Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa deadlines

ang pinakamasamang bagay na sanhi ng pagkakaroon ng deadline ay ang tendensiya na gumawa lamang kapag malapit na ito. tulad ng 221 problem set, na buong linggo ko nang alam (dapat) at ngayong umaga ko lamang ginawa - ilang oras bago ang deadline. buti na lang at hindi pa pina-submit, hindi ko pa natapos ang isa. nandyan din ang SPP, na ang deadline ay ilang araw (o linggo pa ba?) na lamang bago dumating pero hindi pa nararamdaman (mali, PINAPANSIN) ng karamihan sa amin (buti pa kami nag-o-overnight! haha!). siguro ang etymology ng "deadline" ay related sa math. dead+line = line na zero slope (?). flat. yan ang plot ng productivity mo vs. time bago dumating ang isang specific date. geek! mas maganda siguro kung iisipin mo na sa susunod na minuto na ang deadline ng dapat mong gawin. o kaya naman ay na bawat sandali ng buhay ay isang deadline. tiyak, marami kang maisasakatuparan. dahil ganyan naman talaga ang buhay. ang bawat araw ay isang posibleng ...

tungkol sa mga bagay na nasasabi kapag wala nang masabi

matagal na pala akong hindi nakakapag-paskil ng anuman dito. ang lakas ng loob kong awayin si Mikki tungkol sa estado ng Multiply site niya, e ako nga ni walang pagbabago sa itsura man lang ng account. mapanira pa ang huli kong ginawa: nag-delete ng dalawang albums ng Eheads na sabi ni Cats ay hindi ko na-upload nang tama. abala kasi. sobra. sa daan-daang mga pahina ng papel na tinatanggap ko linggu-linggo bilang guro, hindi na ako makahanap ng panahon para umupo at magkuwento, sa halip ay lagi na lang akong nakatungo at nagtutuwid. bukod pa sa ako mismo ay isang estudyante, nila-Lagrangian ang kung anu-anong nag-a-accelerate na pendulum. pagdating naman sa research, paulit-ulit na animo'y isang LSS sa isipan ko ang mga salitang " We demonstrate using theory and experiment... " at " In conclusion we have reported a robust model of... " Lalo pa't SPP time. o baka naman hindi. kung minsan ang pagiging "abala" ay ang pinakamadaling lusot ng...

tungkol sa physics

isang araw lang ang nakakaraan: bumisita kami kay Ekkay sa ospital kung saan siya na-confine. dahil may pinsan siya sa ospital, ilang beses siyang ipinakilala sa kung sinu-sinong doktor. siyempre pati kami naipakilala rin. hindi ko makalimutan ang naging reaksiyon ng isa sa mga doktor doon. nang itanong kung ano ang trabaho namin, sinabi naming nagtuturo kami ng Physics sa Diliman. napa-wow ang doktor...(pagkatapos ay napa-shit, kasi binagsak daw niya ang Physics niya noon sa Los Banos.) limang taon na ang nakaraan: pumunta kami ni Mia sa UPLB para bisitahin ang mga kaibigan namin doon. tamang-tama naman, nakita namin si Nikki (friend ni Mia) at si Bryan (friend ko) sa McDo. ipinakilala ako ni Bryan sa blockmates niya, at nang sabihin niyang Physics ang course ko sa Diliman, sumubsob silang lahat, habang nagcha-chant ng "Sambahin...sambahin..." pitong taon na ang nakakaraan: pareho lang kami ng pananaw ng doktor at mga classmate ni Bryan. pumasok ako sa physics nan...

