagong-anyo at magiging nakakainip kapag nasa loob na ng silid-aralan. subalit magbabago ang lahat pagdating ng maligayang hapon. may kakaibang panghalina ang kulay-gintong liwanag ng hapon. may kurot sa puso kapag bumabalik ang alaala ng kabataan, ng mg...

tungkol sa authorship

pagdating sa publications sa mga scientific journals, mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangalan ng mga may-akda. ang unang pangalan sa listahan ang nagbigay ng pinakamalaki at/o pinakamahalagang ambag sa pangkalahatang tema ng papel. maaring siya ang gumawa ng pinakamalaking eksperimento; o gumawa ng matematikal na modelo ng sistema; siya marahil ang nagbigay ng pakahulugan sa mga resulta; o siya kaya ang nagsulat ng akda, ginawa itong higit na kapanapanabik. ang pagiging unang may-akda ay nagbibigay sa kanya ng higit na karapatan para sa pag-angkin sa mga resulta; kapag marami siyang kasama, kadalasan nang pangalan lamang niya ang binabanggit ng sinumang sumisipi sa kanilang akda. ang huling pangalan ay kadalasan nang inirereserba para sa pinuno o adviser ng grupo ng mananaliksik, gaano man kalaki (o kaliit) ang aktuwal na naidagdag niya rito. iniiwan nito ang ikalawa, ikatlo, at iba pang mga pangalan sa isang pagkakasunud-sunod na nagpapahiwatig ng lumiliit na kahalagan. ang pa...

tungkol sa CS recognition program

mas kalmado na ako, at hindi na halos nananabik. sa gitna ng ingay at init ng mga katawang nakabarong o puting saya na nagsiksikan sa lobby ng film institute, naroon ako, noong una'y nasa harap pa ng pila, inip na inip sa tagal ng pagsisimula ng recognition program ng college of science. biniro ko pa ang nakasalubong kong si atchong: "first time mo?" kasi hindi ko na first time. ikatlong sunod na taon ko nang dumadalo sa graduation, at ikalawa na ako ang aakyat sa entablado. naabutan ko pa ang huling graduation ni dr. rhodora azanza bilang dekano, at ang una naman ni dr. caesar saloma. marami mang nagbago ay higit namang marami ang nanatili; pangunahin na ang mga titik na nakalagay sa entablado: "PAGKILALA'T PARANGAL SA MAGSISIPAGTAPOS NA MAG-AARAL," na makailang libong ulit na yatang ginamit at pinapalitan lang ng taon. malulubos na sana ang aking inip kung hindi pa umeksena si tons at nagpakuha ng mga larawan. sinabayan ng ulan sa labas ang ulan ng fla...

tungkol sa NIP graduation ceremony

paulit-ulit kong ibinubulong sa sarili: "the worst is yet to come. you aint seen nothing yet." alas-diyes na ng umaga nang dumating ang text ni ekkay. magdala daw ako ng barbeque. iyon daw ang nakatakda para sa akin na dalhin mamayang ala-una ng hapon. doon ko naalala: graduation ceremony pala ng NIP ngayon. ang pagpapakain ng mga magtatapos sa graduation ng NIP ay isang tradisyon na matatawag na "paggigisa sa sariling mantika." sa pagkakaintindi ko, dumarating ang mga tao upang ipagpugay ang maluwalhating pagtatapos ng isang tao. pero ang nangyayari sa NIP graduation, ang mga magtatapos ang nagkakandakumahog sa pag-aasikaso at paghahanda upang ang mga darating ay magkaroon ng isang komportableng pananatili. para bang baliktad. sa kaso ko, ang paghahanda ng #?! barbeque ay nagpangyaring bumalikwas ako mula sa kama at agad na maligo at magbihis. tinungo ko ang suki ni sir chris sa hardin ng bougainvilla para magpahanda ng 50 pirasong barbeque. 550 pesos an...

tungkol sa swimming sa bukal

kilala ang antipolo bilang bayan ng mga bukal. nasa paanan kasi ito ng sierra madre sa bukana ng maynila. alam na alam ng lahat ang awitin na humihikayat: "tayo na sa antipolo/at doon maligo tayo..." kahapon ay tinamasa namin ang lamig ng tubig ng mga bukal ng antipolo kasama ang pamilya at ka-kongregasyon. isang kakilala ang sumahod sa malakas na balong mula sa bundok sa isang maliit na pool, at doon namin pinalipas ang init ng lunes. sa halip na mga gusali ay lilim ng mayayabong na kawayan ang sumalubong sa amin. ang lamig ng tubig ay humalo sa masarap na inihaw at malalakas na tawanan. yan ang tunay na pahinga. :)

tungkol sa set results

sanay na akong makita ang di-kataasang grado ko sa set. kung iniisip ng mga estudyante na sila lang ang may grado, aba, nagkakamali sila. maging mga guro ay may grado ring tinatanggap. ang student evaluation of teacher (set) ay may tatlong bahagi, lahat ay naglalayong sukatin ang kakayahan ng guro sa loob ng klase. ang unang bahagi ay tungkol sa estudyante: kung paano niya nakikita ang sarili niya, at kung anong grado ang sa tingin niya ay matatanggap niya. natural, kapag magaling ang guro, magiging confident ang estudyante sa pagsagot dito. ang ikalawang bahagi ay tungkol sa kurso: kung sinusunod ba ng guro ang nakasaad sa syllabus . ikatlo, at siyang pinakadirektang sisipat sa kung anong uri ng guro ang isa ay ang tungkol sa guro mismo: ang kanyang ugali sa klase, paraan ng pakikitungo at pagtuturo, atbp. tulad ng sa mga estudyante, 1-5 ang sukatan ng grado. nakakuha ako ng 1.532 sa ikatlong bahagi. kung sa estudyante pa, nasa 80% ang grado ko. malaking improvement ito mul...

