Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2007

tungkol sa isa pang Panget

room mates sila, kaya kailangan pa nilang tiyakin kung sino ang tinutukoy ko kapag sumisigaw ako ng "Panget!" kapag napapadaan. pero iba siya. iba pala siya. kung pagmamasdan ay hindi siya naiiba sa ibang babae. isang tipikal na kolehiyala na masaya, makulit at ma-gimik. hindi miminsan na kaming ginulat ng vavavoom niyang kagandahan, kapag nagtotodo siya ng pagporma, kapag "trip" niya lang. pero maiiba ang persepsiyon mo sa kababaihan kapag nakilala mo siya. binabasag niya ang steryotipikal na pagtingin sa female gender bilang delicate at alagain. hindi mo maiisip na she can get down and dirty kapag kailangan, at na ikaw pa ang ipagtatanggol at aalagaan sa panahon ng panganib. sa totoo lang, kapag lahat ng babae ay naging katulad niya, mawawala ang machismo at ang patriyarkal na lipunan sa alaala. hindi, hindi siya nagwawala. matapang siyang sumusugod gamit ang talas ng isip subalit ang pananggalang niya ay puso. hindi ka maniniwala na ang isang katulad niya a...

tungkol sa mga kainan, kulitan at laitan sa Mang Jimmy's

ang 242 exam ang pinakakinatatakutan ng lahat. sa paghahanda para dito ay daig mo pa ang sasabak sa giyera. handang-handa man, inaasahan pa rin ng karamihan ang isang "madugong" katapusan. dito nabuo ang ideya ng Mang Jimmy's dinner. apat kami, pero hindi kami marami. sapat na ang apat para libutin ang kalawakan at maglakbay sa panahunan. eksakto na itong bilang upang tulayin ang malalawak na bangin ng mga kwentong malayuan. sa katunayan, kung may kulang sa amin noong gabing iyon ay baka mawala na ang balanse. apat lang kami, at hindi kami kaunti. nariyan ang maton, ang machong handang magtanggol - na nagkataong isang babae. nariyan ang malulupit na payo at mga pahaging na tanong ng ermitanyo. nariyan ang inosenteng anghel na tinutubuan na ng sungay. at ang cool na napapagkamalang bading pero pinaiiyak ng babae. akalain mong ipaghalo sa isang kawa ang grupong ito, na bagamat apat lamang ay bumubuo ng isang CSCO (complete set of commuting operators; oops, bakit may...

tungkol sa Julio at Julia at kay panget

natanaw ko siya mula sa malayo. sinalubong siya ng pasigaw kong: "Panget!" malayo siya mula sa pagiging panget. sa katunayan, isa siya sa pinakamaganda sa batch o baka sa buong department. lalo pa ngayon na bihis na bihis siya para sa formal report ng mga bata. ang pink stripes ng damit niya ay sumasabay sa alon ng kanyang hugis, na itinatago ng bitbit niyang aklat. nang lapitan ko siya ay sumunod ang isang serye ng asaran na animo'y walang katapusan. tatawa lang kami ng tatawa hanggang sa mamalayang tumatakbo na nang mabilis ang oras at na kailangan nang maghiwalay. pero sa likod ng mga tawa ay ang mapait na mga katotohanan at mga karanasan. mga masasakit na alaala ng kahapon na pinipilit itago. sa kaso ko, matagal na ang mga iyon, isa nang malayong nagdaan na di na tinatanaw; pero ang sa kanya, kelan pa lang. tiyak na sumusugat pa rin iyon tuwing mapapasagi sa alaala. nang mapag-usapan namin minsan ang pagkakatulad ng mga hibla ng aming nakaraan, hindi namin map...

tungkol sa mga larawang kuha sa pagdalaw sa subay

ang Subay ay isang baranggay sa bayan ng Cardona sa Rizal. ito ay nasa isla ng Talim sa gitna ng Laguna de Bay. ang Talim ay isa lamang sa siyam na islang nasa gitna ng Laguna de Bay. ito ang pinakamalaki. ang pangalan ng isla ay hango sa kanyang hugis, na parang isang punyal. ang geography at geological features ng isla ay nagpapakilalang karugtong ito ng "mainland" Rizal, sa bahagi ng Binangonan. ang Laguna de Bay naman ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, at pangalawa sa pinakamalaki sa Timog Silangang Asya. bagaman ipinangalan ito sa lalawigan ng Laguna, ang baybayin nito ay pinagsasaluhan ng Rizal sa hilaga, Laguna sa silangan at timog, at Metro Manila sa kanluran. sabi nga ng mga tao na nakausap ko sa Subay, ang katumbas ng kotse ng Maynila sa Laguna de Bay ay ang mga bangka, na naghahatid sa kanila sa Binangonan, Cardona, San Pedro, o kahit sa Alabang. napaliligiran ito ng Sierra Madre sa hilaga-hilagang silangan, at ng mga kabundukan sa Southern...

tungkol sa experiment design ng mga estudyante ko sa Physics 71.1 at ang mahirap na buhay

malinaw na malinaw ang instruction: "In the handout, the objectives and materials are given but NOT the procedure." kaya naman naubos ang dalawang oras ng klase sa pag-iisip ng gagawin para sa finals nila sa mechanics laboratory class. nahihirapan sila. ideya namin ni Gendith ang experimental design part ng finals. siya ang nagsabi na dapat palitan ang practicals dahil nahihirapan ang mga estudyante at halos wala namang pumapasa. sira na kasi ang mga setup pagdating ng biyernes, kaya biased sa mga unang gagamit ang outcome. bukod pa sa hassle sa aming mga instructor ang pag-setup, pilot test, at maintain ng mga test stations. ako naman ang nag-suggest na new experiments galing kina Ate Lani at Elise ang ipa-"design" para ma-test talaga kung feasible at kung pwedeng ilagay sa bagong lab manual. in a way, para din kaming nag-design ng isang eksperimento, kaming mga instructors. unang beses kasi itong ginawa. nandyan na ang mga materials (setups from Ate...

tungkol sa balak naming gawing awitin ni ekkay

(ang sumusunod na akda ay binabalak kong i-rewrite in verse form para lapatan ng himig ni Ekkay. napansin ko kasi na medyo may rhyme. at matagal na rin naming plano na mag-compose ng awitin. inspired ng "Hawak Kamay" ni Yeng at ang istoryang ito .) (pang first stanza:) so... i guess this is it; panahon na ng paghihiwalay. simulan na ang mga pormalidad ng shake hands at beso-beso. magpalitan na ng kaswal na mga: "Sige, mauna na ako." (pang first refrain:) hindi naman ito bangin o dead end na kalsada. malayo pa ang lakarin; hindi nga natin matanaw ang dulo ng lakbayin. pero dito at ngayon, tinatapos mo na ang biyahe. sa pagsama ko sa iyo ay nagpapasalamat ka na. pinayayaon mo na ako sa mga salitang: "Ingat ka..." (pang second stanza:) actually hindi pa ako pagod sa pagliliwaliw natin. makakalakad pa ako ng marami pang kilometro. pero pagod ka na, hindi sa layo, kundi sa kasama mo. (pang second refrain:) hindi maikakaila ang mga pagsisikap ko. na ...

tungkol sa mga susing hindi dapat maiwan sa loob

nakakainis kung minsan ang pagkakandado sa pinto ng bahay namin; nakakainis at nakakatawa. ang padlock na ginagamit namin ay yung may tatak na Egret. ang katangian ng ganitong padlock ay na kailangan ang susi, hindi lamang para buksan siya, kundi para ikandado siya. sa katunayan, hindi mo mabubunot ang susi kapag hindi naka-lock ang kandado. advantage: hindi maiiwanan ang susi sa loob ng bahay, kaya siguradong hindi ka maiiwan sa labas na hindi makapasok dahil nasa loob ang susi. disadvantage: mahirap at hassle ang pagkakandado (see first paragraph). nakakatawa na naghahanapan kami ng susi kapag magsasara na ng bahay. at nakakainis kapag tinatamad kaming lahat na maglabas ng kanyang duplicate. parang puso ang mga kandadong Egret. parang mga kahapong hindi mapakawalan. parang isang di maikandadong puso para sa pag-ibig. ang susi para buksan natin ang ating mga sarili para sa iba ay ang pag-ibig. totoo ito maging sa kaibigan (stress on third syllable) o kaibigan (stress on...