tungkol sa Magic 12

habang abalang-abala ang lahat sa pag-aabang sa magiging resulta ng Senatorial elections, ako naman ay nagtatanung-tanong tungkol sa kalalabasan ng pag-a-apply for teaching positions dito sa NIP. tinanong ko na si Ate Lina sa Director's Office kung meron siyang scoop, wala naman. hindi naman nagbibigay ng komento si Sir Perry, taga-recommend lang umano sila. si Sir Chris naman hindi rin nagsasalita. sina Mikki, George, at Christian pa lang ang alam kong hindi na pinag-demo, mga may laude kasi. pano ba naman. pagdating ng susunod na taon, kami na lang ni Ate Jaki ang maiiwan sa 3234. aalis sina Maan, Kiko, Carlo, Rafi at si Imee rin yata. hindi naman pinayagan sina Ekkay, Tons at Grace na lumipat dito. haay...sino kaya ang magiging bago naming room mates? siyempre, kailangan na mag-adjust sa pagdating nila. sana ang eleksiyon sa Pilipinas katulad ng pagpili ng NIP sa mga tatanggaping guro. talino ang batayan, at malinis ang proseso. or...baka naman magkatulad na si...

tungkol sa paglipad

hindi ka ibon e. hindi para sa iyo ang alapaap. noon siguro ay pinangarap mong angkinin ang papawirin at lumipad hanggang sa hangganan ng tanaw. pero inagaw ng panahon at pagkakataon ang iyong pakpak. itinalaga ka sa lupa, na siya mong tadhana. dito ka humimlay at nanaginip. dito ka natanim at namunga. kaya bagamat ibinigay sa iyo ng langit ang iyong kalayaan, ibinigay naman ng lupa ang iyong kapahingahan. sa pana-panahon ay muli kang paiimbulog sa ihip ng hangin, tatangayin ka sa rurok ng kaligayahan sa likod ng mga ulap. pero pagkatapos mong lumipad sa alapaap, siguraduhin mong bababa ka muli sa lupa. sa malambot na kanlungan nito na sa iyo'y naghihintay.

tungkol sa pagyayabang

kasi naman, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong. paghambingin ang dalawang nagkaroon ng bahagi sa parangal ng College of Science sa mga nagsipagtapos ngayong taon. ang Direktor ng Institute of Biology (ewan ko kung direktor nga ba siya) ang unang tinawag upang ipakilala ang mga nagsipagtapos mula sa kanilang mga akademikong programa. nagpasimula siya sa pagbanggit ng bilang ng nagsipagtapos na summa at magna at cum laude sa Biology. nang hindi naman tinatanong at hindi naman kailangan (at kasama) sa programa. duh. kaya nga may printed program, 'di ba? para ipaalam kung ilan ang mga may natatanging parangal mula sa mga estudyante. marunong kaming magbilang. at as if naman ay isang dahilan para ipagkapuri ang bilang ng kanilang mga may-award. ilan kaya sa mga ito ang mananatili para mag-enroll para sa kanilang mga programang gradwado (by the way, ilan nga ba ang nagtapos mula sa kanilang graduate program?)? kung meron mang matutuwa, siguro ay ang Kolehiyo ng M...

tungkol sa isa pang Panget

room mates sila, kaya kailangan pa nilang tiyakin kung sino ang tinutukoy ko kapag sumisigaw ako ng "Panget!" kapag napapadaan. pero iba siya. iba pala siya. kung pagmamasdan ay hindi siya naiiba sa ibang babae. isang tipikal na kolehiyala na masaya, makulit at ma-gimik. hindi miminsan na kaming ginulat ng vavavoom niyang kagandahan, kapag nagtotodo siya ng pagporma, kapag "trip" niya lang. pero maiiba ang persepsiyon mo sa kababaihan kapag nakilala mo siya. binabasag niya ang steryotipikal na pagtingin sa female gender bilang delicate at alagain. hindi mo maiisip na she can get down and dirty kapag kailangan, at na ikaw pa ang ipagtatanggol at aalagaan sa panahon ng panganib. sa totoo lang, kapag lahat ng babae ay naging katulad niya, mawawala ang machismo at ang patriyarkal na lipunan sa alaala. hindi, hindi siya nagwawala. matapang siyang sumusugod gamit ang talas ng isip subalit ang pananggalang niya ay puso. hindi ka maniniwala na ang isang katulad niya a...