tungkol sa applications para sa instructor positions sa nip
ngayon ang teaching demo at interview ng mga mag-aapply sa nip.
mabibilang sa tatlong grupo ang mga nag-aapply para magturo sa nip ngayong dumarating na academic year. ang unang grupo ay ang pinakamarami at masasabing perennial na grupo; sila ang mga nip graduate ng bs na nais magturo sa nip para tustusan ang ms studies. ang ikalawa ay mga ms physics graduates ng nip, na maaaring nakapagturo na rin sa ibang paaralan o maaring hindi pinayagan ng kanilang adviser na magturo noong estudyante pa lamang sila ng ms. lahat ng iba pang hindi pasok sa kategoryang ito ang bubuo sa ikatlong grupo.
noon, ang pagpasok sa nip bilang guro ay halos awtomatiko na para sa lahat ng gustong mag-ms. kaunti lamang kasi ang bilang nila noon. pero habang unti-unting nagiging mas-viable na option ang pagpasok muna sa ms bago lumabas tungo sa industriya, humigpit ang kompetisyon at tumindi ang requirements na dapat maabot bago makapasok sa nip. nagkataon lang talaga na noong panahon nang pagaapply ko ay hindi pa ganito kahigpit, kaya ako pumasa.
mahalaga ang mga guro para sa isang unibersidad. ayon nga kay dr. saloma, ang esensya ng isang unibersidad ay ang mga guro nito. pananaliksik ang pangunahing papel ng unibersidad, at pangalawahin lamang ang pagtuturo. kahit pa sa larong age of empires (hehe), ang unibersidad ay isang lugar kung saan ginagawa ang bagong mga pananaliksik para umunlad ang isang sibilisasyon. sa ibang salita, higit na mahalagang papel ng unibersidad ang paggawa ng bagong kaalaman kaysa sa pagpapalaganap nito. kung titingnan mula sa pananaw na pang-kasalukuyan, higit na mahalaga ang mga guro kaysa mga estudyante. ang halaga ng isang estudyante ay para sa hinaharap, upang, batay sa nakuhang kaalaman mula sa kasalukuyang mga guro, ay makagawa naman sila ng higit pang kaalaman at maging bagong mga guro na magpapasa nito sa bago na namang mga estudyante. ang pag-aaral sa unibersidad kung gayon ay nagiging isang siklo, kung saan ang mga guro na gumagawa ng bagong kaalaman ay nagpapasa nito sa mga estudyante, na sa bandang huli ay magiging tagagawa ng karagdagan pang kaalaman at mga guro, para sa susunod na henerasyon naman ng mga estudyante.
higit pa itong totoo sa kaso ng nip. interesanteng banggitin na ang salitang filipino para sa "institute" ay "surian". kaya sa filipino, ang nip ay nagiging PAMBANSANG (pinakatampok sa buong pilipinas) SURIAN (lugar ng pagsusuri, pananaliksik) NG LIKNAYAN (pinakadakila sa lahat ng mga agham). binibigyan nito ng higit na responsibilidad ang mga guro, hindi lamang para magturo, kundi lalong-lalo na upang magsaliksik. siyempre pa, ang mga guro ay may atas din ng pagtuturo at, ang iba, pag-aaral, at mahalaga na paghusayan din ang mga ito. subalit, higit sa lahat ng dapat paghusayan ang pananaliksik, at sa palagay ko ay dapat na bigyan ito ng pinakamalaking bahagdan sa pagbibigay ng grado sa mga aplikante. at maging sa mga dati nang guro. nakagagalak na makitang sa nip, binibigyan na ng higit na pansin ang pananaliksik, gaya ng makikita sa mga requirements na hinihiling mula sa mga guro sa pana-panahon na naglalakip sa sumaryo ng kasalukuyang research na ginagawa.
