tungkol sa pagtatapos ng klase
pansamantalang magtatapos ang mga klase sa linggong ito.
at sa enero pa ito muling babalik.
di tulad ng una, ang ikalawang semestre ay nagbibigay ng panahon para makapagpahinga ang mga mag-aaral at mga gurong tulad ko. kung minsan, ang pag-asam ng pahinga ay isang bagay na mas mahalaga kaysa sa pahinga mismo. ang pag-asam sa bakasyon ay makapagpapalakas sa mga estudyante na gawin na ang lahat ng makakaya, ibuhos na lahat, yamang ilang araw na lang ang natitira ay darating na ang maligayang panahon, ang panahon ng pagpapahingalay.
bakit naman kailangan ang mahabang pahinga tulad ng bakasyong ito sa kapaskuhan? sa isang mahabang bakasyon, darating ang panahong mauubusan na ng gagawin ang isa, kaya aasamin na niyang muli ang pumasok at muling magsikap.
habang hinihintay ang susunod na bakasyon.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento