Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

tungkol sa paglalakad-lakad kapag hapon

Marami akong teaching load  ngayon, pero dahil sa hybrid   na setup  ng unibersidad, nagkaroon ako ng mga pagkakataon para manatili lang sa bahay ng ilang araw bawat linggo. Lalo pa ngayon at nagsisimula pa lang ang mga klase.  Sa nakaraang dalawang linggo, ginugugol ko ang Lunes at Martes na nakaupo sa harap ng computer  para magdaos ng klase, sunud-sunod pasimula ng alas-siyete ng umaga. Ang tig-isa't-kalahating oras na mga klase ay may pagitan lang na labinlimang minuto, sapat lang para sa toilet breaks  at maikling pagkain. Matapos ang lahat ng mga sesyon, gugugol pa ako ng panahon para mai- upload  ang mga video  at iba pang materyal para sa mga klaseng iyon. Matatapos ako nang mga alas-kuwatro ng hapon.  Kapag bumaba na ako mula sa opisina, naghihintay na ang mag-ina ko; sila rin ay nag-klase (ang anak namin ay homeschooled  ng kaniyang ina). Pagbukas ng pinto, bubungad sa amin ang gintong araw ng hapon, tamang-tama lang bago ...
Mga kamakailang post

tungkol sa lilim ng mga istrakturang kongkreto

Ang mga lunsod sa karamihan sa mga papaunlad na bansa sa mundo ay patuloy na nagiging sentro ng pag-unlad. Nagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa mga ito, kaya nagiging dahilan naman ito ng pandarayuhan ng mga tao para mapalapit sa mga oportunidad na iyon. Kaya habang ang mga probinsiya at kabukiran ay naiiwanan, nagsisiksikan naman sa mga siyudad ang karamihan.  Gayung-gayon ang matagal nang nangyayari sa Kamaynilaan. Ang napakaliit (kung ihahambing sa iba pang kapitolyo) na isthmus  na ito ay nagiging tahanan para sa tinatayang 13 milyong tao, bukod pa sa mga limang milyon pa (kasama na ako) na naglalakbay papunta rito mula sa kalapit na mga probinsiya para pumasok araw-araw.  Kaya naman sa patuloy na pagdami ng tao, mga ilang dekada nang namamayagpag ang industriya ng pagtatayo ng mga malalaki at matataas na mga gusali, mga condo  at mga mixed-used  na mga establisyamento, maging mga township  pa nga. Ang dating malawak na mga kaparangan at kagubatan...

tungkol sa madilim na mga panahon

Makulimlim na naman ang kalangitan. Wala naman na yatang namataang bagyo; quota na yata tayo sa apat ba namang sunud-sunod nitong kamakailan. Kung tutuusin, namamayani na ang hanging amihan kaya dapat sana ay maaliwalas na ang kalangitan. Pero pagdungaw ko sa labas, heto at madilim, ang unang sikat ng araw nang alas-sais ay nagmistulang dapithapon.  Pagsilip sa cellphone, nakailang busina na pala ang anunsiyo ng gobyerno. Nagkaroon pala ng pagsabog ang bulkang Taal, kaya pinag-iingat ang mga nasa kanugnog na mga barangay at nayon. Maaga palang nangyari iyon (kaya pagkarami-rami nang abisong natanggap ang dalawang SIM ng telepono ko). Tiyak na nakadagdag iyon sa makulimlim na umaga.  Hindi ko alam kung sa maulap ba na panahon o epekto ng pagputok ng bulkan, pero nagising ako ng masikip na dibdib at ubo. Bumangon ako para bumahing; hayun at walong ulit na magkakasunod. Bumaba ako ng hagdan para uminom ng tubig; idinamay ko na rin ang isang tableta ng antihistamine (bagamat sa ti...

tungkol sa mga yamang kalikasan

Ang National Museum of Natural History ang huli sa mga Pambansang Museo na binisita namin.  Na hindi naman namin sinasadya. Nagkataon lang na kinulang kami ng oras matapos naming bisitahin ang dalawa pang mga museo - Anthropology at Fine Arts - noong una kaming nagawi rito.  Na wari namang kakatwa, yamang ang yamang kalikasan ng Pilipinas ay higit na mas marami, mas natatangi, at mas maganda kaysa sa anumang mga bakas at gawa ng tao. Dapat sana ay inuna na naming puntahan ito.  Ang mga display sa loob ay nagpapakita, hindi lang ng pagkasari-sari ng mga halaman, hayop, at iba pang natural na ganda ng Pilipinas, kundi pati na ang mga pagtatangka ng mga tao na kolektahin, suriin, pangalanan, at isalansan ang mga ito. Sa huling nabanggit, kasama na sa mga paliwanag ang mga modernong paraan ng pagkuha, pag-iimbak, at pag-aaral sa mga bagay na ito sa kalikasan. Kung ihahambing sa tradisyunal at historikal na mga pagsisikap, talagang napakalaki ng isinulong sa larangang ito, ka...

