Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa pagyayabang

kasi naman, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong.




paghambingin ang dalawang nagkaroon ng bahagi sa parangal ng College of Science sa mga nagsipagtapos ngayong taon.





ang Direktor ng Institute of Biology (ewan ko kung direktor nga ba siya) ang unang tinawag upang ipakilala ang mga nagsipagtapos mula sa kanilang mga akademikong programa. nagpasimula siya sa pagbanggit ng bilang ng nagsipagtapos na summa at magna at cum laude sa Biology. nang hindi naman tinatanong at hindi naman kailangan (at kasama) sa programa.

duh. kaya nga may printed program, 'di ba? para ipaalam kung ilan ang mga may natatanging parangal mula sa mga estudyante. marunong kaming magbilang. at as if naman ay isang dahilan para ipagkapuri ang bilang ng kanilang mga may-award. ilan kaya sa mga ito ang mananatili para mag-enroll para sa kanilang mga programang gradwado (by the way, ilan nga ba ang nagtapos mula sa kanilang graduate program?)? kung meron mang matutuwa, siguro ay ang Kolehiyo ng Medisina, sapagkat binigyan na naman sila ng bagong set ng mga magagaling na graduates.

siguro kung ako si Dr. Salvador at ako ang magpapahayag ng mga magsisipagtapos sa Physics, RATIO ng summa cum laude over graduating batch ang babanggitin ko. tingnan ko kung makapalag pa siya.

...on second thought, hindi na lang pala. hindi ako bababa sa kaniyang lebel...






samantala, ang tumanggap ng pinakamataas na karangalan sa mga estudyante, hindi lang sa kolehiyo kundi sa unibersidad ay nagsalita sa isang napakapayak at mapagpakumbabang tono. sa kanyang speech, sa halip na banggitin ang sarili niyang mga nagawa, pinatayo pa niya at kinilala ang pananaliksik ng isa niyang batchmate.

by the way, siya ang pinakabata sa lahat ng mga nagsipagtapos sa UP (and by that, I mean LAHAT). and by the way, Physics ang course niya (mwahahahaha!!!)...





saan ba nakukuha ang kapakumbabaan? siguro, ang humility ay parang brain cells. unti-unti itong nauubos habang tumatanda ang mga tao (compare Matthew 18:2-4). malas lang ni Ginoong Direktor. na-highlight ng pagkanaroroon ni Binibining Summa ang malalang kawalan niya nito.








ayan na naman. tumataas ang presyon ko. kasi, uli uli, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...

tungkol sa mga kuwentong itinuturo sa iyo ng pagmamahal sa taong hindi ka/mo mahal

pumili ka ng isang random faculty member sa NIP ngayon at tanungin mo tungkol sa lovelife. siguro 90% of the time makakarinig ka ng kuwentong "unrequited love". yung iba nga, kapuwa faculty member pa ang sangkot sa istorya! at marami ang hindi pa tapos - kasalukuyang nasa ganitong estado. kasama ako sa 90%. kapuwa faculty member din ang sangkot (alam na niya kung sino siya). pero i'm proud to say na sa kaso ko ay tapos na ang (malungkot na) kabanatang iyon ng aking buhay, at kapuwa na kaming maligaya sa aming kani-kaniyang pag-ibig. dahil sa huling nabanggit, sa palagay ko ay may karapatan at kakayahan na ako na magpayo sa mga taong nasa ganitong kalagayan. sa katunayan, napayuhan ko na ang isang tao (kilala na rin niya kung sino siya). ito ang ilan sa mga puntong gusto kong ilahad may kinalaman sa pagmamahal sa isang taong hindi ka mahal: ang sabi nga sa Bible, ang puso ay mandaraya. marami sa atin, kapag na-inlab, ang nag-iisip na "Siya na!" at binubuod ...

tungkol sa paglalakad-lakad kapag hapon

Marami akong teaching load  ngayon, pero dahil sa hybrid   na setup  ng unibersidad, nagkaroon ako ng mga pagkakataon para manatili lang sa bahay ng ilang araw bawat linggo. Lalo pa ngayon at nagsisimula pa lang ang mga klase.  Sa nakaraang dalawang linggo, ginugugol ko ang Lunes at Martes na nakaupo sa harap ng computer  para magdaos ng klase, sunud-sunod pasimula ng alas-siyete ng umaga. Ang tig-isa't-kalahating oras na mga klase ay may pagitan lang na labinlimang minuto, sapat lang para sa toilet breaks  at maikling pagkain. Matapos ang lahat ng mga sesyon, gugugol pa ako ng panahon para mai- upload  ang mga video  at iba pang materyal para sa mga klaseng iyon. Matatapos ako nang mga alas-kuwatro ng hapon.  Kapag bumaba na ako mula sa opisina, naghihintay na ang mag-ina ko; sila rin ay nag-klase (ang anak namin ay homeschooled  ng kaniyang ina). Pagbukas ng pinto, bubungad sa amin ang gintong araw ng hapon, tamang-tama lang bago ...