tungkol sa maliwanag na mga hapon
ngayong bakasyon, habang nakaupo at
walang ginagawatinatamad magtrabaho, bumabalik ang isipan ko sa mga pangyayari noong bata pa ako, kung saan walang nakakabagot na hapon at walang panahon para mag-isip kung ano ang kailangan o pwedeng gawin. nakakalungkot, wala na ang gayong mga hapon, at hindi ko alam kung ang mga anak ko at apo ay magkakaroon pa ng gayon. kaya heto, habang nakaupo at
walang ginagawatinatamad magtrabaho, balikan natin ang aking (ka)hapon.
*****
lumaki akoginugol ko ang aking kabataan sa maburol na antipolo, sa malawak at matatarik na mga dalisdis na tumatanaw sa batis sa ibaba. lumakad ako sa mga daang malilim, hindi dahil sa bubong o waiting shed, kundi dahil nasa ilalim ng malalabay na dahon ng mga punungkahoy. mga punungkahoy na naghilera - santol, sampalok, ratiles, mangga - na hindi pinili ng tao kundi itinanim ng kamay ng Diyos.
maraming dahilan noon kung bakit ko pinipili ang hapon (ito o), pero ngayon, tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon na balikan ang nakaraan, sumasagi sa isip ko ang maliligayang pangyayari ng aking kabataan na umaakay sa hapon hanggang takipsilim.
ang hapon ay nagsisimula sa tanghalian, kapag ang buong pamilya ay nakahilig sa mesa at kumakain ng nilagang baka o nilagang talbos o pinakbet o tinola. kasabay ng matutunog na halakhakan - madalas kami noong may bisita - ang mga awitin sa radyo o mga pakulo sa Eat Bulaga tulad ng Little Miss Philippines o Bulagaan. pagkatapos ng programa ni Tito at Vic ay kasunod naman si Val sa seryeng Agila.
pero hindi na namin inaabot iyon. hayun, matapos magsepilyo at maghilamos, inaakay na kami ni Ate at Diche sa kuwarto para matulog. sila mismo ay pinatutulog din ni mama. ang siesta ang unang "gabi", at mapapalo ang hindi natutulog. sa hugong ng bentilador at paghimas ni ate sa likod, dumadaan ang di-kakaunting sandali sa paghihintay sa antok.
pero ang bata ay bata. malakas, malikot. ang antok ay hindi na dumarating sa isang batang nag-aabang sa iba pang batang gayon din ang kalagayan. para bang nauugnay ang kanilang mga isipan bagamat magkakalayo, sa magkakasamang pagpigil sa antok.
paano't sayang ang hapon! habang lumalamlam ang araw, ang maliwanag na hapon ay panahon ng habulan, langit-lupa, mataya-taya, patintero, agawang base, o simpleng pag-akyat sa puno at pamimitas ng ratiles o pagbaba sa gulod patungo sa batis. bagamat hindi kami nag-usap, ako at ang aking mga kalaro ay pawang sabay-sabay na bumibilang: 1, 2, 3...; hanggang sa kung ilan, hindi ko na matiyak. basta't natatantiya na namin ang kalahating oras. ipipikit nang matindi ang mata para mamaga nang kaunti. pagkatapos ay hahakbangan ang katabing si Ate o si Diche (na siyang mga nakatulog) dahan-dahang lalabas, at magkikita-kita. simula na ng ligaya!
nariyang magbisikleta ni Buddy sa kalapit na lugar, o makipagbasketbol kay Jerome, o mag-"kampo" sa aming bahay-bahayan (isang tunay na bahay na ginawa para sa amin ni papa) habang "nagluluto" si Yeye. mahilig din kami sa mga trak-trakan, mga laruang trak na pinanghahakot namin ng bato, lupa at buhangin habang gumagawa kami ng maliit na balon at dike malapit sa itinanim naming mga rosal. siyempre pa, hindi mawawala ang habulan o barilan, na hindi sinasanto ang taas ng puno para maka-taya.
ang takbuhan ay mapuputol sandali ("taym pers!") sa pagdaan ni Manang Maglalako. merienda na! piniritong saging, maruya, turon, kapag sinamahan ng Coke, ay pumapawi sa pagod at nagpapanibagong lakas sa pagod na mga paa at kamay. kung minsan, ang pahinga at merienda ay kasabay ng panonood ng mga palabas na pambata - Zenki, BT X, Three Musketeers, na pinagsunud-sunod sa hapong para sa mga kabataan.
na isa-isa ring magpupulasan pagkalipas nito. anupat para ituloy ang paglalaro! hindi iniinda ang maraming lamok, ang pagsapit ng takipsilim ay bagay sa taguan, kung saan ayaw mong mataya dahil aabutin ka ng gabi sa paghanap sa lahat ng kasali dahil sa lawak ng lugar na pwedeng pagtaguan.
mayamaya pa, malalakas na tawag ang maririnig. si nanay ay sisitsit. si auntie ay sisigaw. at si mama ay tatawag. handa na ang hapunan. bukas ulit.

Zenki!!! ngayon pangmatatanda na ang palabas sa hapon, mga drama at telenobela. tsk i miss childhood too :)
TumugonBurahinBTW, ang gnda ng efek ng upuan ni papa d2 :)
TumugonBurahinHehe. Naaalala ko kasunod nun BT X. Hehe.
TumugonBurahin