tungkol sa second law of thermodynamics at mga hiwalayan

consequence daw yun ng Second Law (of Thermodynamics). na lahat ng bagay matitigil, mamatay, mawawala pagdating ng panahon. kahit nga daw ang universe makakaranas ng heat death sa bandang huli. kaya naman hindi na nakakapagtaka kapag may naghiwalayan, nag-break,nagtapos. ang nakakapagtaka ay kapag mistulang napakabilis ng mga pangyayari. o kaya naman, kapag ang dapat sana'y tinapos na ay natapos lang sa salita. natapos ang ilang buwang relationship ng kaibigan ko kamakailan. hindi ko alam at hindi ko na inalam ang dahilan. ganun naman yata yun. malalaman mo naman kung hindi na dapat magpatuloy ang isang bagay. hindi na kailangang alamin ang dahilan dahil kadalasan nang hindi ito ang mga tipo ng bagay na masasabi sa isang salita, at kahit pa nga isang pangungusap. pero, ang nakakapagtaka, gaya nga ng sinabi ko kanina, para bang nag-break lang sila sa salita. wala naman halos nangyaring pagbabago sa kanila. kung sabagay; sabi nga ng Second Law, ang increase in entropy ...

tungkol sa mga supporting actors sa mga koreanovela

nagsimula yan kay Martin. tapos si Nico. at nitong huli, si Troy. habang nakikinig sa "Wag na Wag Mong Sasabihin" ni Kitchie, naalala ko ang telenobela sa channel 2 na inabangan ko dati, ang "Lovers in Paris." para tuloy gusto kong manood, sayang nga lang kasi Sabado, walang Primetime Bida. nagmuni-muni na lang ako. pare-pareho lang ang kwento ng mga Koreanovela na kinahiligan ko. isang strong-willed na babae ang makakabangga ng isang lalaking napakalayo ng kalagayan sa kanya. mahuhulog ang babae sa lalake, at bandang huli ay magiging sila, mabubuhay happily ever after. nagsimula yan sa "Lovers in Paris" na istorya ni Vivian at Carlo, tapos yung "My Girl" ni Jasmine at Julian, at si Janelle at Gian ngayon sa "Princess Hours." halos ganun din ang istorya ng "Only You" although hindi ko masyado napanood yun. aaminin ko, naadik ako sa panonood ng mga ito dati (bumili pa ako ng DVD ng iba sa mga ito), at kahit pa paulit-u...

tungkol sa pagyayabang sa fx at mga aral nito

nakakabadtrip kapag ang katabi mo sa fx ay sobrang show off at tumitingin pa sa 'yo from time to time, na para bang nagahahamon. maglalabas ng mp3 player at maghe-head bang sa tugtog na jologs, na naririnig mo sa sobrang lakas. titingin sa G-Shock na relo (duh???). at higit sa lahat, ilalabas ang cellphone na kung ilang dekada na mula nung sumikat, sasagutin ang isang "tawag" matapos marinig ang message alert tone. ewan ko ba. noon naman e pasensyoso ako sa mga ganito. ayokong bumaba sa kanilang level. pero kanina, nakakabadtrip lang talaga. isang lalaking kaedad ko siguro ang kasama ng kanyang batang-bata ring asawa at anak na sanggol. at pagkatapos, ( read second paragraph ). kung wala nga siyang anak at asawang kasama ay iisipin kong holdaper siya na naghahamon para ilabas ko ang mga gamit ko, para magnakaw. pero dahil mukhang hindi naman, at dahil asar na talaga ako... inilabas ko ang mp4 player ko at nanood ng video ng pamangkin ko. tumingin ako sa Fossil kong ...