tungkol sa age of empires sa figaro

loser ako, age of empires ang paborito kong laruin. ancient cities ang labanan, kasing ancient na rin ng laro. sa panahong ito ng mabilis na daloy ng pagbabago sa teknolohiya, pinili kong huminto sa pagpapatangay at kumapit sa age of empires. ilang taon ko na rin itong nilalaro pero hindi ko pa rin pinag-aaralan ang cheats. loser. pirata pa yung kopya ko ng software. tsk... such a loser talaga. matagal ring naimbak sa desktop ko sa bahay ang daan-daang saved games ko, mga feel-good na laro kung saan isang palaso na lang ang tatapos sa hari ng kalaban. mas nagagamit ko ang c++ at latex nitong nakaraan. pero ngayong bakasyon, at wala pa namang pinagagawa si sir chris, nabalikan ko sila isa-isa, dinuduro pa ang computer sa bawat panalo. at nang magkita kami ni steph sa emerald noong martes, tumambay ako sa figaro at nagsimula na naman ng isang laro. hardest. turks ang tao ko, at briton ang computer. nagsimula sa pinakamababang sibilisasyon. nakasaksak sa mga butas ...

tungkol sa mga bahay at sa tahanan

hindi ako nakatira sa batac, pag-uulit ko kay manong a.k.a. sarhento noong sabado. nagkataon lang siguro, sagot ko nang itanong nya ang tungkol sa aking apelyido. pero tiyak, pagdiriin niya, tiyak na ang aking pinagmulan ay sa batac, ilocos norte. "sabi mo galing ka dun. wala ka bang naramdaman? ganun yun, may lukso ng dugo." kaya naman pala ipinagpilitan ni manong na taga-batac ako ay dahil bilib na bilib siya kay marcos. na taga-batac. nang sabihin ko na batac ang apelyido ko ay halos sambahin na ako. ganun na lang kung tawagin akong sir. at alalang-alala sa aircon at sa seatbelt, at kulang na lang ay kumutan ako nang di masinagan ng araw. at ang pinakamaganda pa diyan, hindi nanghingi ng sobrang pasahe. hanggang sa kahuli-hulihang beinte-singko. :) ***** napataxi ako kasi may usapan kaming magkita-kita nina phoebe at steph. naghahanap sila ng bahay. ang mga kahilingan para sa mapalad na lilipatan: dapat na maging isang sakay mula sa ortigas, maganda, at siye...

tungkol sa pagsusulat muli

dumating na naman ang panahon kung kailan wala na namang ginagawa at maraming panahon para sa pagsusulat. at lalo pang espesyal ang panahong ito para sa paghahabi ng mga salita. punung-puno ang imbakan ng karanasan na siyang pagkukunan ng mga istorya't katha. sa isang dako, ang mabubuting balita. ang pagkabunot ng tinik sa pagpapasa ng grado at ang pagkaalam na wala akong tuturuan ngayong tag-init. sumunod ang hitik sa sayang bakasyon sa makasaysayang ilocos kamakailan. at ang pagtatapos sa ika-27. sa kabilang banda, ang di-mabuting mga kalagayan. tulad ng lumulubhang kalagayan ng aking bayaw, at ang pag-alis nila pabalik sa denmark sa lunes. ang pagkawala ng trabaho ni ate. pati na rin ang kahungkagang dala ng pagkawalay sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho sa loob ng dalawang buwan. nariyan din ang mga interesanteng kuwento tungkol sa buhay-buhay ng iba, na hindi ko naman talaga hilig na isama sa mga sulatin pero kung tutuusin ay mas kapanapanabik para sa ma...

tungkol sa ilocos trip

naghalo ang araw sa itaas, kabundukan sa tabi, dagat sa baba, at buhangin sa ilalim para pasarapin ang putahe. pero hindi sila ang pangunahing sangkap. pampalasa lang, ika nga. kami ang sangkap sa putaheng ito: si tons, erika, grace, cats, george, nikki, frances, steph at ako. kami ang "niluto" sa biyaheng ilocos na iyon noong 4-7 abril, 2008 (literal pa ngang nasunog si george). naging napakasarap ng paglalakbay hindi lang dahil sa tamang kumbinasyon ng init ng araw at lamig ng alon; o ng sukal ng kagubatan at linaw ng dagat; o ng modernisasyon ng laoag at kultura ng vigan. higit sa lahat, ang nagpasarap at saya sa lakbayin ay ang kuwento, tawa at kulit ng tropa. patunay ang libu-libong (oo, literal na LIBU-LIBONG) larawan sa katotohanang ito. salamat mga kaibigan. sa uulitin. :)