Lumaktaw sa pangunahing content

tungkol sa mbc class ko ngayon

oras na ng klase. inihuhudyat na ng relo sa kaliwa ang pagpatak ng alas-otso ng umaga. kalahating oras na mula nang umalis si Maan at Carlo sa kuwarto namin. matagal-tagal na rin mula nang lisanin ni Jacq ang kabilang silid at patayin ang ilaw.

oras na para maglakad ng milya-milya patungo sa New NIP at pasimulan ang unang klase ko sa buong linggo.

pero for some strange reason, hinihila ako ng silya ko at ayaw akong pakawalan. hinihikayat ako ng Gmail na mag-chat kahit pa walang online. ineengganyo ako ng Multiply para mag-blog.

hindi naman ako dati ganito. pagpatak pa lang ng alas-singko ng umaga ay handang-handa na ako, excited sa klase, buong linggo. nakikipag-unahan pa ako sa mga lecturers na may 7:30 am class sa pagdating sa NIP. makailang ulit akong naghahanda, nagsasaulo ng linya na parang artistang may shoot, nariyang magpalakad-lakad pa sa loob ng kuwarto. pero iba ngayon. 8:15 am na sa relo, pero nandito pa ako sa aking mesa, kumakain at nagsusulat.

maraming (pagda)dahilan ang pumapasok sa isip ko.

may taxi naman kasi, makakarating din ako siguro in no time.

nagbibigay lang ako ng marahil oras para masagutan ng mga estudyante ang nakatakdang worksheet.

may exam kasi sa 251, kaya inaantok pa siguro ako dahil sa magdamag na pagre-review.



o baka naman namimiss ko lang pumasok sa klase, hindi bilang guro.
kundi bilang isang estudyante...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tungkol sa paglubog ng araw at sa pagpapahalaga sa iba

Ang bawat paglubog ng araw ay naiiba sa iba pa. Siguro, hindi pa naman nagkakaroon ng dalawang sunset na parehong-pareho. Pero ang bawat paglubog ng araw, makatitiyak tayo, ay ubod ng ganda. Gaya ng isang blangkong telang asul na sinabuyan ng iba’t-ibang mga kombinasyon ng pula, dalandan, at dilaw, ang huling mga bakas ng liwanag ng araw ay isang bagay na pwede nating kamanghaan at pagnilay-nilayan, isang obra na nakapaskil sa isang malawak na gallery ng himpapawid.  Pero ang paglubog ng araw ay laging dumarating. Bawat gabi, hindi ito pumapalya. Nag-iiba-iba ang oras kung kailan ito nangyayari, pero sigurado kang darating at darating ito. Dahil sa pagiging maaasahan ng paglubog ng araw, kung minsan ay hindi na ito masyadong nagiging mahalaga sa atin; hindi na natin napapansin ang dulot nitong ganda.  Gaya rin ng isang masarap na ulam na hindi naman nagbabago ang timpla pero nakakasawa rin kapag palaging inihahain. O ng isang awiting napakaganda sana, pero pinat...

tungkol sa romantikong pag-ibig

Ang romantikong pag-ibig ang isa sa pinakamahirap unawaing damdamin ng tao.

tungkol sa tagsibol

Nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas; sabihin pa, wala ito ng apat na temperate seasons na nararanasan ng mga rehiyong mas malapit sa mga polo. Nagtataka tuloy ako kung bakit kumpleto ang mga salitang Filipino para sa apat na panahong ito: taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas. Produkto kaya ito ng maagang interaksiyon natin sa mga Europeo? Marahil; pero ang mas nakapagtataka pa rito, aktuwal na lumikha tayo ng mga katumbas na salita, at hindi na lang humiram mula sa Kastila o Ingles (hindi ba't tunog Pinoy na rin naman ang "primavera" ("spring") at "verano" ("summer"), at madali rin namang hiramin ang "winter" o "fall"?). Para lalo pang ilarawan ang punto: may espisipikong salita tayo para sa apat na ito, pero para sa salitang Ingles na "season" mismo, wala tayong espisipikong salitang maitumbas; ang pinakamalapit nang salin ay ang panglahatang "panahon" na ginagamit din natin para sa maraming ...