ang akademikong kagalingan ay hinihiling din sa mga guro ng nip. sa ngayon, sa nakikita ko, ito ang UNANG tinitingnan ng nip sa mga kukunin niyang guro. ang pinakaunang kahilingan para sa mga nagnanais maging guro ay ang listahan ng mga grado sa buong taon ng kanilang pag-aaral. isang kabawasan ang hindi magandang grado sa bs o ms studies. sa kabilang dako, ang magandang grado ay itinuturing naman na sukatan ng pagiging magaling na guro, anupat ang mga may karangalan noong nagtapos ay hindi na pinadaraan sa pagsusuri ng teaching demo. maging ang mga dati nang guro ay sinasala pa rin batay sa grado, at maaari pa ngang alisin kapag hindi napagbuti ang kalagayan.
makatuwiran naman ang paghihigpit ng nip pagdating sa grado. ang aspektong ito ng buhay instructor ay tumutugon sa pagiging estudyante ng isang guro, at tiyak na ang mababang grado ang pinakauna at pinakasimpleng manipestasyon ng pagpapabaya sa kaso ng isang estudyante (siyempre may iba pang salik na sangkot, tulad ng pagiging WALANG KUWENTA ng guro, pagkakasakit, pero bukod sa mga ito, ang grado talaga ang sukatan ng pagiging estudyante). ang mababang grado ay nagpapakitang ang isang guro ay hindi mabuting halimbawa ng pagiging estudyante; maaring ikatuwiran na paano ka makahuhubog ng magagaling na estudyante kung ikaw mismo ay hindi.
at siyempre pa, ang pagtuturo ang pinakatampok na bahagi ng pagiging guro. hindi ko alam kung iisa ang pinagmulan ng mga salitang "guro" at "turo", pero mahihinuha na napakalapit ng kaugnayan ng dalawa. dapat sukatin ng nip ang kakayahan ng mga aplikante sa larangang ito, at ito nga ang kanilang ginagawa ngayon sa pangunguna ni sir chris. sinumang hindi makarating sa ngayon para sa demo teaching, sa palagay ko, ay dapat na bawasan ng malaking puntos.
sa tatlong bahagi ng buhay guro na binaggit ko, ang pagtuturo ang pinakamahirap pagdating sa pakikibagay, yamang walang iisang pormula ang makasasapat sa pangangailangang ito. ang pananaliksik ay malaya; ang pag-aaral bilang estudyante, sa kabaligtaran, ay napakahigpit, structured, anupat may espisipikong mga sagot sa espisipikong mga tanong; ang pagtuturo naman ay nasa gitna, anupat nakabase sa kakayahan ng guro at sa pangkalahatang kalagayan ng klase kung magiging mabisa ito o hindi. gaano man kagaling ang guro bilang mananaliksik at mag-aaral, kung hindi niya mailalahad sa mabisang paraan ang mga bagay na dapat niyang ituro ay hindi pa rin siya isang magaling na guro. pagdating sa pagkuha ng mga gurong kukunin para sa gpc, ito ang dapat na maging unang criterion ng pagtanggap sa isang aplikante o hindi, dahil ang gpc ay nagbibigay lamang ng service courses para sa mga hindi physics majors at mahalaga na mapahalagahan nila ang pisika kahit man lamang sa loob ng isa o dalawang semestre (gayunman, sa pangkalahatan, at lalong-lao na para sa major courses, pananaliksik pa rin para sa akin ang higit na mahalaga). kapansin-pansin, sinusukat ng nip ang kakayahang ito pagdating sa dulo ng klase sa pamamagitan ng SET. ito ang pagkakataon para sa mga guro na pagbutihin ang kakayahan nila sa pagtuturo.
nagbabago ang landscape ng nip faculty halos bawat semestre. nagtatampok ito ng panibagong mga hamon at pagsisimula. nawa'y maging mabunga ang pagpapasiyang gagawin ng lupon na namamahala sa paghirang sa mga bagong guro, para sa ikabubuti ng lahat.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento