tungkol sa mga dekada at musika
isinaayos ko ang mga awitin sa aking cellphone ayon sa dekada.
siyempre pa, ang 60's ang paborito ko. ito ang dekada ng beatles. sa paulit-ulit na pakikinig sa mga album nila, nasusurpresa ako na meron at meron pa rin talagang "bago" sa pakinig, isang kakaibang kanta na kagigiliwan ko sa mga susunod na araw. ilang libong minuto na kaya ang nagamit ko sa pakikinig sa mga kanta nila?
kamakailan, sa gateway mall, nang mapadaan kami ni steph sa tabi ng booksale, nakita ko ang maliit na poster na nagbabalita tungkol sa re-packaged na compilation nila. 13,000 piso lang naman ang 16 na album. kaya hihintayin ko na lang na i-regalo sa akin ito ni Grace pag-uwi niya mula sa UK. at magsasawa muna ako sa koleksiyon kong kinumpleto pa ng mga na-download ni Ekkay.
sa 70's, wala akong masyadong kanta. mga indibiduwal na kanta ng mga ex-beatle lang ang meron ako, pinaghahambing ang estilong rebolusyonista at aktibista ni john sa romantikong mga himig ni paul.
ang 80's ang pumupuno sa aking hard disk space, hindi lang sa telepono, kundi sa bahay. ito as ang dekada ng new wave at mga senti na ballad at opm. ito ang impluwensya ng aking ina: nasa 20s siya noong dekadang ito, kaya ito ang henerasyon niya. siguro, habang pinapatulog niya ako noon, nakailang ulit na pumaso sa tainga ko ang mga awitin ni Sharon Cuneta at Raymond Lauchengco, kaya ngayon ay may dating pa rin sa akin ang gayong mga kanta.
90s? sino pa ba kundi ang eraserheads! "THE pinoy band that mattered," sabi nga ng iba. pitong taon pa lang ako, tinatangka ko nang bumoto noon sa 97.1 Campus Radio, sa programang Top 20 at Twelve ni Triggerman, para lang matalo ng "With a Smile" ang "214" ng Rivermaya o ang "I'll Never Go" ng Nexxus. hindi man maintindihan ng mga kaibigan ko (na ngayon lang naka-appreciate sa kanila) ang desisyon kong hindi pumunta sa reunion concerts nila (dahil hindi na yun YUN, at nakakalungkot na dahil dun ay 10 taon silang hindi na pwede ulit magsama), hindi ko sila masisisi. itong 90's ang henerasyon ko, at ayokong masira ng mga kasalukuyang pagtatangka ng musikang Pilipino na bigyang lakas ang naghihingalo nitong buhay sa pamamagitan nila ang imaheng iniwan nila sa kabataan ko.
90's din ang pagsabog ng alternative music sa ibayong dagat. dyan kami nagkakasundo ni tons at felix. sa mga foreign artist, gin blossoms naman ang paborito ko. kaya ko ginustong matutong mag-gitara noon ay para matugtog ko sila.
ano naman ang 2000's? buweno, ito naman ang dekada ng rap at rnb, at wala akong masyadong mp3 sa dekadang ito. siguro napuno na ang "hard disk" ng utak ko sa sobrang pagpapahalaga sa henerasyon ko at ng nanay ko kaya walang dating sa akin ang ganitong genre. buti na lang, si steph ang may hilig sa ganitong musika, kaya sa pamamagitan niya ay hindi naman ako nahuhuli sa musika.
ang mas malungkot na katotohanan ay na walang defining moment, band at/o genre ang 2000's para sa pinoy music. puro mga pag-re-repackage ng mga dati nang sumikat na kanta. ang mga orihinal naman ay hindi nag-iwan nang gayong kalalim na tatak. o baka naman ako lang ito, nagsasalita sa punto-de-vista ng isang taong haling sa 80's at 90's.
matapos maglagay ng folder para sa mga dekada napag-isip-isip ko: magsisimula na ang bagong dekada.
paano kaya ito tatawagin? "10's (tens)"? ano naman kaya ang mga estilo at bago, hindi lang sa musika, kundi sa takbo ng buhay sa pangkalahatan?
kung sabagay, mabibigyan lang naman ng tatak at depinisyon ang isang yugto ng panahon kapag tapos na ito. bilang isang complex system, ang mga bagay na ito ay "emergent", lumalabas na lamang matapos ang maraming interaksiyon ng maraming indibiduwal na pagpaplano.
ako ba, anong plano ko sa 10's ko? makabili nga ng planner...

hehe asan na ang 80's compilation na hinihingi ko :)
TumugonBurahin