Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa pamamasyal sa Italya

Bago umuwi ang asawa ko sa Pilipinas, tiniyak ko na makakapasyal kami dito sa Europa. Sa isang lugar maliban sa aming tahanang lunsod ng Dresden. Sa umpisa pa lang, wala na akong alinlangan na ang pinakamagandang lugar para bisitahin ay ang Italya.

tungkol sa pagpapadala ng mga postcard

Bihira ang mga pagkakataong nakatanggap ako ng postcard; karamihan pa sa mga ito ay hindi talaga para sa akin, kundi para sa buong pamilya. Kung tama ang pagkakaalala ko, si Kuya Toto, ang pinsan kong tripulante noon sa isang cruise ship , ay nagpadala ng mga postcard sa amin noong maliit na bata pa lang ako. Nang makapag-asawa si Diche at manirahan sa Europa, nakatanggap kami ng mga postcard mula sa Iceland, England, at kung saan-saan pang mga lugar kapag nagbabakasyon sila. Bago kami maghiwa-hiwalay para sa postdoc , nagpadala nagbigay (hindi na dumaan sa koreo ang mga ito kundi binitbit na niya pauwi) rin si Ekkay ng mga postcard mula sa mga paglilibot niya sa Cambodia at Vietnam. Oo, literal na mabibilang sa daliri ang mga pagkakataong tumanggap ako ng postcard. Larawan: D. Berthold. Postcard mula rito .

tungkol sa paggawa ng lumpiang shanghai

Hindi ko alam kung bakit ang paboritong  dumpling  ng Pinoy ay nagtataglay ng pangalan ng isang lugar sa Tsina. Isang palaisipan sa akin kung bakit lugar  ang idinugtong sa pangalan ng pagkain . Subukan mong pagtabi-tabihin ang mga lumpiang alam natin: lumpiang ubod/s ariwa , lumpiang toge/ gulay , lumpiang Shanghai ; o, di ba, parang may mali? Pwede naman sanang lumpiang karne  o lumpiang masarap  o kahit ano pang ibang pangngalang o pang-uring may kinalaman sa pagkain ang ginamit na pantukoy sa partikular na lumpiang ito. Talaga nga kayang sa  mainland  nagmula ang popular na pagkaing ito (ang mismong salitang  lumpia , kung tutuusin, ay talaga namang tunog Tsino)? Sakali mang gayon nga, ngayon ay talaga namang tatak na ng Pinoy ang lumpiang shanghai.

tungkol sa Prague

Dalawang oras lang ang layo ko mula sa Prague, ang tinaguriang Paboritong Lunsod ng Europa. Labinsiyam na euros lang ang biyahe sa tren. Napakaganda ng mga tanawin mula sa tren, na bumabaybay sa tabi ng Ilog Elbe. Parte pa naman ng Schengen area ang Czech Republic, kaya hindi naman kailangan ng panibagong visa. Mga tagpo sa tabi ng Ilog Elbe: ang Saxon Switzerland. Kaya ewan ko nga ba kung bakit ngayon ko lang naisipang mamasyal dito.

tungkol sa pagbisita sa Asian Shop sa Dresden

Batay sa pagsasalita at sa mga pagkilos niya sa loob ng tindahan, siya rin siguro ang may-ari nito. Isang maliit at singkit na babae, nasa mga 40 ang edad niya sa tantiya ko. Kanina pa siya nagpapaikut-ikot sa tindahan, tumutulong sa pag-aayos ng estante, tumatao sa kaha sa tuwing may magbabayad, nakikipaghuntahan sa mga parokyanong sa palagay ko ay suki na rito.

tungkol sa Berlin Wall

Kamakailan lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na bumisita sa Potsdam na kanugnog ng Berlin. Napakasarap makapagsalita muli ng Tagalog matapos ang matagal na pakikipag-usap sa Ingles o sa putul-putol na Aleman. Ang mga bagong Pinoy na kakilala ang siyang naging tour guides  ko sa paglilibot sa tanyag na kabisera. At ang unang destinasyon? Siyempre pa, ang Berlin Wall.

tungkol kay Sis

Sa pagkakaalala ko, kung kailan hindi na kami nagkakasama, saka pa kami nagkaroon ng pantanging tawagan. Sa Caramoan. Larawan mula rito .