tungkol sa pagtatrabaho sa mga kapihan

May panahon mga ilang dekada lang ang nakakaraan kung saan ang kape ay inihahanda lang sa bahay, hindi mahal, at hindi simbolo ng mataas na panlipunang antas.  Oo, inabot ko iyon. Isang popular na brand ng instant na kape ang binibili ng mga magulang ko, ang isa na nakalagay sa espesyal na baso. Pagkaubos ng mga butil ng kape, hinuhugasan ang lalagyan nito para magamit na pang-inom. Wala pa ring three-in-one noon, at bago pa lang na lumalabas sa merkado ang non-dairy creamer. Kaya noon, magtitimpla ka sa mainit na tubig ng isang kutsarang kape, saka mo lalagyan ito ng gatas (na pulbos din) at asukal. Hindi ko makakalimutan kung paano halos masuka ang nanay ko kapag tinitikman niya ang kape ko, na ang tawag niya ay arnibal dahil sa tamis.  Samantala, nang mga panahon ding iyon, isang rebolusyon ang pagdaraanan ng kape at ng buong mundo. Sa Seattle, nagsimula ang komersiyalisasyon ng kape. Ibinandila ito bilang isang panlibangang inumin, na mas magandang inumin kasama ng mga kai...

tungkol sa mga antropolohikal na pamana

Hindi ako mahilig noon sa mga museo. Parang kakatwa o corny  para sa akin ang pamamasyal sa mga ito, na para lamang sa mga nerd  o mga mananalaysay. At sigurado ako na hindi ako nag-iisa; marami sa mga kapanahon ko ang hindi naman na- expose  sa ganitong mga yamang pangkultura.  Dalawampu't pitong taon na ako nang una akong pumasok sa isang museo sa sarili kong pagkukusa. Isa akong postdoc  noon, mag-isang naninirahan sa silangang Alemanya. Nagsawa na ako sa mga mall  (aba, siyempre, bilang Pilipino ay ito ang natural na tambayan ko!) at Ikea, at nakakainip naman sa mga parke. Kaya hayun, matapos ang paglalakad-lakad sa labas ng mga baroque  na gusali ng lunsod, ipinasiya kong pumasok sa loob.  At doon nagsimula ang aking pagpapahalaga, pagkahilig pa nga, sa mga museo. Ang Dresden ay isang mayamang kaharian sa malaking bahagi ng kasaysayan nito, kaya pinuno ng mga duke nito ng kanilang mga koleksiyon ang mga museo ng lunsod. Sa buong dalawang taon...

tungkol sa mga bunga ng durian

Paano malalaman / Kung kailan / Mahihinog ang durian?  Mapapatula ka na lang kung hindi ka mapapatulala sa dalawang durian na nakalaylay ngayon mula sa puno sa harap ng bahay. Mga ilang linggo na, buwan na nga yata, mula nang mapansin namin ang mga ito, at ngayon ay natatakot kaming mahulog na lang sila sa bubong. Kahit subukan man naming pisilin ang mga ito, hindi rin namin malaman kung ano ang nasa ilalim ng makakapal at nakakatusok na mga balat ng mga ito. Ang dalawang bunga ng durian Noong mga huling bahagi ng 2010, ang mga biyenan ko ay nagtanim ng mga buto ng mga prutas na iniregalo sa kanila ng mga kaibigan. Galing pa raw ang mga iyon sa ibang bansa, at talagang nasarapan sila kaya gusto sana nilang itanim ang mga iyon. Nakabuhay sila ng dalawang langka, isang avocado, at isang durian, lahat ay nakatanim sa mga plastik na baso mula sa fast food.  Ang problema: Walang lupang mapagtataniman ng mga punlang iyon sa Las Piñas, lalo pa sa Moonwalk kung saan sila nakatira. Eks...